HAZELLE's point of view.
"Zack?" Tinignan ko sya habang nagdadrive. "Bakit ba galit na galit saakin si Pia sa tuwing lumalapit ako sayo?"
"Because she likes me,"
"Alam ko! Halata naman e."
"Kung ganon bakit mopa tinatanong?" Tumingin sya saakin sabay balik ng tingin sa daan.
"Kasi gusto kong malaman kung naging kayo ba?"
"No."
"Huh? Seryoso?" Hindi makapaniwala kong tanong. "Bakit ayaw mo sakanya? Maganda naman sya, sexy, mukha namang talented at mukha rin syang matalino,"
"Pero ikaw 'yung gusto ko."
Dahil sa sinabi nya ay natahimik ako at hindi makapaniwala.
Bigla syang ngumiti ng mapang asar. "Ang bilis mo siguro mabudol sa totoong buhay 'no?"
Sinamaan ko sya ng tingin. "Kaya siguro nagkagusto sayo si Pia kasi pafall ka!" Tinarayan ko sya tsaka nagcross arms.
"Bakit nafall kaba?"
Dali dali akong umiling. "Hindi 'no!"
"Yun naman pala e." Bigla syang ngumisi.
Hays mababalibag ko na 'tong lalaking to e!
"Paano ba kayo nagkakilala?"
"I met her because of my dad. Her parents and si dad ay nagkakilala dahil sa company."
"Ay talaga?"
"Yes. At balak nilang ipagkasundo kaming dalawa sa isang kasal,"
"Ano?!" Hindi makapaniwalang tanong ko.
Napatingin sya saakin. "Bakit gulat na gulat ka?"
"Nakakabigla kasi e! Pero pumayag ka bang magpakasal sakanya?"
Umiling sya at ngumiti.
Ano namang nakakatawa sa tanong ko?! Siguro iisipin nya na namang interesado ako sa buhay nya!
"I don't like her."
"Bakit ayaw mo itry? Malay mo magustuhan mo sya kapag nagpakasal kayo?"
Muli syang umiling. "Hindi ako madaling magkagusto sa tao. Mahirap akong mainlove,"
"Huh? May ganon ba?"
"Oo, and that's me."
"Kung ganon anong rason?"
Bigla nyang inihinto ang kotse nya. Hindi ko alam ang nasa isip nya pero nakatulala lang sya.
"May nasabi ba kong mali?" Nag aalalang tanong ko.
Maya maya pa ay bigla syang umiling at ngumiti.
"Let's go?"
"Huh?" Napasilip ako sa bintana. "Wala pa naman tayo sa bahay ah. Atsaka saang lugar 'to?"
Tinanggal nya ang seatbelt nya tapos bigla syang lumapit saakin. Ang lapit ng mukha nya sa mukha ko.
Akala ko kung anong gagawin. Tatanggalin nya lang pala ang seatbelt na nakakabit saakin.
Bumaba sya sa kotse nya tapos pinagbuksan nya ko ng pinto kaya agad din naman akong lumabas.
Anong nakain nya?
Bakit parang ang gentleman nya?
Napalingon ako sa paligid. Nasa lugar kami malapit sa dagat.
Bigla nyang hinawakan ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
The BADBOY Vs. PLAYBOY
Teen FictionLahat ng pagkakamali ay maaaring itama, at lahat ng tama ay maaaring maging mali.. ika nga nila, "NO ONE CAN CHANGE A PERSON BUT SOMEONE CAN BE A REASON TO CHANGE." Paano naman kaya kung hindi lang isa ang magbago nang dahil sakin? Dalawang lalaking...