HAZELLE's point of view
Kasalukuyan kaming nasa byahe ni kuya Mark papuntang Cavite.
Tatlong araw na ang nakalipas.
Sa tatlong araw na 'yun hindi pa rin nagigising si Bryan. Hindi ko alam ang gagawin ko. Pakiramdam ko nababaliw na ko.
Palagi ko syang pinuntahan sa hospital upang malaman ang kalagayan nya. Gustong-gusto ko nang gumising sya mula sa mahimbing nyang pagtulog.
Walang araw din na hindi ako umiiyak lalo na kapag sumasabay sa mga iniisip ko ang mga ginawa ni papa. Hanggang ngayon kasi hindi kopa rin matanggap na may ibang pamilya ang papa ko. Hindi ko alam kung paano ko tatanggapin 'yun kasi naman ang hirap! Sobrang hirap na hirap na ko sa sitwasyon ko at may time na pinapanalangin ko nalang na sana...
Sana ako nalang ang 'yung naaksidente.
Sana ako nalang 'yun kasi gusto kong makatakas sa magulong sitwasyon 'to!
Nasa labas palang kami ay kitang kita na namin sina lola at lolo na naghihintay saamin.
"Mga apo!" Tuwang-tuwa na salubong ng lola namin nang makalapit kami sakanila.
Agad ko naman itong niyakap at bineso.
Sobrang namiss ko ang lola at lolo kong mga 'to dahil isa sila sa nag-alaga sakin noong naaksidente ako sampung taon na ang nakalipas.
"Mabuti naman ay napabisita kayo. Apo ang laki-laki mo na at ang ganda ganda mo apo ko!" Paulit-ulit akong niyakap ni lola at hinalik-halikan sa noo na ikinatuwa ko.
Sa wakas ay nagawa akong mapangiti ng lola ko.
"Binata't dalaga na ang nga apo namin. Ang gwapo at maganda pa!" Laking ngiti ring sabi ni lolo.
"Mana po kasi kami sainyo, lolo." Tumawa lang si lolo tapos pinapasok na kami sa loob at agad pinaupo sa dining table.
"Ano nga palang dahilan ng pagbisita nyo dito mga apo?" Tanong ni lolo habang pinaghahandan kami ng makakain.
"Ang boring po kasi sa bahay." Walang ganang sagot ni kuya Mark.
"Ah ganon ba apo?"
"Sya nga pala, nasaan ang magulang nyo? Pupunta rin ba sila dito?" Inilapag ni lola ang mga kakainin namin sa lamesa habang nagtatanong.
Parehas kaming hindi nakapagsalita ni kuya Mark, tila naghihintayan kami sa unang magsasalita.
Ako na ang nagpresintang sumagot. "Hindi po 'la."
"Sayang naman." Halata ang dismaya sa reaksyon ni lola pero agad rin naman syang ngumiti at umupo sa harap namin. "Kamusta sina Alejandro at Cindy? Nag-aaway paba sila?"
"Hindi na po."
Sa totoo lang hindi ko alam ang isasagot ko pero ayoko namang madamay sila sa problema namin.
"Nako si alejandro talaga hindi pa rin nagbabago ang pag mamahal sa mama mo, apo." Sabi ni lolo habang nakangiti sabay tingin kay lola. "Parang kami lang ng lola mo hanggang ngayon ay mahal pa rin namin ang isa't isa.. Ganon ang tunay na pag-ibig apo."
Tunay na pag-ibig?
Paano ko naman kaya masasabing tunay na pag-ibig ang nararamdaman ni papa?
Pinilit kong ngumiti upang itago ang lungkot na nararamdaman ko. "Ano po bang sikreto nyo lolo?" Pagbibiro ko.
"Acceptance lang apo. Tanggapin mo kung ano mang meron sya, kung sino man sya. Kalimutan ang masamang nakaraan, mag focus sa kasalukuyang pagmamahal." Matamis ang mga ngiti ni lolo habang sinasabi nya 'yun. Halatang sobrang lalim ng pagmamahal nya kay lola.
BINABASA MO ANG
The BADBOY Vs. PLAYBOY
Fiksi RemajaLahat ng pagkakamali ay maaaring itama, at lahat ng tama ay maaaring maging mali.. ika nga nila, "NO ONE CAN CHANGE A PERSON BUT SOMEONE CAN BE A REASON TO CHANGE." Paano naman kaya kung hindi lang isa ang magbago nang dahil sakin? Dalawang lalaking...