10 years ago
Masaya akong nag lalaro mag isa sa playground. Nagpapadulas, nagduduyan at kung ano ano pa. Pero napahinto ako sa pag duduyan nang makita ang isang batang lalakeng umiiyak sa di kalayuan sa playground. Agad kong itinigil ang ugoy ng duyan at dali daling nilapitan ang batang nakaupo sa upuan na gawa sa bato habang sya ay umiiyak.
"Bakit ka umiiyak?" Naaawa kong tanong nang makalapit sakanya.
Inangat nya ang ulo nya. "It's none of your business," tinignan nya ko mula ulo hanggang paa. "Sino ka bang pangit ka hah?!" Galit nyang tanong habang nakatingin saakin ng masama.
"Ano! Pangit? Sino? Ako?!"
"Yes!"
"Grabe ka naman sa maka-pangit! Ikaw nga gwapo, iyakin naman!"
"No! Hindi totoo 'yan!" Tumayo sya dahil sa inis at laking gulat ko naman nang ilapit nya ang mukha nya saakin.
"K-kung hindi t-totoong iyakin ka, bakit ka umiiyak?!" Utal utal kong tanong dahil sa pagkabigla nang ilapit nya ang mukha saakin.
"Hindi kaba nakakaintindi? I said, it's none of your business!"
"Pero tumigil ako sa paglalaro ko kasi nakita kitang umiiyak kaya nilapitan kita." Ibinaba ko ang ang ulo ko habang nakanguso at pinaglalaruan ang mga daliri ko sa kamay. "Gusto ko lang naman makatulong sayo." Malungkot kong sabi.
"I don't need your help." Mahina nitong sabi sabay dumistansya saakin.
"Ang sungit mo naman." Inirapan ko sya. "Ah! Alam kona mag-papakilala nalang ako sayo! Ako si Princess Hazelle ikaw anong pangalan mo?"
"Wala akong pakialam kung sino ka man, so please leave me alone!" Galit nyang sabi habang tinataboy ako.
Bakit ba ganyan sya? Bakit ang sungit nya?!
"Ano bang problema mo?! Bakit ka umiiyak kanina? Bakit ang sungit mo?Gusto moba damayan kita?" Kahit tinataboy nya nako ay pilit ko pa ring tinatanong sya ng paulit ulit.
"Wala kang alam tungkol sakin kaya umalis kana lang!" Bigla nya kong tinulak kaya napaupo ako at tumama ang siko ko sa sahig.
Ano kayang magiging reaction nya kapag umiyak ako sa harap nya?
Unti unti akong nagkunwaring umiiyak habang nakatingin sa siko kong may gasgas dahil sa pagkakatulak nya saakin.
"Whaaaah huhuhu kasalanan mo 'to! Huhuhu!"
Nanlaki ang mga mata nya dahil sa ginawa nya.
"Ang bad mo! Isusumbong kita sa kuya Mark ko! Huhuhuhu! Mamaaaaaa!" Kunwareng umiiyak kong sabi habang humahagulgol.
Lumapit sya saakin na sobrang nag- aalala at parang nagsisisi sa ginawa nyang pagtulak saakin. "Hoy! S-sorry! I'm really sorry!"
"Huhu! Kung hindi mo sana ko tinaboy at tinulak hindi sana ako magkaka-sugat! Whaaaaaah mamaaa papaaaaaa kuyaaa maaark! Huhuhuhu!"
Hinawakan nya ang magkabilaang braso ko. "Sorry na talaga! Please sorry! Masama lang kasi ang loob ko atsaka ang kulit kulit mo rin kasi eh! Please sorry na!" Sabi pa nya habang hinihimas 'yung likod ko.
"G-gusto ko lang naman makatulong sayo e huhuhuhu!"
"Sorry talaga." Nakatungo nitong sabi at parang naiiyak na. "Wag ka ng umiyak please.. Hindi kasi ako sanay na may umiiyak sa harap ko, nasasaktan ako.."
BINABASA MO ANG
The BADBOY Vs. PLAYBOY
Fiksi RemajaLahat ng pagkakamali ay maaaring itama, at lahat ng tama ay maaaring maging mali.. ika nga nila, "NO ONE CAN CHANGE A PERSON BUT SOMEONE CAN BE A REASON TO CHANGE." Paano naman kaya kung hindi lang isa ang magbago nang dahil sakin? Dalawang lalaking...