CHAPTER 29: Science Time

2.3K 81 0
                                    

Nang makaupo kami sa kanya kanya naming upuan ay tumingin muna sya sakin sabay kindat. Napaiwas naman ako ng tingin at tumalikod nalang dahil ramdam kona naman ang pag-iinit at pamumula ng dalawang pisngi ko.

Hindi naman nagtagal ay pumasok na ang science teacher namin na si Mrs. Rivera. Minsan lang syang umattend sa klase. Ewan koba kung bakit.

"Good morning, class lahat ng tatawagin ko ay lalapit sakin." Panimula nya habang seryoso sa pagsasalita. "Ms. Entelle." Tumayo si Lesley at naglakad papunta sa unahan.

"Hala ano kayang meron?"

"Ano na naman kayang ipapagawa nya?"

"Magpapatrivia na naman siguro sya."

"Hays ang boring talaga nya!"

"Sabi na e may pa-quiz bee na namang magaganap!"

"Sana all kasali."

Karamihan sa mga classmate ko ay nagchichismisan.

"Mr. Salvador.." Banggit ni ma'am sa apilyedo ni Zack. Napatingin naman ako sa likuran ko. Nakita ko syang tumayo at pumuntang harap ng board. "And last Mr. Lim Cortez,"

Hinanap ng mga mata ko si Bryan. Nakita kong syang tumayo galing sa unahan.

Doon na kaya sya nakaupo?

Bakit kaya sya lumipat ng upuan?

"Oh wait may idadagdag akong dalawa. Stand up, Ms. Bautista and Mr. Soriano." Tumayo naman ang dalawa naming kaklaseng tinawag ni ma'am.

Naghanda si ma'am ng 5 na upuan sa harap at pinaupo ang limang estudyanteng tinawag nya.

"All I called were the top 5 honors of section 5. 1st honor is Mr. Lim Cortez, 2nd is Mr. Salvador, 3rd is Ms. Entelle, ang ating pang 4th naman ay si Mr. Soriano and last Ms. Bautista!" Isa isang tinuro at pinakilala ni ma'am Rivera ang limang honors.

Hindi ko naman maiwasang humanga dahil ngayon ko lang nalaman na first honor pala si Bryan. Sabagay deserve nya naman 'yun dahil matalino naman talaga sya. Syempre matalino rin naman ang master ko 'no! Hindi ko nga alam kung bakit pina-tutor pa sakin ni prof. Pancho sila e, with honor naman pala samantalang ako? Arrggghhh basta nag exist ako!

"Today we will have Trivia about science. Whoever has the most points will transfer the 1st honor to that person." May inilapag si ma'am Rivera na maliit na bell sa mga lamesa nila. "Tsaka nyo pipindutin ang bell na iyan pagtapos kong magtanong. Paunahan kayo sa pag pindot, understood?" Napatango naman silang lahat.

Napalunok ako ng laway habang nakatingin kay Zack na ngayon ay nakatingin sakin. Huminga muna sya ng malalim bago ngumiti.

"Kaya mo yan!" Mahinang senyas ko at nag thumbs up pa. Napatango naman sya ng makuha nya ang ibig sabihin ko.

"Took a deep breath, class. Okay let's start.." Umupo si ma'am sa gilid nila upang mas marinig nila ang itatanong niya. "What percentage of the earth is covered by water?"

Saktong pagsabi ni ma'am Rivera nu'n ay ang sunod sunod na pagtunog ng mga bell. Pero nauna si Soriano kaya sinenyasan sya ni ma'am na sya ang sumagot.

"About 71% of the earth's surface is covered by water." Mabilis na sagot ni Soriano.

"Correct." Si ma'am Rivera. "1 point Mr. Rivera,"

Napa-yes naman si Soriano at ngumiti ng malapad.

Napatingin ako kay Bryan na nagfo-focus lang. Sunod akong tumingin kay Zack na chill lang.

The BADBOY Vs. PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon