CHAPTER 27: Mahal Kita

2.5K 66 2
                                    

"Sino kaba para pagbawalan sya?!"

"She's my----" Hindi tinapos ni Zack ang sasabihin nya. Inakbayan nya ko at ngumiti ng matamis habang nakatingin pa rin kay Bryan. "..She's mine..."

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Zack.

ANOO?!!

She's mine.

Pwede bang manapak ng baliw?! As in now na?!

Magsasalita pa sana ko nang biglang lumapit saamin si Lesley at nagsalita.

"Bryan! Let's go na!" Nakangiti nyang sabi at kumapit pa sa braso nito.

Nasabi nya na kaya?

Akala ko ba ako ang mag-aayaya kay Bryan? Hays hayaan mo na nga.

Naglakad na sila palabas ng room pero ang mga tingin ni Bryan ay nakapukaw pa rin kay Zack. Para ngang nagwre-wrestling sila sa isip nila e.

Para talaga silang si Tom and Jerry! Palaging hindi magkasundo!

Mabilis na tinanggal ni Zack ang pagkakaakbay nya sakin nang mawala sa paningin namin sina Bryan at Lesley.

Tsk.

Alam ko namang ginagawa nya lang akong pangpikon kay Bryan e. Utot nya!

Sinamaan ko sya ng tingin at nagmadaling isara ang bag ko at naglakad palabas ng room.

"Hey! Hintayin mo nga ako, slave!" Dahil bakulaw sya hinabol nya ko.

"Trip mo talagang sirain lagi 'yung araw ko, ano?" Yamot na yamot kong tanong dito at mas nilakihan pa ang bawat hakbang ko.

"Sino bang tangang nagsabi sayo nyan?"

"Ako bakit?!" Inis kong sagot dito.

"I see."

Aba'y tarantado!

Kumukulo talaga 'yung dugo ko sakanya!

Hanggang sa labas ng gate sinundan nya lang ako hanggang sa hinila nya na ko at kinaladkad.

Tarantado talaga pisti yawa!

Huminto sya sa pagkakaladkad sakin sa harap ng isang peryahan.

'WELCOME TO PERYAHAN NG BAYAN'

Ayan ang unang makikita bago pumasok sa peryahan. Andaming tao at karamihan estudyante. Wala kaming ibang naririnig kundi tilian at sigawan dahil sa mga taong nakasakay sa viking, ferris wheel at kung ano ano pang carnival rides dito. Andami ring nagbi-bingo at naglalaro ng kung ano ano.

Mukhang masaya dito ah?

Naeexcite tuloy ako!

"Anong gagawin natin dito?" Tanong ko sakanya habang naglalakad kami. Gusto ko lang malaman ang isasagot nya.

"Ikaw, bahala ka kung gusto mong magswimming dito." Sarkastiko nyang sagot.

"Tsk! Tinatanong ng maayos e." Reklamo ko.

Napairap nalang ako at saktong pag irap ko nakita ko ang iilang tao na nagsasaya habang naglalaro. 'Yung laro kasing 'yun ay 'yung papaluin 'yung clown tapos mabilis itong mawawala. (Sorry di alam ni author kung ano 'yung tawag sa larong 'yun haha) Kapag nakaraming pukpok ka sa clown ay may mapapalanuhan kang stuff toy at kung ano ano pa.

The BADBOY Vs. PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon