CHAPTER 6: Gym

3K 99 0
                                    

RIIIINNNNNGGGGGGG!!!!!



Dali dali akong lumabas ng classroom. Sa wakas break time na!

Kailangan kong magtago para hindi ako makita ni kuya Mark!

Tago here, tago there, tago everywhere!

Para na kong tanga dito. Bawat daan sa bawat section magtatago, baka kasi makita ako ni kuya mark e. Nakahinga ako ng maluwag nang malagpasan ko ang building kung saan pumapasok si kuya Mark.

Naglakad ako na ngiting aso.

Walang away na magaganap, mission accomplished!

"Hoy damulag!" Napahinto ako at nanigas sa kinatatayuan ko. "Akala mo matatakasan mo ko? Nasaan na 'yung unggoy na humalik sayo? Tara ituro mo na saakin!"

Unti unti naman akong humarap sakanya. "Ah.. ano kasi kuya.." Kinakabahan ako. "Ah.. eh.. ih.."

"Hey Mark!"

Nanlaki ang mata ko sa taong paalapit saamin.

Anong ginagawa nya dito? Bakit sya nandito?!

"Pareng Zack ikaw pala 'yan! Long time no see ah," Tinapik ni kuya Mark 'yung likod nya.

Teka..

Bakit pareng Zack 'yung tawag ni kuya Mark sakanya? "K-kuya Mark, mag kakilala kayo?" Kinakabahang tanong ko.

"Oo naman bakit?" Sagot ni kuya Mark habang nakangiti.

Whaaaaaaaah! Seryoso?! Magkakilala sila? Bakit hindi ko alam 'to?

"Paano kayo nag kakilala?"

"Diba na kwento kona sayo noon 'yung grupong gangster na binuo namin? 'Yung Black Shadow. Sya 'yung leader namin. Ay teka nga lang damulag bakit mo nga pala tinatanong? Kilala mo rin ba si pareng zack?"

Napatingin ako kay zack.Cold yung tingin nya sakin.

"H-huh? HINDI!"

Hindi kona pwedeng sabihin na si Zack 'yung humalik sakin dahil magkaibigan pala sila ni kuya mark, kaya hazelle huminahon ka at umisip ka magandang palusot.

Isip.

Isip.

"Ahmm kuya Mark una nako---"

"Friendship!" Nanlaki ang mga mata ko ng makita sila Sammy at Jhadel na papalapit saamin habang kumakaway.

"Kanina kapa namin hinahanap nandito ka lang pala," sabi ni sammy at niyakap nila ko ng mabilis pagtapos 'nun ay parehas silang napatingin kila kuya Mark at kay Zack.

Teka wag! "Whaaah si Zack 'to diba? Sya 'yung humalik sayo kahapon!" Sabi ko nga wag Sammy.

Grabe napakaswerte ko talaga sa mga kaibigan ko promise walang halong sama ng loob!

--___--

Nagulat naman si kuya sa sinabi ni Sammy. "What?! Si Zack yung humalik sayo, damulag?!" Hindi makapaniwalang tanong ni kuya Mark.

"HINDI!" Malakas kong sagot.

"Huh diba friendship sabi mo si Zack 'yung humalik---" biglang tinakpan ni Jhadel 'yung bibig ni Sammy gamit ang kamay nya.

"Congrats, Zack!"

Gulat kaming napatingin kay kuya Mark na ngayon ay ang saya saya. Seryoso ba sya?! Congrats daw? Samantalang kanina galit na galit sya at balak pang bugbugin si Zack!

"Hindi ka galit kuya Mark?" Nag tatakang tanong ko.

"Huh bakit naman ako magagalit? Kaibigan ko naman tong si pareng Zack e atsaka magpasalamat ka nalang dahil may nagtangka pang humalik sayo!"

The BADBOY Vs. PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon