"Wow, ang laki!"
Manghang mangha kong pinagmasdan ang bahay--- este mansion nila Zack. Napakagara at mamamahalin ang mga gamit nila.
"Ng ano?" Nabaling ang tingin ko sakanya.
"Ng bahay nyo malamang!" Inis kong sabi dito nadahilan kaya ngumiti sya.
Ngumiti na naman sya?!
Habang naglalakad kami papuntang sala hindi ko maiwasang hawak hawakan ang mga nakikita kong painting at mga displays ng mansion nila. Hindi ako makapaniwalang dito nakatira si Zack.
"Zack, bakit nga pala hindi ka masyadong tumawa o ngumingiti?" Tanong ko habang pinagmamasdan ang mga picture na nakaframe at nakapatong sa mga lamesa.
"What do you mean?" Huminto sya sa paglalakad at tumingin saakin.
"I mean bakit ang cold mong tao? Parang ang seryoso mo sa lahat ng bagay, ganon." Muli akong bumalik sa ginagawa kong pangengealam ng display nila.
"Anong gusto mo tumawa ako kahit walang nakakatawa?" Cold nitong sabi na dahilan kaya muli akong napalingon sakanya.
"Hays! Hindi naman sa ganon, ang ibig ko kasing sabihin bakit minsan ka lang ngumingiti? Bakit palagi kang seryoso-- ah basta! Nevermind." Napakamot nalang ako sa noo ko.
Bahala na nga sya dyan sumasakit na 'yung ulo ko dahil sakanya e!
Hindi pa ko nakakapaglakad nang bigla nya kong hinila na dahilan kaya muli akong napaharap sakanya.
Nakatingin sya sa mga mata ko at hinawi nya ang buhok ko papunta sa likod ng tenga ko.
Maya maya pa ay napatigil ako sa pag-iyak nang bigla nya kong yakapin.
Parang tumigil ang ikot ng mundo. Naririnig ko na naman ang tibok ng puso ko.
Bakit ganto ang nararamdaman ko?
Dug.. dug.. dug.. dug..
Pagkatapos ng pangyayari kanina hinila nya ko at sinakay sa kotse nya. Hindi ko nga alam kung anong nakain ng kumag na'to kaya dinala nya ko dito sa mansion nila.
Nabaling ang tingin ko sa isang picture frame.
"Hala ang cute!" Dali dali kong kinuha 'yun at pinagmasdan.
Isang baby boy na sobrang cute na nakangiti habang nakaupo. Parang first time lang ng baby umupo sa picture.
"Sino 'to? Kapatid moba 'to?"
"That's me."
"Sobrang puti mona pala noong bata ka 'no? Samantalang ako 'nung bata ko---" bigla akong natigilan sa dapat na sasabihin ko. Bigla nalang akong napaisip. "Noong bata ko.. hays bakit ganon wala akong maalala?! Wala siguro akong masasayang childhood memories kaya hindi kona maalala. Hays ang lungkot naman ng pagiging bata ko noon,"
"What?" Naguguluhang tanong ni Zack.
Bago ako magsalita ay binalik ko muna 'yung picture frame kung saan ito nakalagay kanina. "Hindi ko rin ma-gets e. Sa tuwing iniisip ko kung ano bang nangyari saakin noong bata ako wala akong masabi kasi wala namang pumapasok na memories sa isip ko. Bakit kaya ganon?"
Napairap sya. "Crazy girl, tsk."
"Hoy hindi ako baliw 'no!"
Hindi na sya muling nagsalita. Naglakad sya kaya sinundan ko sya hanggang sa makarating kami sa sala nila.
"Take a sit." Sabi nya kaya agad naman akong umupo sa coach.
"Ijo!" May lumapit saaming medyo nay edad na babae. "Sino 'yang kasama mo? Girlfriend moba, Zack? Bakit hindi ko alam 'to?!" Nakasimangot at sunod sunod nitong tanong.
BINABASA MO ANG
The BADBOY Vs. PLAYBOY
Teen FictionLahat ng pagkakamali ay maaaring itama, at lahat ng tama ay maaaring maging mali.. ika nga nila, "NO ONE CAN CHANGE A PERSON BUT SOMEONE CAN BE A REASON TO CHANGE." Paano naman kaya kung hindi lang isa ang magbago nang dahil sakin? Dalawang lalaking...