CHAPTER 19: Jacket

2.4K 76 0
                                    

Nakayakap lang ako sa sarili ko habang naglalakad papuntang locker upang doon magpalit ng damit.

Gulo gulo ang buhok ko at puro pasa sa mukha at katawan ang natamo ko. Mas mukha akong taong grasa ngayon.

Ang pangit pangit ko!

Hindi mabilis ang lakad ko. Halos lahat ng estudyanteng nadadaanan ko nakatingin saakin. 'Yung iba pinagtatawanan ako at 'yung iba naman naaawa sa lagay ko.

Hindi naman ako nagpapaawa o nagpapatawa sakanila. Gusto ko lang pumuntang locker para makapagpalit na ng damit.

Gusto ko ng umuwi!

Pinunasan ko lang ang mga luhang tumutulo sa mata ko. Hanggang ngayon kasi naiiyak pa rin ako.

Naawa ako sa sarili ko dahil hinahayaan ko lang na apihin nila ko.

Ang duwag duwag ko!

"Hazelle!"

Inangat ko ang mukha ko upang makita ang taong tumawag sa pangalan ko. Tumakbo sya papalapit sakin habang may pag aalala sa mukha nya.

Kailangan kong iwasan si Bryan.

Ayoko ng gulo!

Please layuan nya nalang ako!

Please! Please!

Bago pa makalapit si Bryan sakin biglang may taong naglagay ng jacket sa likod ko upang takpan ang sira sira kong uniform.

Napaharap ako sa taong gumawa 'nun.

Tumingin sya sakin sunod sa direksyon ni Bryan. Nakakatakot ang aura nya. Ang seryoso kasi ng mga tingin nya.

Napahinto naman si Bryan nang makita nya ang ginawa ni Zack saakin.

Hinawakan ni Zack ang bewang ko at hinila ako papalayo sa mga estudyante at kay Bryan.

Nakatulala lang ako.

Bakit palagi syang nandyan kapag kailangan ko ng tulong? Palagi syang nasa tabi ko.

Bakit ganto ang nararamdaman ko?!

Nakarating kami sa locker room. Nakatulala pa rin ako at parang hindi pa rin nagsisink in sa isip ko ang lahat ng nangyayari. Halos hindi ko nga maramdaman ang mga pasa at kalmot sa ibat ibang parte ng katawan ko e. Nasasaktan lang ako dahil natatakot akong mawalan ng kaibigan.

"Get dressed." Nakatingin lang sya sakin ng seryoso. Parang may galit sa tono ng pananalita nya. "Ayusin mo na rin ang sarili mo. Hihintayin nalang kita sa labas,"

Pagkatapos nyang sabihin 'yun ay naglakad na sya palabas ng locker room ng girls. Huminga muna ko ng malalim bago ayusin ang sarili ko at mag ayos.

Nagpalit ako ng tshirt na white at sinuot ko ang hoodie ni Zack. Kailangan ko kasing takpan ang mga pasa ko dahil ayokong malaman ni kuya Mark at ng mga kaibigan ko ang nangyari sakin. Ayokong mag alala sila sakin. At kapag nalaman nila Jhadel at Sammy kung sino ang gumawa sakin ne'to siguradong makikipag away sila para sakin. Ayokong madamay sila sa gulong pinasok ko.

Nakatingin lang ako sa salamin. Putok ang gilid ng labi ko. Pano ko kaya matatago 'to?

Bahala na.

Paglabas ko ng locker room wala si Zack.

"Nasan na sya?"

Maya maya pa ay nakita ko sya mula sa malayo habang papalapit saakin.

"San ka galing?" Tanong ko.

"May tinapos lang," Cold nyang sagot.

Nakatulala lang ako sakanya.

Anong tinapos nya?

The BADBOY Vs. PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon