CHAPTER 17: Princess

2.8K 88 0
                                    

MARK's point of view


Pagbaba ko ng school bus nakita ko si Bryan na papalapit saakin habang nakapayong.

"Shit!" Napahawak ako sa buhok ko at napatingin sa paligid. "Umuulan pala! Hays basa na tuloy ako!"

"Bakit kasi dika nagdala ng payong?" Tanong ni Bryan habang tumatawa nang makalapit sya saakin. Agad naman akong sumilong sa payong nya.

"Teka nakita moba si damulag?"

"Sabay kaming pumunta dito. Wait, bakit mo nga pala palaging tinatawag na damulag si Hazelle? She doesn't look like damulag naman e,"

"Favorite ko kasi 'yung palabas na doraemon, tapos naiirita ako sa pagmumukha ni damulag. Kapag nakikita ko 'yung kapatid ko naiirita din ako kaya tinatawag ko syang damulag. Atsaka baby damulag kasi e, isip bata."

Bigla syang ngumiti. "Ang cute."

"Anong cute don?"

"Natutuwa lang ako sainyong magkapatid. Ang swerte mo sa family mo,"

Bigla nalang akong natahimik.

Swerte?

Swerte nga ba?

Umiling ako. "Akala mo lang,"

Nagkasalubong naman ang dalawang kilay nya dahil sa naging sagot ko. "Huh bakit? Aren't you happy with your family?"

Umiling ako. "Masaya naman ako sa pamilya ko 'no. Wag ka ngang mag english dumudugo 'yung ilong ko e!" Reklamo ko habang nakahawak sa ilong.

"Hahaha sorry. Pero sa totoo lang dapat talagang maging masaya ka sa family mo dahil may mabait kang mama, papa at kapatid. Samantalang ako.. wala na akong pamilya. Mag-isa nalang ako," Napatingin ako sakanya. Bigla syang ngumiti pero nakikita pa rin sa mga mata nya ang lungkot.

Seryoso ba sya sa sinasabi nya? Bakit ngayon ko lang nalaman?! Akala koba tropa kami?!

"Hahaha sorry ang drama ko." Sunod nyang ani habang natatawa.

"Ayos lang."

"Hoy lalaki!" Sabay kaming napatingin sa babaeng papalapit saamin ni Bryan.
Nagulat ako nang may ihagis syang damit saakin. Mabuti nalang nasalo ko ito. "Yan na 'yung basura mong damit!"

Anak ng Yna!

Kailan ba sya titigil sa kakasabing basura ang damit ko?!

Hello, clothing kaya 'to! 999 pa naman bili ko dito tapos sasabihan nya lang na basura 'to?!

"Paano ba pumatay nang hindi nakukulong?!"

Napatingin sya kay Bryan.

Nagulat ako nang lumapit sya saakin. Tapos bigla nya kong hinalikan sa pisngi.

ANO?!

She kissed me?!

Pucha! Napa-english tuloy ako!

"Thank you, babe." Sabi nya matapos akong halikan sa pisngi sabay lakad papalayo.

Tangina?! Babe?!

Kailan ko sya naging babe?!

"Nice bro," natatawang sabi ni Bryan.

"Anong nangyayari sa ex mo? Nababaliw naba?!"

Bigla syang umiling habang natatawa. "She's not my ex."

"What? Bakit kinalat nyang naging kayo raw?"

"Actually I'm a friendly person. Marami akong girl-friends kaya napagkakamalan akong playboy dahil iba iba raw ang nakakasama ko, without knowing that they're just my friends." Natatawa nyang sabi na ikinagulat ko.

The BADBOY Vs. PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon