"Class dismissed." Sabi ng lalaking teacher namin. Sya pala ang last period namin.
Dali daling nag-sitayuan lahat ng classmate ko at kanya kanya sa pag ayos ng gamit. 'Yung iba naman tumakbo na palabas ng room upang makauwi na habang ako nagsusulat pa rin. Gusto ko kasing magsulat para may rereview-hin ako sa bahay kapag malapit na ang exam.
"Mr. Salvador! Saan ka pupunta?" Napatingin ako sa taong tinawag nya. Palabas na sana ang taong 'yun sa pinto napahinto lang sya ng tawagin sya ng professor namin. "Hindi ba ang sabi ko kapag klase ko ikaw ang maglilinis ng buong room nyo?! At nakakalimutan mo bang sinapak mo ang iilan kong estudyante?!"
Sinapak? Hala?!
Napansin ko naman na kami nalang palang tatlo ang nasa room at mabuti nalang huling sentence nalang ay tapos na ko sa pagsusulat.
"Fine." Inihagis nya ang bag nya at tumama ito saakin kaya imbis na tuldok nalang ang isusulat ko ay umabot pa hanggang dulo ng notebook ko.
Amp! Ang pangit na tuloy ng sulat ko!
Tinitigan ko sya ng masama pero di nya ko pinansin. Kinuha nya ang walis tsaka nag-simulang maglinis.
"Buti nga sayo." Mahinang bulong ko.
Tumingin sya sakin ng masama. "What?"
Hala narinig nya?! Oh no baka sapakin nya rin ako whaaaah!
"Miss?" Napalingon ako sa unahan ng tawagin ako ng professor namin. "Ikaw ba 'yung new transfer sa section na 'to?"
Tumango ako. "Opo."
"What's your name?"
"Princess Hazelle Domingo po." Nahihiyang sagot ko.
"Ah kaano ano mo si Mr. Prince Mark Domingo?"
"Huh? K-kuya ko po."
"Ah naging estudyante ko kasi 'yun noong nakaraang taon. Napakaligalig nya at puro basag ulo ang alam gawin sa klase tapos nanghahalik pa ng classmate nya." Sabi ng prof namin habang binubura ang mga sulat sa board.
Tumawa ako ng peke dahil nahihiya ako sa pinag-gagagawa ng kuya ko."Ganon po talaga 'yun hehehe,"
Nakakahiya talaga si kuya Mark kahit kailan! Sana pala umpisa palang tinanggi ko ng kuya ko sya, tsk!
"By the way Ms. Domingo, my name is professor Pancho ang inyong math teacher."
"Hello po professor Pancho. Nice to meet you po," nakangiti kong sabi dito.
Inayos ko na ang gamit ko atsaka tumayo para lumabas ng room. Nakaramdam ako ng uhaw kaya naisipan ko munang inumin 'yung natirang tubig na binili ko kanina sa cafeteria.
Bigla ulit nagsalita si prof Pancho. "Si Mr. Salvador, boyfriend mo?"
Dahil sa naging tanong nya naibuga ko 'yung tubig na nasa bunganga ko. Mabuti nalang wala akong taong nabugahan, 'yung sahig nga lang.
"Hahahaha joke lang." Natatawang sabi ni prof.
Joker pala professor namin.
"Mauna na ko," at sa wakas lumabas na rin ito ng room kaya napahinga ako ng maluwag.
Ano ba naman kasing tanong 'yun sir?! Mukha bang boyfriend ko 'tong bakulaw na 'to e hindi ko nga kilala 'to! Atsaka isa pa ang sama sama ng ugali nito e!
Lumabas na rin ako ng room ganon din naman si Zack pero wala akong paki.
Ang bilis nyang maglakad tapos bigla syang pumasok ng elevator kaya dali dali akong tumakbo papunta 'dun. Isasara nya na sana ang pinto ng elevator pero naging mabilis ang kilos ko, hinarang ko ang paa ko kaya muli itong bumukas. Nginitian ko sya ng ngiting aso dahil hindi sya nag tagumpay sa gagawin nya.
BINABASA MO ANG
The BADBOY Vs. PLAYBOY
Teen FictionLahat ng pagkakamali ay maaaring itama, at lahat ng tama ay maaaring maging mali.. ika nga nila, "NO ONE CAN CHANGE A PERSON BUT SOMEONE CAN BE A REASON TO CHANGE." Paano naman kaya kung hindi lang isa ang magbago nang dahil sakin? Dalawang lalaking...