CHAPTER 21: P-Papa?

2.6K 89 0
                                    

"Friendship bakit parang iba ang ngiti mo ngayon? Kinikilig ka 'no?" Biglang tanong ni Jhadel nang mapansing nakangiti ako.

Kasalukuyan kaming kumakain sa canteen.

"H-uh! Hindi 'no! Masama bang maging happy?" Tanggi ko.

"Aysus! Duda ako dyan," Sammy.

"Ako din!" Jhadel.

"Masaya lang ako dahil nandyan ang mga friendship ko." Nakangiti kong sabi sa dalawa. Sana lang umiba na 'yung usapan.

"Aw, so sweet naman!" Jhadel.

"Nakakatouch! Argh." Sammy.

"Parang di na kayo nasanay sakin!" Natatawa kong sabi at nagtawanan naman sila.

Nakaramdam ako ng pagkaihi.

"Tara cr tayo?" Pag aayaya ko sakanila.

"Osige magreretouch lang ako." Jhadel.

"Tara."

Nang makapunta kami sa comfort room agad naman kaming umihi. Nakita kong nag aayos ang dalawa kong kaibigan. May nilalagay sila sa labi nila para magkakulay ito.

"Ano 'yan?" Egnorante kong tanong.

"Liptint." Sagot naman ni Sammy at biglang nilagyan ng tinatawag nilang liptint ang labi ko. "Yan bagay sayo."

Humarap ako sa salamin.

"Hala nagkulay red 'yung labi ko! Hindi na sya ganon kaputla!"

"Sayo na nga lang 'yan mukhang kailangan mo 'yan friendship." Natatawang sabi saakin ni Sammy sabay abot ng liptint sakin.

Agad ko naman itong tinago sa bulsa ko.

"May pulbo kayo?" Tanong ko sakanila.

"Ako meron!" Nilabas ni Jhadel ang pulbo nya at inabot saakin.

"Thanks." Agad naman akong naglagay ng pulbo sa mukha ko. Pagtapos 'nun sinuklayan ko ang buhok ko.

"Wow friendship bumo-blooming ah? Inlove lang ang peg?" Nang aasar na sabi ni Jhadel.

"H-hindi 'no! Kanino naman ako maiinlove, aber?"

"Edi mamili ka sa dalawa.." Dahil sa sinabi ni Sammy ay nagkasalubong ang dalawang kilay ko.

"Huh?"

"Si Bryan o si Zack?"

"Tarantado!" Inirapan ko nalang silang dalawa kaya tumawa sila ng malakas.

Mga siraulo!

Bakit naman papapiliin nila ko sa dalawang 'yun?! Kung pwede namang si Zack nalang diba? Char!

Hindi ko maiwasang mapangiti sa iniisip ko.

Ano kaba naman Hazelle umayos ka nga!

Paglabas namin sa cr natanaw ng mga mata ko ang dalawang tao mula sa dulo ng hallway.

Magkayakapan sila.

Bigla ko nalang naramdamang kumirot ang puso ko.

Parang sumikip ang dibdib ko.

"Omo! Si Zack at Pia 'yun ah!" Hindi makapaniwalang turo ni Sammy sakanila.

"Hala oo nga!" Jhadel. "Omg! Sila naba?"

Nakatulala lang ako.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

"T-tara na." Agad kong tinalikuran ang mga kaibigan ko at naglakad papalayo.

The BADBOY Vs. PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon