HAZELLE's point of view.
SUNDAY
"Baby Hazelle!" Napatayo ako sa pagkakahiga sa sofa nang bigla akong tinawag ni mama.
Lumapit sya saakin habang may dala dalang medyo maliit na paper bag.
"Bakit po?"
"Ikaw na maghatid neto sa papa mo para makakain na sya ng tanghalian," inabot nya sakin 'yung paper bag.
"Sige po maliligo lang ako,"
"Huh wag na! Nagmamadali kasi ang papa mo, 15 minutes lang ang breaktime nya dahil marami syang kailangang asikasuhin."
Aangal pa sana ko kaso hindi kona sinubukan.
Tumayo nalang ako at mabilis na umalis ng bahay. Pangalawang beses ko palang na makakapunta sa trabaho ni papa.
Hawak ko sa kaliwang kamay ko ang paper bag na naglalaman ng kanin at ulam habang sa kanang kamay ko naman ay ang payong na black. Umuulan pa rin kasi pero mabuti nalang hindi ganon kalakas.
Nagmadali na ko sa paglalakad ko.
Hindi rin naman nagtagal nakarating na ko sa trabaho ni papa.
"Grabe ang taas!" Tinignan ko ang buong building. Ang laki!
Sino kayang boss ni papa?
Ang swerte siguro ng pamilya ng may ari ng company na 'to.
Naglakad na ko papuntang etrance pero biglang hinarangan ni manong guard ang entrance gamit ang batuta nya.
"Ahmm iaabot ko lang po ito sa papa ko," inangat ko ang hawak ko upang makita nya.
"Ano 'yan?" Masungit na tanong ni manong guard.
Bakit ba kung makatingin sya akala nya nanakawan ko ang company?!
"Pagkain po para sa papa ko." Nakangiti kong sagot.
Nakatingin lang sya ng seryoso habang sinusuri ako.
"Hahaha hindi ba sabi ko wag na kayong babalik dito?! Bawal ang taong grasa dito!"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni manong guard. ANO?!
Taong grasa?
Mukha ba kong taong grasa?!
Ang cute ko naman atang taong grasa kung ganon.
"Grabe naman po kayo. Hindi po ako taong grasa atsaka totoo po 'yung sinasabi kong dito nagtatrabaho ang papa ko!" Nangangati 'yung kamay ko parang gusto kong manapak!
"Alis!" Tinutok nya ang batuta nya saakin kaya napaatras ako. "Ako ang mayayari nito sa boss namin e."
"Manong guard hindi nga po ako taong grasaaa---" Hindi pa ko tapos sa sasabihin ko nang biglang may nagsalitang familiar ang boses mula sa likuran ni manong guard.
"Let her in,"
Humarap si manong guard sa nagsalita habang nanlalaki ang mga mata ko nang makita ang taong 'yun.
Bakit nandito sya?!
"Sir Zack, hindi po ba bawal magpapasok ng baliw dito sa company nyo? Baliw po sya sir dahil pinagpipilitan nyang may tatay syang nagtatrabaho dito,"
Kanina taong grasa ngayon naman baliw, ano kayang sunod na sasabihin nito nang masuntok ko!
Teka..
Company nyo?
Ibig sabihin..
"HAHAHAHAHA! Nakakatuwa ka talaga manong! She's not taong grasa," Natatawa sagot ni Zack habang umiiling iling.
BINABASA MO ANG
The BADBOY Vs. PLAYBOY
Teen FictionLahat ng pagkakamali ay maaaring itama, at lahat ng tama ay maaaring maging mali.. ika nga nila, "NO ONE CAN CHANGE A PERSON BUT SOMEONE CAN BE A REASON TO CHANGE." Paano naman kaya kung hindi lang isa ang magbago nang dahil sakin? Dalawang lalaking...