CHAPTER 26: Friends Again

2.6K 75 0
                                    

HAZELLE's point of view


"Okay section five, get ready sa gaganaping The Band next week. I hope lahat kayo ay magparticipate." Nakangiting sabi ni prof. Cruz. "Hindi na pwedeng mag-back-out ang ating guitarist at drummer especially ang dalawang vocalist na sina Ms. Entelle at Ms. Domingo," Tumingin siya saamin na malapad ang ngiti.

Kaya daw pala magkakaroon ng The Band ay para daw mailabas ng mga estudyante ang mga talent namin. Pagtapos naman n'un ay magkakaroon naman ng contest para sa mga dancer.
Magandang idea din naman 'yun dahil makakatulong ang winning price sa mga papalaring manalo.

"Class dismissed."

Napabuntong hininga ako bago ayusin ang mga gamit ko. Akmang tatayo na sana ko nang biglang may taong nagsalita sa likuran ko.

"Mag-usap tayo sa music hall."

Nagtataka akong humarap sa taong 'yun. Paglingon ko ay hindi ko maiwasang mabigla.

Ngumiti muna sya bago tumalikod at naglakad.

Nakatulala lang ako.

Seryoso ba sya?

Baka may binabalak lang syang masama------ aaiiiissssshhhhh!

Ano ba Hazelle! Wala ka na bang tiwala sakanya?!

Hinawakan ko muna ang noo ko dahil sa pagtataka bago ko sya tuluyang sundan.

Habang naglalakad kami sa hallway papuntang music hall ay sobrang awkward.

Ano kayang pag-uusapan namin?

Hindi na kaya sya galit sakin?

Magkakabati na ba kami?

"Kamusta ka?" Sya ang bumasag sa katahimikan. Nakatingin lang sya sa dinadaanan namin.

"H-uh? Ako?" Tinuro ko ang sarili ko. Aba syempre sino pa ba Hazelle?! "Ah hehehe ayos lang, ikaw?"

"Ganon pa din naman. Wala pa rin akong kwentang anak,"

Dahil sa sinabi nya napatingin ako sakanya.

Anong ibig sabihin nya?

May family problem kaya sya?

"Wag mo ngang sabihin 'yan,"

Sabay kaming pumasok sa loob ng music hall. Walang tayo at kami lang dalawa.

"I'm just saying the truth."

"K-ung ganon, pano mo nasabi?"

Umupo sya sa stage habang ako naman ay umupo sa upuan ng unahan.

Magkaharap lang kami pero medyo malayo ang direksyon namin, sakto lang upang magkaintindihan kami.

"Kasi hindi ako ang klase ng anak na gusto ng magulang ko. Wala akong kwenta sa paningin nila, sabagay lahat naman siguro ng tao ganon din ang tingin saakin.."

"Hindi kaya!" Maotoridad kong sagot. "Wag mo ngang sabihin 'yan! Kung 'yan 'yung akala mo pwes nagkakamali ka! Para sakin ikaw 'yung klase ng taong matalino, perpekto at higit sa lahat espesyal." Nakapout kong sabi.

Bigla naman syang tumahimik at bumuntong hininga. Maya maya pa ay napangiti sya.

Namiss ko ang mga ngiti nya.

"Talaga?" This time ay nakatingin na sya saakin habang matamis ang ngiti.

Agad naman akong napatango. "Oo naman!"

"Kahit papaano pala may nakaka-appreciate pa saakin."

"Syempre naman. Nandito ako, si Sammy at si Jhadel, kami ng mga friendship mo."

The BADBOY Vs. PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon