Riiiinnnnnngggggg!!
Dali dali kong inayos ang mga gamit ko at mabilis na tumakbo palabas ng building. Sa kalagitnaan ng pagtakbo biglang may tumawag sa pangalan ko.
"Hazelle!"
"Woy friendship!"
Agad naman akong lumingon sakanila. Papalapit sila sa direksyon ko.
"Sasabay kaba samin ngayon?" Agad na tanong ni Sammy nang makalapit sila saakin.
"Ahh a-ano kasi e.." Napakamot ako sa ulo ko. Ano bang magandang dahilan? Argghhh mag isip ka nga Hazelle! Isip.. Isip... Teka bakit koba kailangang mag sinungaling s amga friendship ko?! Maiitindihan naman siguro nila ko. "Kasabay ko kasi si Zack e."
"ANNOOOOO?!" Malakas nilang tanong habang nakatakip ang kamay nila sa kanilang bibig.
"Seryoso, friendship?" Nanlalaki ang mga mata ni Jhadel.
Bakit ba ang OA naman ata nila?
"Oo nga."
"Kung ganon nasan si Zack? Bakit hindi mo sya kasama?" Nakakunot noong tanong ni Sammy.
"Ayoko kasing may makakita samin kaya hihintayin ko nalang sya sa gate." Agad ko namang sagot.
"Ah ganon ba? Ayieeeeehhh!" Nangingisay na sabi ni Sammy dahil sa kilig.
"I smell something fishy ah! Mukhang---"
"Jhadel!" Saway na sabi ko. "Baka may makarinig sayo!"
"Pero seryoso? Kayo naba?" Umiling ako sa tanong ni Jhadel.
"M.u?" Si Sammy.
"Anong m.u?"
"Malabong ugnayan hahahaha!"
"Ikaw talaga! Magkaibigan lang kami 'no." Kinikilig na sabi ko.
"Friends with benefits ganon?" Nang aasar na sabi ni Sammy.
"Hindi ah! Ano kasi... Ah basta ichichika ko nalang sainyo sa weekend!"
"Okay! Excited na kami!" Jhadel.
"Yieeeeeee!" Kiniliti naman ni Sammy ang tagiliran ko.
"Enebe!" Dahil sa sinabi ko nagtawanan kaming lahat.
"HAHAHAHAHAHAHA!"
"Osige na mukhang si Zack ang nag aantay sayo." Biglang ngumuso si Sammy sa ibang direksyon. Sabay sabay naman kaming tumingin d'un. Mula sa malayo nakita namin si Zack na nakatayo sa gate habang ang dalawang kamay ay nakapamulsa.
"Bye na friendship!" Kumaway na ko sakanila at nag umpisang maglakad.
"AKALA MO IKAW LANG MAY LABLAYP! KAMI DIN OY!" Malakas na sigaw ni Sammy na dahilan kaya natawa ako.
Dali dali kong nilapitan si Zack at hinila sya sa ibang daanan.
Habang naglalakad kami tahimik pa rin sya. Hindi ko tuloy alam kung paano ako mag uumpisang magsalita.
BINABASA MO ANG
The BADBOY Vs. PLAYBOY
Fiksi RemajaLahat ng pagkakamali ay maaaring itama, at lahat ng tama ay maaaring maging mali.. ika nga nila, "NO ONE CAN CHANGE A PERSON BUT SOMEONE CAN BE A REASON TO CHANGE." Paano naman kaya kung hindi lang isa ang magbago nang dahil sakin? Dalawang lalaking...