CHAPTER 4: Principal

3K 96 0
                                    

WHAAAAAAAAAH!

WALA NA 'YUNG FIRST KISS KO! WALA NA!

Tinulak ko sya ng buong lakas ko tapos.. tapos wala sa sariling sinapak ko sya.

*PLAK!* (ganyan tunog ng sapak ko sakanya)

"Bastos!" Malakas na sigaw ko sakanya habang nakahawak sya sa labi nyang pumutok dahil sa sapak na ginawa ko sakanya.

Hindi ko maiwasang umiyak.

Ang kapal ng mukha nyang halikan ako!

Ang kapal nya!

Nakakainis sya!

Nakakainis!

"Why did you fucking do that?!" Laking gulat ko ng biglang sinapak ni Bryan si Zackk.

Double kill.

Napahawak si Zack sa labi nya gamit ang daliri nya tapos tinignan nya ang daliri nya. Nang makita nyang may dugo ito ay tumingin sya kay Bryan at ngumisi. Bigla syang nag-unat ng katawan at pinatunog ang leeg nya tsaka bumawi ng malakas na suntok kay Bryan.

"Aaaahhhhh!" Napasigaw ako dahil nagsuntukan na 'yung dalawa sa harap ko.

Hindi ko alam ang gagawin ko.

Pano na 'to?!

Napatingin ako sa mga estudyanteng nanonood. Wala silang ginagawa kundi tignan lang ang nagsusuntukan sa harap nila.

Lahat sila natatakot.

"Tama na!" Inawat ko sila pareho.

Hinila ko si Bryan.

Sa wakas nagkalas rin silang dalawa!

"ANONG KAGULUHAN ANG NANGYAYARI DITO?!" May matandang kalbo ang papalapit saamin.

"Si.. si Zack po ang nang-una!" Tinuro ko si Zack. "H-hinalikan nya po ako."

"ANO?! Nananaginip kaba?!" Hindi makapaniwalang sagot 'nung matanda.

Huh? Ako na nanaginip?!

"Hindi po ah! Totoo po 'yung sinasabi ko. Hinalikan po ako ni Zack!" Naiiyak kong sabi habang tinuturo si Zack.

"Nag iilusyon kaba?!"

Aba't! Anak ng kalbo!

Hindi ba kapani-paniwala 'yung sinasabi ko?! Totoong hinalikan ako ni Zack! Gising ako hindi ako nananaginip! Hindi ako nag-iilusyon!

"BAKIT BA HINDI KA NANINIWALA?! HINALIKAN NGA AKO NI ZACK! HINALIKAN NYA KO, KALBO!" Dahil sa inis wala sa sarili akong napasigaw.

"ANONG SABI MO?! Sinong kalbo?" Gigil na gigil na sabi nito.

"K-kayo po." Biglang nag sitawanan ang mga estudyante sa sinabi ko.

"Ah kalbo pala ko?! Kayong tatlo, GO TO MY OFFICE ROOM RIGHT NOW!" Namumula at nag uusok na ang ilong nya sa galit.

Sabay sabay naming sinundan kalbo papuntang office room daw habang yung dalawa ang sama ng tingin sa isa't isa. Nang makarating kami sa office room ay pinaupo kaming tatlo tapos umupo si kalbo sa principal table.

Ah so principal pala sya?

O____O

WHUT?!

Principal si kalbo?!

Waaaaah ano na naman bang kahihiyan yung ginawa mo hazelle?!

"Principal po pala kayo hehe, hello po.." ngumiti ako ng pilit.

The BADBOY Vs. PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon