KINABUKASAN
Napayakap ako sa sarili ko habang tumutulo ang mga luha ko.
"Yung araw na 'yun akala ko magagawa nila ang masamang binabalak nila saakin, pero may dumating . . Dumating sya . ."
Bigla nyang sinipa ng malakas ang bato sa harap nya at sakto namang tumama iyon sa mukha ng isa sa mga lalaki. Napahawak sa mukha ang isang lasing sakanila nang tamaan ito sa noo.
"Hinahamon moba kami?!" Galit na galit nitong sigaw. "Osige!" Mabilis syang tumakbo at akmang sasapakin ang lalaking nakahoodie pero nakaiwas ito.
Sunod namang nagtangkang sumapak ang isa sakanila pero nakailag ulit sya.
"It's my turn," rinig kong sabi nya.
Halos nanlaki ang mga mata ko ng walang kahirap hirap nyang sinipa ang payat na lalaki at sinapak nya naman ang kaninang may hawak ng bote. Napabagsak ang dalawa sa damuhan.
"Hanggang sa napabagsak nya ang tatlong lalaking may masamang balak saakin,"
"Whoah!" Seryoso lang na nakikinig saakin ang tatlong friendship ko habang nagkekwento ako sakanila tungkol sa nangyari saakin noon.
Pinagpagan nya ang kamay nya at pinatunog ang magkabilaang leeg nya.
Ang galing nya!
"H-hindi a-ako natatakot sayo!" Matapang na sabi ng isang lasing habang pauutal utal na ito. 'Yung dalawang kasama nya naman ay wala ng malay.
"Let's see." Bigla syang lumapit sa lalaki at mabilis syang umikot habang itinaas ang kanang paa at malakas itong pinatama sa ulo ng lalaki.
Bigla itong natumba at nawalan na rin ng malay.
Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Gumaan na rin ang paghinga ko.
"Salamat sayo! K-kung hindi dahil sayo baka kung ano ng nangyaring masama saakin.." Mangiyak-ngiyak kong sabi sakanya.
Nakatalikod lang sya saakin at hindi umiimik.
"Pwede ka bang humarap?" Tanong ko pero hindi sya gumalaw sa kinatatayuan nya at hindi man lang ako sinusulyapan.
Gusto ko sanang mag pasalamat sakanya habang nakatingin sa mga mata nya.
Ilang segundo pa ang lumipas pero hindi pa rin sya gumagalaw sa kinatatayuan nya.
Unti unti syang humarap saakin nang bigla kaming nakarinig ng serena ng pulis.
Hindi kona napigilan pa ang sarili ko kaya humakbang ako papalapit sakanya. Hahawakan kona sana ang kamay nya kaso bigla syang mabilis na tumakbo papalayo sa kinaroroonan ko at sakto namang nagdatingan ang mga pulis pati na rin ang buong pamilya ko habang nag alala saakin.
"OMG! Sayang naman!" Hindi makapaniwalang sabi ni Jhadel.
Kasalukuyan kaming nasa school garden. Sinama ko talaga sila dito para ikwento sakanila ang totoong nangyari saakin noong muntik na akong ma-rape 6 months ago.
"Hayst bakit hindi man lang sya humarap sayo?!" Inis na sabi ni Lesley.
"Kyah! Sana all my prince charming huhu!" Naiinggit na sabi ni Sammy habang umaarteng umiiyak.
"Ang swerte mo talaga friendship kasi dumating ang prince charming mo para iligtas ka laban sa tatlong lalaking 'yun!" Jhadel.
"Kaso ang malaking problema, hindi mo nakita ang itsura ng prince charming mo." Nakapout na sabi ni Lesley.
BINABASA MO ANG
The BADBOY Vs. PLAYBOY
Fiksi RemajaLahat ng pagkakamali ay maaaring itama, at lahat ng tama ay maaaring maging mali.. ika nga nila, "NO ONE CAN CHANGE A PERSON BUT SOMEONE CAN BE A REASON TO CHANGE." Paano naman kaya kung hindi lang isa ang magbago nang dahil sakin? Dalawang lalaking...