HAZELLE's point of view
Nang makarating kami sa bahay ay agad namang sumalubong si mama at papa saamin.
"Sabay sabay na tayong kumain mga anak." Nakangiting sabi ni Papa nang matapos ko silang halikan ni mama sa pisngi.
Napansin ko naman na dire-diretso lang si kuya Mark sa kusina at parang hangin lang kami sakanya. Agad din naman namin syang sinundan sa kusina na ngayon ay kumakain na mag-isa.
"Ahmm ma, pa may maganda po akong balita sainyo." Nakangiti kong sabi nang mag umpisa kaming kumain.
"Ano naman 'yun, Princess?" Nagsalubong ang dalawang kilay ni papa at halatang sinusuri sa mukha ko kung ano ang magandang ibabalita ko.
"2nd place po kami sa The Band kanina." Pagkasabi ko n'un ay ngumiti ako ng malapad.
"Talaga? Ang galing naman ng anak namin!" Papa.
"Syempre naman po!"
Narinig namin ang malakas na buntong hininga ni kuya Mark na dahilan kaya napatingin kaming lahat sakanya.
"May problema ka ba, Mark?" Tanong ni mama habang may pag aalala sa mukha.
"Wala." Walang gana nitong sagot at muling sumubo ng isang kutsarang kanin.
"Anak kung may problema ka magsabi ka sa'ming pamilya mo, handa naman kaming makinig sayo." Muling sabi ni mama na dahilan nang pag babago ng ekspresyon ni kuya Mark.
"Sabing wala nga e!" Malakas nitong bulyaw na ikinagulat naming lahat.
"Aba bastos kang bata ka ah! Ang lakas ng loob mong bastusin ang mama mo!" Hindi makapaniwalang sigaw ni papa.
"Bastos na kung bastos." Mahina namang saad ni kuya Mark.
Ano bang nangyayari sakanya?
Parang hindi si kuya Mark ang kasama namin ngayon. Nagbago na sya.
Huminga ng malalim si papa bago muling magsalita. "May pinagmamalaki kana ba kaya ganyan ka magsalita huh?! Ang yabang mona ah! Hindi ka namin pinalaki para bastusin kami ng ganon-ganon lang Mark!"
"Ale, tama na. Hayaan nalang na'tin ang anak natin. Maghunos dili ka," awat ni mama at muling pinaupo si papa sa kanyang upuan.
Napairap at napapikit ng mariin si kuya Mark. Padabog syang tumayo at tinapon ang mga pagkain sa lamesa.
"Wala akong pinagmamalaki, e Ikaw?" Tinuro nya si papa habang may matinding galit sa boses nya. "Siguro ikaw ang may pinagmamalaking ibang pamilya?!"
Dahil sa sinabi ni kuya Mark ay biglang nanlaki ang mga mata ko.
"A-ano?"
Tumingin sya saakin. "Tanungin mo nalang dyan sa magaling mong tatay!"
"Gago ka ah!" Wala sa sariling lumapit si papa Ale kay kuya Mark at malakas itong sinandal sa pader tsaka hinatak ang kwelyo nya ng mahigpit.
"Oo na! Gago na ko!"
"Ale, Mark! Tama na, ano ba!" Pinipilit na tinatanggal ni mama ang pagkakahawak ni papa sa kwelyo ni kuya Mark.
Tinulak ng malakas ni kuya Mark si papa na dahilan kaya natanggal ang pagkakahawak nito sa kwelyo nya.
"Ma, alam mo ba? 'Yang kasing asawa mo may ibang pamilya!" Sabi ni kuya Mark habang nanginginig ang dalawang kamao.
Napatayo ako sa pagkakaupo ko dahil sa gulat.
Tama ba ang mga narinig ko?
"MA ALAM MO BANG MAY IBANG PAMILYA 'YANG SI PAPA?! HUH?!" Hindi na napigilang sumigaw ng malakas ni kuya Mark dahil hindi sumasagot si mama.
BINABASA MO ANG
The BADBOY Vs. PLAYBOY
Novela JuvenilLahat ng pagkakamali ay maaaring itama, at lahat ng tama ay maaaring maging mali.. ika nga nila, "NO ONE CAN CHANGE A PERSON BUT SOMEONE CAN BE A REASON TO CHANGE." Paano naman kaya kung hindi lang isa ang magbago nang dahil sakin? Dalawang lalaking...