BRYAN's point of view
"Bryan, pangit ba ko? H-hindi ba ko maganda?" Wala pa ring tigil ang agos ng mga luha nya.
Umiling ako.
"Pero bakit ganon sya?! Bakit sinaktan nya 'yung damdamin ko?!" Hinawakan nya ang dibdib nya at mahinang pinalo palo ito. "Ang sakit dito. Ang sakit sakit! Siguro kaya sinabihan nya ko ng masasakit na salita kasi pangit ako! Huhuhuhuhu sana naging maganda nalang ako.."
"Don't say that! Stop!" Hinawakan ko ang dalawang pisngi nya at pinupinunasan ang mga luha nito. "Maganda ka okay? Maganda ka Hazelle.."
"Pinaglaruan nya 'yung nararamdaman ko! Kung kailan gustong gusto ko na sya tsaka nya ko sinaktan ng ganito.." Umiyak ulit sya ng umiyak habang ako naman ay parang nabingi sa sinabi nya.
Parang may kung anong kirot ang naramdaman ko.
Alam kong gusto nya si Zack pero ang sakit palang marinig ng harap harapan ang mga salitang 'yun sakanya.
Hindi ko maiwasang maalala ang lahat. Kung paano nagsimula ang nararamdaman ko sakanya, kung paano ko nasabi sa sarili kona gustong gusto ko ang babaeng kaharap ko ngayon.
Gusto ko mang puntahan si Zack at suntukin pero iniisip ko ngayon si Hazelle..
I know she needs me.
Kailangan nya ng masasandalan ngayon.
Freaking Zack!
Hindi ba nya naisip 'yung mararamdaman ni Hazelle sa mga sinabi nya?!
Hindi ba nya naisip na swerte sya dahil sya ang pinili ni Hazelle?!
Dammit Zack! Paano ko mapapasaya ngayon si Hazelle dahil sa mga ginawa mo?!
"Nagpromise sya saakin *hik* s-sabi nya magde-date daw kami *hik* pero kalimutan ko nalang daw lahat lahat." Humagulgol sya na parang bata.
Humanda ka talaga kapag nakita kitq Zack!
"Wag ka nang umiyak." Muli kong pinunasan ang pisngi nya at hinawi ang buhok nya papunta sa gilid ng kanyang tainga. "Kung hindi tinupad ni Zack ang promise nya sayo ngayon, ako.."
Napahinto sya sa pag iyak at napatitig saakin.
"Ako ang magtutuloy ng promise nyang 'yun.." Ngumiti ako ng matamis at hinila sya palabas ng school.
* * * * * *
HAZELLE's point of view
Ngayon nalang ulit ako nakasakay sa motor nya. Napayakap ako sakanya at napahawak ng mahigpit nang paandarin nya ito bigla.
Napatigil na rin ako sa kakaiyak at pakiramdam ko gumaan na kahit papaano ang pakiramdam ko dahil nandyan sya para saakin.
Dinala nya ko sa mall at hinila papunta sa isang mamahaling boutique.
"Hello sir, ma'am? Ano pong maitutulong ko sainyo?" Bati ng babae saamin.
"Hanapan nyo sya ng mga pinaka-maganda nyong damit."
"Okay, sir."
Nagulat naman ako ng hawakan ng dalawang babae ang magkabilaang kamay ko at hinila papalayo kay Bryan na ngayon ay nakaupo sa couch. Halos 30 minutes ata akong pinagsusukat ng kung ano ano ng dalawang babaeng 'to.
BINABASA MO ANG
The BADBOY Vs. PLAYBOY
Teen FictionLahat ng pagkakamali ay maaaring itama, at lahat ng tama ay maaaring maging mali.. ika nga nila, "NO ONE CAN CHANGE A PERSON BUT SOMEONE CAN BE A REASON TO CHANGE." Paano naman kaya kung hindi lang isa ang magbago nang dahil sakin? Dalawang lalaking...