CHAPTER 20: Inlove

2.4K 80 0
                                    

Bryan's point of view.

Ibinagsak ko ang katawan ko sa pool. Kanina pa ko langoy ng langoy at wala akong paki kung malunod man ako.

"Ano bang mali sakin?!"

Yan ang tanong na kanina pa paulit ulit na pumapasok sa isip ko.

Ano nga bang mali sakin?

Ano bang ginawa kong mali?!

Bakit ganto ang buhay ko?

Bakit mag isa lang ako?

Bakit ang damot ng mundo sakin?

Umahon ako sa pool at agad na umupo sa upuan. I wiped my wet face with a towel and immediately drank the wine.

I drink alone.

Wala lang gusto ko lang maglasing.

I want to forget.

Masyadong mabigat ang nararamdaman ko. Masyadong makirot. It's hurts.

"Mommy, Daddy ang saya saya kopo dahil nakabonding ko kayo ngayon! Sana po palaging ganto.." I said happily while holding both my parent's hands.

Pinantayan ako ni dad at ginulo ang buhok ko. "Hayaan mo anak magsabi ka lang kung gusto mong gumala igagala ka namin ng mommy mo kung saan mo man gusto!" Nakangiti nyang sabi.

"Really?"

Umupo si mom at pinantayan din ang laki ko. "Ofcouse anak, mahal na mahal ka namin ng daddy mo e."

"Tama ang mommy mo anak.. mahal na mahal ka namin.."

Bigla akong napangiwi.

Mahal?

Tanginang pagmamahal 'yan iniwan ako!

Naramdaman ko ang mainit na tubig sa dalawang mata ko.

I slowly closed my eyes.

"Mommy!" Hinawakan ko ang malamig nyang mga paa. Nakasabit ang leeg nya sa lubid.

"Mommy! Mommy!" Umiiyak kong sigaw pero kahit anong gawin ko hindi nya ko marinig. "Mommy please wag mo po akong iwan! Natatakot po ako.. Mommy!"

Tulo lang ng tulo ang mga luha ko na kanina pang nagbabadyang tumulo.

Lumipas ang ilang buwan nakita ko si daddy na may kasamang babaeng umuwi sa bahay.

"Sino po sya?"

"Sya ang bago mong mommy, anak." Nakangiting sabi ni daddy. "Simula ngayon sya na ang kikilalanin mong mommy.."

Tangina.

Nagpakamatay si mommy dahil sakanya pero bakit parang wala lang sakanya?!

Napahilamos ako sa mukha ko habang napapahagulgol sa iyak.

Hanggang ngayon sobrang sakit pa rin. Sobrang sariwa pa rin ng lahat.

Nagsama sama lahat ng masasakit na nangyayari sakin.

Pakiramdam ko hindi ko deserve maging masaya.

Bakit?

Ano bang mali sakin?!

*    *    *  *  *  *  *

Lesley's point of view.

Isang malakas na sampal ang natikman ko sa mama ko.

Galit na galit sya at nanlilisik ang mga mata nya.

The BADBOY Vs. PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon