HAZELLE's point of view
KINABUKASAN . . .
Bawat hakbang siguro ng mga paa ko ay isa-isang napapatingin saakin ang mga estudyanteng nadadaanan ko. Pansin ko rin na kapag nakita nila ko ay nag-uumpisa silang magbulong bulungan.
Anong meron?
"Sino sya?"
"New student ba 'yan dito?"
"Teka familiar sya."
"OMG! Sya naba yan?"
"Hala hindi ko sya nakilala."
"Ang laki ng pinagbago nya."Napahinto ako sa paglalakad at napalingon sa likuran ko. Tinignan ko 'yung mga babaeng pinag uusapan ako---teka ako nga ba?
Bigla silang umiwas ng tingin nang lumingon ako.
Napakibit-balikat nalang ako. Siguro hindi ako 'yun.
Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko hanggang sa makarating ako sa hallway pero walang pinagkaiba ang mga estudyanteng nadadaanan ko sa mga estudyante kanina.
Lahat siguro sila nakatingin saakin.
May dumi ba sa mukha ko?
Bigla tuloy akong nailang.
Hindi kaya... NAKITA NILA AKONG UMIIYAK KAHAPON SA GYM??!!
"Ang ganda nya.."
"Si Hazelle 'yan?"
"Ang ganda nya pala pag nag-aayos.."
"Woooaaahh sana all nag glow up!"
"Ang gandaaaa.."Teka, ano daw?
Ako maganda?
Dali dali akong tumakbo sa cr at hinarap ang sarili ko sa salamin.
"WHAAAAAAHHH!!!" Halos mapatili ako dahil hindi ko nakilala ang sarili ko.
Hinawakan ko ang pisngi ko sunod ang buhok ko. "A-ako ba 'to?"
Simula kasi nang umuwi ako kahapon hindi ko sinilip ang sarili ko sa salamin kasi akala ko walang magbabago. Natulog agad ako kagabi siguro napagod ako sa buong nangyari kahapon.
Straight na kasi ang buhok ko na curly ang ibaba hindi katulad sa buhok ko noon na buhaghag at para akong multo. Tapos medyo pumuti pa 'yung mukha ko at nakaahit na rin ang kilay ko tapos ang pula ng labi ko kahit hindi ako nagli-liptint. Siguro kaya nagkaganito ang mukha ko dahil sa mga baklang nag asikaso sakin kahapon. Kung ano ano kasing nilagay nila sa mukha ko at hindi ko man lang napansin 'yun dahil lumilipad ang isip ko n'un. Pero thankful ako dahil..
"Ang ganda ganda ko!!" Hindi makapaniwalang sabi ko.
Dali dali kong kinuha 'yung liptint na binigay saakin ng mga friendship ko at naglagay ng konti sa labi ko.
Agad din naman akong lumabas ng cr at sumakay sa elevator. Habang nasa elevator ako sobrang ilang na ilang ako dahil nakatingin silang lahat saakin kaya nang magbukas ang pinto ay dali dali akong tumakbo papunta sa room. Nagmamadali akong pumasok sa room pero may natapakan akong madulas sa sahig kaya muntikan na akong madulas mabuti nalang..
May humawak sa kamay ko.
"B-bryan?" Nauutal pero nakangiti kong banggit.
"You look gorgeous. Nag-enjoy kaba sa DATE natin kahapon?" Malakas at nakangiti nyang tanong kaya agad naman akong tumango. Nabaling ang tingin ko sa taong dumaan sa gilid namin. Si Zack.
"Lahat ng mga sinabi ko sayo sa ferris wheel kalimutan mo na..."
"Kasi hindi totoo lahat ng 'yun.. I didn't love you.."
Aray!
Naalala ko na naman tuloy 'yung mga sinabi nya kaya kailangan ko syang kausapin mamaya baka kasi magbago ang isip nya kapag nakita ako.
BINABASA MO ANG
The BADBOY Vs. PLAYBOY
Teen FictionLahat ng pagkakamali ay maaaring itama, at lahat ng tama ay maaaring maging mali.. ika nga nila, "NO ONE CAN CHANGE A PERSON BUT SOMEONE CAN BE A REASON TO CHANGE." Paano naman kaya kung hindi lang isa ang magbago nang dahil sakin? Dalawang lalaking...