/HAZELLE's point of view/
Nakatulala lang ako buong klase. Hindi makausap, tahimik at lutang. Hindi ko alam pero hanggang ngayon napapaisip pa rin ako sa mga nalaman at narinig ko kagabi kay Bryan at sa Dad niya.
'Yon pala ang daddy niya?
Pakiramdam ko sobrang dama ko lahat ng pinagdadaanan niya. Akala ko noon sobrang saya nang buhay niya at walang problema pero.. lahat ng 'yon ay akala ko lang pala.
Sobrang sakit rin ng mga natuklasan namin ni kuya Mark sa papa namin. Hanggang ngayon ay wala pa ring kibuan sa pamilya namin. Masama pa rin kasi ang loob ko. Hindi ko pa rin matanggap na nilako kami ng akala naming hindi kami kayang lokohin. Niloko kami ni papa.
Sobrang sakit.
Kahit nalaman ko na ang mga 'yon pakiramdam ko parang may mga hindi pa ko nalalaman. Gusto kong alamin ang mga bagay na 'yon. Gusto kong maliwanagan. Gusto kong masagot ang mga katanungan sa isip ko pero hindi ko alam kung paano.
Hindi ko na alam kung anong mangyayari sa buhay namin. Hindi ko na alam kung magtatagal bang walang kibuan sa pamilya namin.
Gusto ko mang patawarin si papa pero hindi kopa magawa.
Mabigat pa rin ang dibdib ko.
Hindi ko pa kayang magpatawad katulad ni Bryan.
Lumipas ang ilang oras ay sa wakas uwian na kaya agad akong lumabas ng classroom para umuwi at puntahan si Bryan sa hospital. Gusto kong pagaanin ang loob niya. Gusto ko siyang alagaan. Ayaw kong maramdaman niyang nag-iisa lang siya.
Bago ko tuluyang ihakbang papalayo sa classroom ang mga paa ko ay muli akong napalingon sa loob nito. Nakita ko si Zack na nakatayo habang nakatingin sa'kin kaya agad na kong umalis sa harap niya.
Sa tuwing inaalala ko lahat ng pinagdadaanan ko pakiramdam ko gusto ko nalang ding mawala. Sobrang nasasaktan pa rin ako sa tuwing naaalala ko 'yung ginawa niya sa'kin sa gym. Akala ko kasi minahal niya ko, akala ko talaga siya na.
Pumunta muna kong banyo upang umiyak.
Hindi kona kasi napigilan ang bigat sa dibdib ko.
Tuluyan na akong nilalamon ng kalungkutan.
Ang sakit-sakit nang nararamdaman ko.
Idagdag ko pa ang katotohanan na 'yung taong akala kong magpapagaan sa nararamdaman ko ay siya rin pa lang mananakit sa puso ko.
Agad kong pinunasan ang mga luha ko at lumabas na rin sa comfort room.
Habang naglalakad ako palabas ng university ay nabaling ang tingin ko sa isang babaeng nakatayo sa gilid at mukhang may hinihintay.
Si kuya Mark kaya ang hinihintay niya?
Ipinagpatuloy ko nalang ang paglalakad ko pero napahinto ako nang makitang may lalaking lumapit sakaniya at niyakap siya na ikinabigla ko. Akala ko ay nagulat din si Yna sa ginawa ng lalaki sakanya pero kita ko sa itsura ni Yna na ngumiti siya.
"Mauna ka nang umuwi and I will go with Mark today to break up with him." Dinig kong sabi ni Yna na mas lalong ikinagulat ko.
Nakita ko ring naglakad sila kaya agad kong silang sinundan. Huminto sila sa parking lot ng school at nag-usap kaya naman dali-dali akong nagtago sa likod ng kotse upang makinig sa usapan nila.
Hindi ko talaga ugaling makinig sa usapan ng iba pero mukhang hindi tama ang narinig ko sakaniya.
"Baby, ipangako mong makikipag break ka na sa Mark na 'yon ah? Gusto na kasi kitang maangkin 'e." Sabi no'ng lalaki at hinawakan nya si Yna sa bewang nito. Biglang umiwas si Yna na ipinagtaka naman ng lalaki. "What's wrong?"
BINABASA MO ANG
The BADBOY Vs. PLAYBOY
Teen FictionLahat ng pagkakamali ay maaaring itama, at lahat ng tama ay maaaring maging mali.. ika nga nila, "NO ONE CAN CHANGE A PERSON BUT SOMEONE CAN BE A REASON TO CHANGE." Paano naman kaya kung hindi lang isa ang magbago nang dahil sakin? Dalawang lalaking...