(Necyval's POV)"Unnie may result na daw kung sino yung mga nakapasa sa audition niyo kahapon. Dali tingnan na natin," balita sa akin ni Phoeve at agad kinuha ang laptop ko at nag log in. Kinakabahan naman ako. God sana po talaga nakapasa na ako.
"Unnie nakapasa si Kuya Daiki," sigaw naman niya.
"Talaga?"
"Pero unnie wala ata ang pangalan mo dito? Nag audition ka ba?," sabi naman niya kaya tumingin na din ako sa screen ng laptop at iniscroll ito ngunit talagang wala ang pangalan ko.
"Di na naman ako nakapasa," sabi ko na lang at kinuha ang laptop sa kanya.
"Ok lang yan unnie. Makakapasa ka din jan. May kasabihan nga di ba, try and try until you succeed."
"Baka naman try and try until you die. Di talaga siguro ako bagay sa pagsasayaw kaya never akong nakukuha sa mga audition na yan."
"Anong di bagay? Ang galing mo kayang sumayaw unnie. Idok ko nga kayo ni kuya Daiki eh."
"Sus bolera. Baka si Kuya Daiki mo lang ang idol mo."
"Totoo nga unnie. Wag ka nang malungkot. Marami pang chances jan. Fighting!"
Natawa naman ako sa kanya nang icheer niya ako habang parang baliw na sumasayaw. Tumunog naman ang phone ko. Si Daiki ang tumatawag kaya agad kong sinagot.
"Congrats bestfriend. Nakapasa ka na naman," agad kong sabi nang sagutin ang tawag niya.
"At ikaw hindi na naman," sagot naman niya kaya tumawa ako nang peke.
"Naku di ka pa ba nasanay? Kasi ako sanay na sanay na. Baka nga ikamatay ko pa kung makakapasa ako."
"May audition pa naman after three months Val, magpapraktis tayo at mag aaudition ulit."
"Anong tayo? Nakapasa ka na Daiki at ayokong di mo na naman igagrab to nang dahil sa akin."
"Ano bang pangako ko sayo? Di ba ang sabay tayong papasa at makakapasok sa BHDS kaya tutuparin ko yun."
"Daiki kung nag aalala ka sa akin dahil di ako nakapasa, ok lang ako. Marami pang chances pero ikaw ang dami mo nang tinanggihang opportunity nang dahil sa akin kaya please igrab mo na to."
"Pero -."
"Wala nang pero kung ayaw mong magalit ako sa yo. Ikaw na nagsabi na may audition pa after three months, magpapraktis ako nang mabuti at pangako ko na susunod ako sayo sa BHDS."
"Pero Val -."
"Sabing wala na ngang pero. Tapos ang usapan. Kapag di ka tumuloy jan talagang di kita kakausapin at papansinin. Kilala mo ko Daiki."
"Ok. Ok. Tutuloy na ako basta magpapraktis ka nang mabuti habang nandoon ako. Kapag pwede kaming lumabas, pupuntahan kita para turuan ok."
"Oo na. Pag nakita mo si Jimin my loves, ikumusta mo ko ha."
"Wala akong narinig."
"Baliw ka talaga. Kailan ka ba pupunta ng BHDS?"
"Ngayong Saturday na. Mamimiss kita Val."
"Mamimiss din kita no. Pupuntahan kita sa inyo bukas."
"Talaga?," excited naman niyang sabi.
"Oo nga may ibibigay ako. Ipapabigay ko kay Jimin."
"Naku wala ako sa bahay bukas, may lakad ako at maaga ang alis ko sa saturday. Di na ata tayo magkikita Val."
"Anong gusto mo sipa o suntok? Kanina ka pa ha. Lagot ka sa akin pagnakalapit ako sayo. Anong akala mo. Kitang-kita kita mula dito. Baka nakakalimutan mong magkapitbahay lang tayo Daiki Niwa," sabi ko sa kanya at pinandilatan siya nang mata nang makita niya ako sa may bintana ng kwarto ko. Yes magkatabi lang ang bahay namin at magkaharapan lang din ang kwarto namin. Ngumiti naman siya sa akin.
Kinabukasan...
"Ibigay mo to kay Jimin my loves ha. Sabihin mo number 1 fan niya ako," sabi ko at inabot sa kanya ang isang box.
"Anong laman nito? Bomba?"
"Eh kung bombahin ko yang mukha mo para wala nang magsabing"Ang gwapo mo Daiki" "I love you Daiki"," sabi ko at ginaya pa ang mga boses nung mga babaeng tumili sa kanya.
"I love you too Val," sabi naman niya kaya sinipa ko siya sa binti.
"Umayos ka. Ibigay mo yan kay Jimin ha and ingat ka don. Eto vitamins mo. Wag mong kalimutang inumin yan ha," sabi ko at inabot sa kanya ang box nang vitamins. Kinuha naman niya.
"Opo nay," sagot niya kaya sinipa ko ulit siya.
"Sabing umayos ka."
"Oo na. Teka nga bakit ngayon ka nagpapaalam sa kin eh bukas pa ang alis ko ah."
"Madaling araw ang alis mo no. Ayokong gumising nang maaga, tinatamad ako."
"Di ka pa rin nagbabago," sabi naman niya at kinurot ang pisngi ko.
"Aray naman. Masakit yun ha," sabi ko at sinipa ulit siya pero naiwasan niya at mabilis na tumakbo. Bigla naman siyang bumalik nang di ko siya hinabol.
"Galit ka ba Val?," tanong niya nang makalapit.
"Huh? Bakit naman ako magagalit?"
"Galit ka eh," sabi niya at mas lumapit pa kaya agad ko siyang sinipa nang ubod lakas sa binti at nang mapaupo siya ay hineadlock ko naman siya.
"Val. Tama na. Galit ka na nga. Di na ako mang aasar. Suko na ako!," sabi naman niya at tinaas ang mga kamay niya kaya tumigil na ako. Hiningal naman ako sa ginawa ko at nang magkatinginan kami ay sabay na lang kaming tumawa.
BINABASA MO ANG
Book 5: Can I Have This Dance
FanficPlot: J-Hope witness a girl who loves to dance yet dancing doesn't loves her but because of her determination and eagerness to pursue what she loves, J-Hope decided to train her without telling her who he really is. What will be their journey togeth...