(Necyval's POV)Nagulat ako nang biglang bumukas ulit ang elevator at nakita ang isang lalaking nakatayo sa harap ko habang nakatingin sa akin. Di ko naman siya nakilala dahil nakamask siya na halos buong mukha na ang natatakpan at nakacap pa. Nagkatitigan naman kami bago siya pumasok at sumirado na ang elevator. Tahimik lang kaming dalawa habang tinitingnan kung nasaang floor na kami. Nang bumakas na ay nauna akong lumabas at sumunod siya. Dumiretso naman ako sa exit at di ko naman napansin na sumunod siya. Pumara naman ako nang taxi at nagpahatid sa studio ni Joanna. Binigyan niya kami ni Daiki nang duplicate key nang studio niya kaya no need na kaming mang istorbo sa kanya o magpaalam na gumamit. Nang makarating ay agad kong sinet up ang gagamitin kong tugtog sa pagpapraktis ko. Nang magplay na ay nagsimula na rin akong sumayaw. Minsan nakakalimutan ko ang steps kaya binabalik ko sa simula ang music. Maraming beses na binabalik ko ang music dahil maraming beses din na nakakalimutan ko ang steps hanggang sa napatid ko ang sarili kong paa at natumba. Napalo ko na lang ang sahig sa sobrang inis at di ko namalayang umiiyak na pala ako. Tama si Sam. Kahit kailan hindi ako magugustuhan nang sayaw. Ako lang naman ang namimilit eh. Pinupush ko ang sarili ko kahit sinasabi nitong sumuko na ako.
(J-Hope's POV)
Nang makalabas nang elevator ay sinundan ko lang siya nang tingin at dumiretso na sa parking area. Nakita ko namang sumakay siya nang taxi at sa di ko maipaliwanag na dahilan ay pumara din ako nang taxi at pinasundan siya. Huminto ang taxi ko malapit sa hinintuan niya at bumaba ako nang makababa siya. Nakita ko namang pumasok siya sa isang eskinita kaya agad ko siyang sinundan pero isang pinto lang pala ang nandoon. Malamang dito siya pumasok. Nakarinig naman ako nang tugtog mula sa loob kaya pinihit ko ang doorknob at sumilip. Sinara ko naman agad nang marealized ang ginagawa ko. Nabatukan ko na lang ang sarili ko. Bakit ko ba siya sinusundan? Anong ginagawa ko dito? Napansin ko naman ang nakasulat sa gilid nang pinto. JN Dance Studio ang nakalagay. So dito ba siya nagpapraktis? Naririnig ko pa din ang tugtog at binuksan ulit ang pinto. Nakita ko naman siyang nagsasayaw sa gitna habang tinitingnan ang sarili sa salamin. Di niya kita ang part mula sa pinto dahil may kurtinang nakatakip sa may gawi ko at medyo madilim din sa area ko. Bigla naman siyang napahinto at binalik sa simula ang kanta at sumayaw ulit. Napapansin kong lagi siyang nagkakamali sa mga steps niya at medyo di niya pa nakukuha nang maayos kung paano ang tamang pagsayaw sa steps. Kailangan niya pa talagang matuto nang todo. Mahihirapan talaga siyang makapasok sa BHDS kung ganoon lang dance skills niya. Nagulat na lang ako nang matumba siya at pinalo ang sahig. Anong kasalanan nang sahig? Siya naman pumatid sa sarili niya. Nakita ko na lang siya mula sa salamin na umiiyak.
"Ok. Sige na. Titigil na ako. Ayaw mo naman sa akin di ba? Siguro gusto mo dun lang sa magagaling na sumayaw, eh di sa kanila ka na. Kahit anong gawin ko di ako magiging katulad nila dahil di ako magaling sumayaw. Di ko na ipipilit ang sarili ko sayo," sigaw niya kaya syempre rinig na rinig ko.
Sinara ko naman ang pinto at lumabas na sa eskinitang yun. Tumawid ako para maghintay nang taxi. Bigla ko namang naalala ang mga sinabi niya. Ganun din ako dati. Nagsimula din ako sa pangangarap na balang araw magiging dancer ako at kahit anong mangyari aabutin ko yun dahil yun ang gusto ko. Napatingin naman ako sa eskinitang yun at natagpuan ang sariling naglakad pabalik doon. Bigla naman akong pumasok at sumulpot sa likod niya. Nagulat naman siya nang makita ako mula sa salamin at napatayo siya.
"Sino ka? Anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok?," tuloy tuloy niyang tanong. Napangiti naman ako behind my mask at sinagot siya.
"I am J. I am here to teach you how to dance and paano ako nakapasok? Hmmmm pinihit ko yung doorknob at bumakas kaya pumasok ako."
"WHAT?!," gulat niya paring sabi.
BINABASA MO ANG
Book 5: Can I Have This Dance
FanfictionPlot: J-Hope witness a girl who loves to dance yet dancing doesn't loves her but because of her determination and eagerness to pursue what she loves, J-Hope decided to train her without telling her who he really is. What will be their journey togeth...