Episode 8: Start of Teaching Her

7 0 0
                                    


(Necyval's POV)

"I am J. I am here to teach you how to dance and paano ako nakapasok? Pinihit ko yung doorknob at bumukas kaya pumasok ako."

"What?!," gulat ko na lang na sabi. J? Sinong J? Wala akong kilalang J. Teka pamilyar siya sa akin ah.

"I think we've met before?," sabi ko at nag isip.

"Tama. Ikaw yung lalaki sa elevator ng BHDS diba? Sinundan mo ba ako?"

"Yes ako nga yon. Shall we start practicing now?," sabi naman niya at nilapag ang bag niya.

"Teka nga bakit ako magpapaturo sayo at bakit mo ako tuturuan? Hindi naman tayo magkakilala."

"You are Necyval, right? Bestfriend of Daiki?"

"Paano mo nalaman ang pangalan ko and how did you know na kaibigan ko si Daiki?"

Puro tanong na lang ako dahil talagang di ko maintindihan ang nangyayari.

"Ok fine. I am one of the trainor in BHDS. Satisfied now?"

"Trainor? Papano? Pero bakit?"

"You have lots of question and di tayo makakapagsimula if sasagutin ko yan lahat. So are we going to start or not?," tanong niyang medyo naiinip na.

"Huh?," nasabi ko na lang dahil wala talaga ako sa sarili ko at naguguluhan talaga ako.

(J-Hope's POV)

Kailan ba siya matatapos magtanong? Hay  bakit ko ba to pinasok? Ano bang nakain mo Hoseok? Paano kung makilala ka niya? Kailangan ko na tong tapusin.

"Maybe you are not yet ready, babawiin ko na lang yung sinabi kong tuturuan kita. Aalis na lang ako," sabi ko at kinuha ang bag ko. Maglalakad na sana ako papuntang pinto nang hawakan niya ang braso ko kaya napatingin ako sa kanya. Mabilis naman niyang tinanggal ang kamay niya.

"Ahm ano kasi. Ah eh..," putol putol niyang sabi.

"I really want to dance. No. I really love to dance pero mukhang ang sayaw kasi ang umaayaw sa akin," sabi niya habang nakayuko. Nagulat na lang ako nang bigla siyang nag angat nang ulo at tumingin sa akin. Nagkaeye to eye contact naman kami.

"Please teach me how to dance," sabi niya at biglang nagbow. Napaatras naman ako konti. Ano nang gagawin ko nito ngayon? Napahawak na lang ako sa buhok ko. Nanatili naman siyang nakabow.

"Ok fine. Tuturuan kita but in one condition," sabi ko kaya napaayos na siya nang tayo.

"You need to listen to me and ayoko sa lahat yung madaling sumuko. I am a strict trainor, kuha mo ba?," sabi ko sa kanya.

"Yes sir," sagot naman niya.

"One more thing, walang dapat makaalam na tinuturuan kita. This is between me and you only. Once malaman nang iba, then its the end."

"Yes sir."

"Mabuti na yung maliwanag. Lets start," sabi ko at nilapag ulit ang bag ko.

"Do you need music sir?," tanong naman niya sa akin.

"Don't call me sir." Di ko alam pero ayaw kong marinig mula sa kanya ang sir.

"Ano pong itatawag ko sa inyo?"

"At wag mo akong i-po. Magkaedad lang ata tayo. Kanina lang napakaconfident mong kausapin ako at ngayon napakaformal mo. Just call me J."

"Ok."

"So kailangan mo ba nang music J?"

"No need. Wala ka pa sa hundred percent para sumabay sa music," sabi ko at nakita ko sa mukha niya ang pagkadismaya. Totoo naman eh pati kanta sisirain niya pa.

"Ok. Lets start with some stretching," sabi ko kaya lumapit siya sa tabi ko. Pareho kaming nakatingin sa salamin.

"Ahm can I ask you one last question?"

Napatingin naman ako sa kanya.

"Hindi mo ba tatanggalin ang mask mo?"

"Don't mind me. Just focus," sagot ko lang at tumingin ulit sa salamin. Nagsimula kaming magstretching from head to toe. Tinuruan ko na siya nang basic steps after. Mga limang steps lang. Head moves, hand moves, shoulder moves, waist moves, and feet moves. Medyo nakuha naman niya pero kulang lang nang gesture nang katawan.

"Sabihin mo nga sa akin, malambot ba o matigas ang katawan mo?"

"Ahmmm nasa gitna?," tanong niya naman sa tanong ko.

"Gawin mo yun lahat. Magpraktis ka. I will see you two days from now and if di mo yan maperfect, I will quit," sabi ko at kinuha ang bag ko at deretsong lumabas.

Book 5: Can I Have This DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon