(Necyval's POV)"Welcome to our quarterly dance audition wherein magkakaroon kayo nang chance na mapili at magtrain sa Big Hit Dance Studio at may pag asang makasayaw sa mga events ng BTS."
Nagsigawan naman halos lahat ng contestant na mga babae at syempre kasama na ako dun. Sino ba naman ang hindi titili kung BTS na ang pag uusapan. Sila ang ultimate idol ko at si Jimin ang pinakagusto ko. Ang galing niya kasi talagang sumayaw. Kilala ko naman silang lahat. Wag kayong maingay ha pero syempre mas madami akong alam tungkol kay Jimin.
"Contestants, get ready at magsisimula na tayo," announce nang emcee kaya nagready na halos lahat kami. Kinakabahan naman ako nang may humawak sa kamay ko.
"Relax lang Val. Kaya natin to," sabi ng bestfriend kong si Daiki. Yes half japanese siya kaya ganyan pangalan niya.
"Hay nako Daiki. Sa maraming beses na sumali ako dito, kakabahan pa ba ako," pagsisinungaling ko naman at ngumiti ng peke.
"At sa katagal tagal na pagiging magkaibigan natin, marunong ka pa talagang magsinungaling sa akin," sabi naman niya at nginitian din ako na may halong asar.
"Oo na. Kinakabahan na ako. Sana naman kahit ngayon man lang makuha ako."
"Oo naman, magkasama tayong papasok nang BHDS."
Nagsimula na ang ibang contestants. Inhale-exhale naman ang ginagawa ko habang hinihintay ang turn ko.
"Daiki Niwa," tawag nang emcee at umakyat na nga si Daiki sa stage. Tumingin naman siya sa akin at ngumiti kaya nginitian ko din siya. Nagsimula na siyang sumayaw at nagpalakpakan naman ang lahat. Yes magaling siyang sumayaw at alam kong makukuha talaga siya ngayon.
"I love you Daiki," sigaw naman nang ibang girls kaya napatawa ako nang mahina. Ok, gwapo din po ang bestfriend ko. Pumalakpak naman ako nang matapos siya at sa akin agad siya nagpunta nang makababa nang stage.
"Necyval Puerto," tawag naman sa akin kaya nagulat ako. Ako na ba?
"Goodluck Val. Kaya mo yan," sabi naman sa akin ni Daiki. Agad naman akong pumunta nang stage. Lord ikaw na po bahala sa akin. Gagawin ko po ang best ko kaya sana po mapili ako. Nagsimula na ang music at nagsimula na rin akong sumayaw. Hiphop ang napili kong genre. Nakarinig naman ako nang mga boo sa harap ko kaya medyo napatigil ako pero nakita ko si Daiki na chinecheer ako kaya tinuloy ko ang pagsasayaw hanggang matapos ako. Agad ko siyang pinuntahan.
"Nakakahiya ang ginawa ko," agad kong sabi sa kanya nang makalapit.
"Nu kaba. Wag mong maliitin ang sarili mo. Magaling ka Val at makukuha ka."
Napakapositive niya talaga pero alam ko naman sa sarili ko na di talaga ako magaling.
(J-Hope's POV)
"Nasaan si manager?," tanong ko kay Kookie habang nanunuod siya nang tv.
"Nagpunta sa Circle, may event na naman ata for our free dance training," sagot niya at tutok na tutok sa tv. Nanunuod pala nang MTV.
"Hyung, umalis ka na kung pupuntahan mo si manager. Sagabal ka sa pinapanuod ko eh," sabi naman niya.
"Oo na," sagot ko at lumabas na.
Pinuntahan ko naman siya sa Circle. Nasa kotse lang ako habang hinihintay matapos ang event. Pinanuod ko na lang ang mga contestants habang sumasayaw sila. Ang dami pala talagang gustong maging dancers. Napatutok naman ako sa babaeng sumasayaw ngayon sa stage. Hindi siya ganun kagaling pero may pag asa naman siyang matuto. Napansin ko namang napahinto siya ngunit nagpatuloy pa rin. Bigla ko namang naalala ang dating ako bago ako naging member ng grupo. Nang matapos ang event at magsialisan na silang lahat ay saka pa ako bumaba at pinuntahan si manager.
"Hyung, may napili na ba kayo sa mga nag audition?"
"Oo meron na pero bukas pa namin iaanounce through our page. Bakit ka nga pala nandito?"
"Magpapaalam lang ako para bukas."
"Bakit san ka pupunta bukas?"
"Bibisitahin ko lang sila mama."
"Ok."
"Ah hyung pwede bang makita ang list ng mga nag audition?"
"Eto. Nasa likod ang mga nakapasok."
Tiningnan ko naman ang list. Ang dami nga talaga nila. Tiningnan ko naman ang mga pumasok at halos kalahati lang din ang napili. Naalala ko naman ang number nung babaeng nakita kong sumayaw. Agad kong hinanap ang pangalan niya. Necyval Puerto. Tiningnan ko naman ang list ng mga pumasok pero di ko nakita ang pangalan niya. Kailangan niya pa sigurong magpraktis pa. Better luck next time Necy.
BINABASA MO ANG
Book 5: Can I Have This Dance
FanfictionPlot: J-Hope witness a girl who loves to dance yet dancing doesn't loves her but because of her determination and eagerness to pursue what she loves, J-Hope decided to train her without telling her who he really is. What will be their journey togeth...