Episode 21: J-Hope is Jealous 2

4 0 0
                                    


(Necyval's POV)

Nandito ako ngayon sa studio. Syempre praktis pa din para sa audition. Naisip ko naman na Good Boy ni GD at Taeyang ang sasayawin ko. Medyo kabisado ko na ang kalahati nang mga steps at pineperfect ko pa bago magproceed sa next steps. Nagbreak muna ako para kumain. Kumain na din kaya siya? Tumunog naman ang phone ko. Tumatawag si Daiki.

"Hello," sagot ko naman.

"Hi Val, kumusta?"

"Eto kumakain na po. Ikaw kumain ka na ba?."

"Kumakain din. Kasabay ko ngayon sina Jimin at J-Hope."

"Talaga? Si Jimin kasabay mo?," gulat ko namang tanong kaya nabitawan ko ang kutsara ko.

"Hi Necyval. Si Jimin to," rinig kong sabi at bigla na lang akong napatayo sa gulat. Binanggit ni Jimin ang pangalan ko. Talaga? OMG.

"He-hel-hello. OMG, ahmm hi Jimin," pautal utal kong sabi dahil sa kaba.

"Hope to see you soon. Nabanggit kasi sa akin ni Daiki na mag aaudition ka daw dito sa BHDS."

"Yes. Oo."

"Thank you nga pala sa mga gifts mo. I really appreciated it."

"You're welcome."

"Keep practicing and see you soon," sabi niya kaya sumigaw ako nang walang lumalabas na boses sa bibig ko.  Syempre kailangan ko munang tiising wag sumigaw.

"Kakausapin ka din ni J-Hope Val," sabi naman sa akin ni Daiki. Si J-Hope?

"Hi Necy, this is J-Hope. Bakit naman si Jimin lang may regalo mula sayo? Nagtatampo tuloy kaming lahat," sabi naman niya. Teka bakit parang pamilyar ang boses niya.

"Ahm sorry po. Ahhh sige po next time, bibigyan ko po kayo lahat," nasabi ko na lang.

"Great. Thank you in advance Necy. Galingan mo sa pagpapractice," sabi naman niya. Pamilyar talaga eh. Kaboses niya si J.

"Salihan mo din ako Val," bigla namang sabi ni Daiki.

"Oo naman."

"Sige Val. Babalik na kami sa studio. Ingat ka. Wag masyadong magpagod ok. Bye."

"Ok. Bye," sagot ko lang at pinatay na ang tawag. Agad naman akong napangiti nang maalala ang boses ni Jimin habang sinasambit ang pangalan ko. Finally narinig ko na ang boses niya at nabanggit din niya ang pangalan ko. Nagtatalon talon naman ako sa tuwa. Pero napatigil ako nang maalala yung boses ni J-Hope. Magkahawig sila nang boses ni J pero malabo namang maging si J si J-Hope. Baka same lang sila, pareho naman silang lalaki.

(J-Hope's POV)

Sabay kaming kumakain ngayon ni Jimin sa food court nang BHDS. Siya ang trainor ngayon habang ako naman nagpapractice sa training room namin.

"Daiki, sumabay ka na sa amin," tawag ni Jimin kay Daiki kaya lumapit siya sa amin.

"Congrats nga pala for being rank 1 again," sabi naman sa kanya ni Jimin habang kumakain kami.

"Thank you Sir."

"Wag mo na kaming i-sir Daiki. Nakakatanda," sabi ko naman sa kanya.

"Nga pala Daiki, pwede mo bang tawagan si Necyval. Gusto ko lang sanang magthank you sa kanya," sabi naman ni Jimin kaya napatigil ako sa pagkain at napatingin sa kanya.

"Sige pero baka nagpapractice pa din siya hanggang ngayon pero try natin," sabi naman ni Daiki at nilabas ang phone niya.

"Practice, para saan?"

"Sasali kasi siya sa next audition ng BHDS."

"Talaga?," excited namang sabi ni Jimin. Tingnan mo to, parang walang girlfriend kung makareact.
Nagdial naman agad siya.

"Hi Val, kumusta?," agad niyang sabi.

"Kumakain din. Kasabay ko ngayon sina Jimin at J-Hope."

Bigla namang binigay ni Daiki kay Jimin ang phone niya.

"Hi Necyval. Si Jimin to," sabi naman niya. Mukhang naiimagine ko na ang mukha ni Necy ngayon. Tiyak ko abot hanggang langit ang ngiti nun.

"Hope to see you soon. Nabanggit kasi sa akin ni Daiki na mag aaudition ka daw dito sa BHDS."

"Thank you nga pala sa mga gifts mo. I really appreciated it."

"Keep practicing and see you soon."

Binalik naman niya kay Daiki ang phone at sinabihan ko naman si Daiki via sign language na kakausapin ko din si Necy.

"Kakausapin ka din ni J-Hope Val," sabi naman ni Daiki at inabot sa akin ang phone.

"Hi Necy, this is J-Hope. Bakit naman si Jimin lang may regalo mula sayo? Nagtatampo tuloy kaming lahat," sabi ko naman at may halong lungkot ang boses.

"Ahm sorry po. Ahhh sige po next time, bibigyan ko po kayo lahat," nasabi naman niya. Po? Ano ako lolo? Matanda ba boses ko? Di niya ba tiningnan na magkaedad lang kami. Wala ba siyang alam tungkol sa akin.

"Great. Thank you in advance Necy. Galingan mo sa pagpapractice," sabi ko na lang at binalik agad kay Daiki ang phone. Siguro nga si Jimin lang ang kilala niya. Di ko naman tinapos ang pagkain ko. Nawalan na ako nang gana.

"Hyung bakit di ka na kumakain?," tanong naman sa akin ni Jimin.

"Busog na ako," sagot ko lang.
Nang natapos kumain ay sabay kaming bumalik. Habang naglalakad ay biglang inakbayan ni Jimin si Daiki.

"Tell me Daiki, bestfriend mo lang ba talaga si Necyval?," bigla naman niyang tanong kay Daiki. Nakita ko namang ngumiti si Daiki.

"Sabi ko na eh, may gusto ka nga sa bestfriend mo."

Tumango naman si Daiki. Pati din pala siya karibal ko? Dumiretso naman ako nang training room. Tumunog naman ang phone ko at binasa ang text niya.

"J ang saya ko ngayong araw na to," basa ko sa text niya. Malamang nakausap mo lang naman ang crush mo. Sinong hindi sasaya dun. Eh masaya ka bang nakausap mo ako? Ni hindi mo nga siguro alam kung anong totoong pangalan ko at dahil sa inis ay naihagis ko na lang sa bag ko ang phone at nagpractice na lang ulit.

Book 5: Can I Have This DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon