Episode 13: J-Hope is Jealous

5 0 0
                                    


(J-Hope's POV)

Nang matapos magshower ay bumaba ako para kumain. Nakipagkwentuhan na din ako sa kanila. Nasa sala kami habang panay asaran at kulitan lang. Si Jin naman ang pinagdiskitahan namin.

"Hyung kailan ka ba magkakagirlfriend? Naunahan ka pa namin ah," tanong sa kanya ni Jimin. Bigla naman siyang kinutungan ni Jin.

"Malamang, kalalaki niyong tao, ang lalandi niyo," sagot naman niya kaya nagtawanan kaming lahat.

"Pero di nga hyung, ang dami namang babaeng naghahabol sayo ah kahit si Kaye gustong gusto ka pero di mo naman pinapansin. Akala ko ba mahilig ka sa magaganda?," sabi naman sa kanya ni V.

"Mahilig nga ako sa maganda, maganda ang ugali," sabi naman niya.

"Yun yun eh," sabay sabay naman naming sabi at tumawa.

"Hmmm eh ako hyung, pwede na ba akong magkagirlfriend?," bigla namang tanong ni Kookie kaya napatingin kaming lahat sa kanya.

"Oppss nagkamali yata ako nang tanong," sabi naman niya dahil masama ang tingin namin sa kanya.

"Bawal kang magkagirlfriend hanggat wala pa akong girlfriend. Ayokong maunahan mo ko. Di ako papayag," sagot naman agad ni Jin na seryosong seryoso kaya nagtawanan kami.

"Totoo ang sinasabi ko, ikaw at si J-Hope bawal pa magkagirlfriend hanggat wala pa akong girlfriend, maliwanag?," seryoso niyang sabi at tinuro pa kaming dalawa.

"Oo naman hyung, di ba J-Hope hyung," sagot naman ni Kookie at tiningnan ako.

"Huh? Ahh.... Oo naman hyung," bigla ko namang sagot.

Nang matapos kaming mag asaran ay nagpunta na rin kami sa kanya kanyang kwarto. Napahiga ako sa kama ko nang may madaganan ang likod ko kaya kinuha ko ito. Ang phone ko pala. Nang tingnan ko ito ay nagulat ako dahil nasa list of calls ko ang pangalan ni Necy. Tinawagan ko siya? Agad ko namang tiningnan ang details at nakitang may almost 3 minutes na answered call galing sa akin. Paano ko siya natawagan? At bakit ko siya tinawagan? Dahil sa curiosity ko ay tinawagan ko siya pero di niya sinasagot. Inulit ko namang tawagan siya ngunit wala pa ding sagot kaya tinext ko na siya.

"Why are you not answering my calls?"

Hinintay ko naman ang reply niya pero wala.

"I will call again, answer it," text ko sa kanya at agad siyang tinawagan. Makalipas ang limang ring ay sinagot niya din.

"Hello," sabi niya.

"Necy, bakit di mo sinasagot ang tawag ko?," agad kong tanong sa kanya.

"Sorry, kakagaling ko lang kasi sa cr. Bakit ka nga pala napatawag?," sagot at tanong naman niya.

"Ahm ano kasi may itatanong lang ako."

"Ano yun?"

"Tinawagan ba kita kanina?"

"Huh? Ah oo pero nung sagutin ko wala namang sumasagot. Agos nang tubig lang yung naririnig ko."

"Sorry. Naliligo kasi ako nun. Di ko namalayan na call pala yung napindot ko bago ako pumasok ng banyo."

"Ah kaya pala," sabi naman niya.

"Anong kaya pala?," tanong ko naman.

"Ah wala. Nagtaka nga ako eh kung bakit mo ko tinawagan," sagot naman niya at medyo tumawa pa. Lumabas naman ako sa balcony. Wala nang nagsalita sa amin.

"Nakauwi ka-," "Nakabalik na-," sabay naming sabi at sabay din kaming natawa.

"Kaw na mauna," sabi naman niya sa akin.

"Hindi, kaw na mauna," sabi ko naman sa kanya.

"Nakauwi ka ba agad kanina?"

"Ah oo. Eh si Daiki bumalik na ba nang BHDS?," sagot at tanong ko naman.

"Oo. Pagkahatid niya sa akin, bumalik na din siya."

"Hindi kasi ako galing ng BHDS dahil hindi ko sched ngayon na magturo kaya nawala sa isip ko na ngayon pala yung free day nila."

"Ah may schedule pala kayong mga trainor sa pagtuturo sa BHDS trainees?"

"Oo meron," sagot ko naman at ngumiti. Hindi ko alam pero gusto kong naririnig ang boses niya.

"Eh sino nagtuturo kanina?"

"Si Jimin," sagot ko naman.

"Talaga? Si Jimin my loves," excited naman niyang sabi.

"Sorry, napalakas ata ang boses ko."

"Jimin my loves?," tanong ko naman at nawala ang ngiti sa mukha ko.

"Ah sorry. Idol ko kasi siya sa pagsasayaw kaya nagulat ako na nagtuturo din pala siya sa mga trainees," sabi niya at halata sa boses niya na masaya siya. Bigla ko namang naalala na siya pala yung nagbibigay nang regalo kay Jimin na mula kay Daiki.

"Hindi lang naman siya ang nagtuturo pati si Jungkook at J-Hope nagtuturo din," sabi ko naman at diniinan talaga ang pangalan ko.

"Talaga pati si Jungkook. Wow," sabi naman niya. Teka di ba niya narinig ang pangalan ko. Kasama din ako.

"Ah sige J, may gagawin pa pala ako. Kita na lang tayo tomorrow. Goodnight and babye," agad naman niyang sabi at binabaan na ako.

"Hello? Necy?"

Napatingin naman ako sa phone ko. Binabaan talaga ako.

"Wow! Talagang di man lang niya binanggit ang pangalan ko," kausap ko naman sa hangin.

"May girlfriend na si Jimin at bata pa si Kookie para magkagirlfriend," nasabi ko na lang sa phone ko ang di ko nasabi sa kanya dahil binabaan niya na ako. Pumasok naman ako sa loob at hinagis sa kama ang phone ko sa inis.

Book 5: Can I Have This DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon