(Necyval's POV)Kinakabahan na ako for tomorrow. Yes bukas na ang audition day. Hindi ko alam kung makakatulog pa ba ako nito mamaya. Nagpapraktis ako ngayon nang bumukas ang pinto at pumasok si Daiki.
"Nagpapractice ka pa din Val? Wag ka nang mag alala, makakapasok ka na talaga dahil magaling ka na."
"Hindi kasi ako mapakali at sobrang kinakabahan ako baka magkamali ako bukas o baka may makalimutan akong steps."
"Relax ka lang Val. Wag kang masyadong kabahan at saka memorize mo na lahat nang steps. Alam ko magiging successful ang performance mo bukas. Trust yourself."
"Thanks Daiki at least medyo kumalma na ako. Kaya ko to at alam ko makakapasok ako."
"That is my Val. Neva give up, Neva give in."
Natawa naman ako sa sinabi niya. Sana talaga maging ok ang performance ko bukas. Ipapakita ko sa lahat na may talent din ako at hindi nasayang ang effort ni J sa pagtuturo sa akin.
(J-Hope's POV)
Nasa little garden ako nang dorm habang mag isang nakatingala at nakatingin lang sa langit. Iniisip ko pa din kung anong gagawin ko. Ayokong pigilan si Necy sa pangarap niya dahil bukas sigurado akong makakamit na niya ito pero ayaw ko ring saktan si Manager at ang mga kagrupo ko dahil lang sa ginawa ko. Ayokong madamay sila nang dahil sa akin.
"Hope mukhang ang lalim ata nang iniisip mo ah. Kaya ko pa bang sisirin yan?," rinig kong tanong sa akin at nang paglingon ko ay si Jin hyung ang nakita ko. Tumabi naman siya sa akin.
"May problema ka ba?," tanong naman niya sa akin.
"May itatanong lang ako sayo hyung," sagot ko naman.
"Itatanong? Tungkol saan?"
"Paano kung papipiliin ka hyung between love and career, anong pipiliin mo?"
"Wow! Ano to beauty contest? Sasali ka ba nang Ms. Korea?," nakatawa naman niyang tanong.
"Seryoso ako hyung," sagot ko naman kaya napatigil siya sa pagtawa.
"Di nga? Talaga, sasali ka?," gulat naman niyang tanong.
"Hyung naman. Ibig kong sabihin, seryoso ako dun sa tanong ko."
"Mukhang malalim nga iniisip mo pero bakit mo ba naitanong yan?"
"Wala lang. Naisip ko lang," sagot ko naman.
"Don't tell me may minamahal ka na ngayon tapos pipili ka kung magpapatuloy ka pa bilang member ng grupo o pipiliin mo siya, ganun ba?"
"Hindi ganun hyung. Ok aaminin ko na, may nagugustuhan ako ngayon pero nang dahil kasi sa ginawa kong paglabag sa rule nang BHDS pwede siyang masaktan, pwedeng mawala ang pangarap niya."
"Anong ibig mong sabihin?"
"May iba kasing nakaalam na nagtuturo ako sa labas at ginawa niya itong blackmail sa akin. Kailangan kong pigilan ang babaeng gusto ko na tuparin ang pangarap niya para hindi lumabas ang ginawa ko pero hyung di ko kayang makitang nasasaktan siya nang dahil sa akin at ayaw ko ring makitang nasasaktan kayo nang dahil din sa akin. Hindi ko na alam ang gagawin ko at kung ano ang pipiliin ko."
"Lahat nang problema may solusyon at lahat nang tanong may kasagutan. Base sa sinabi mo, kung pipiliin mo ang babaeng mahal mo, masasaktan kami at kung pipiliin mo kami, masasaktan siya. Kahit anong gawin mo Hope, lahat nang sekreto nabubunyag. Hindi mo to matatago nang matagal. Kung nagdadalawang isip ang utak mo kung anong pipiliin mo, pakiramdaman mo ang sinasabi nang puso mo at yun ang sundin mo dahil kailanman di ka ipapahamak nito," sabi niya habang tinuturo ang puso ko.
"Thank you hyung. Mabuti na lang at nakausap kita."
"No worries," sagot naman niya at biglang lumungkot ang mukha.
"Bakit hyung?," agad ko namang tanong.
"Medyo nakakatampo lang dahil magkakalovelife ka na din pala. Bakit ba nauuna kayong lahat sa akin?"
"Ok lang yan hyung. Malay natin ikaw na pala ang susunod na magkakalovelife."
"Sana."
"Pero hyung, kung papipiliin ka din between love and career, anong pipiliin mo?"
"Hmmmm as of now career muna, syempre wala pa akong lovelife eh pero kung dumating na yung babaeng mamahalin ko at sa tingin ko ang para sa akin, bakit ko pa papakawalan di ba?," sagot naman niya habang nakangiting nakatingin sa akin. I think alam ko na ang gagawin ko.
BINABASA MO ANG
Book 5: Can I Have This Dance
FanfictionPlot: J-Hope witness a girl who loves to dance yet dancing doesn't loves her but because of her determination and eagerness to pursue what she loves, J-Hope decided to train her without telling her who he really is. What will be their journey togeth...