Episode 12: Unexpected Call

6 0 0
                                    


(J-Hope's POV)

Mabilis akong nakabalik nang dorm.

"Hyung, ang bilis mo naman ata. Nakabili ka ba?," tanong ni Kookie.

"Hindi. Sumakit kasi ang ulo ko. Akyat muna ako."

Nang makarating sa kwarto ay umupo ako sa kama at binasa ang reply niya.

"Ok. Thank you."

Napahiga naman ako sa kama at tiningnan lang ang text niya. Wala naman akong irereply pa. Pinindot ko na lang ang phone at hinagis sa kama saka tumayo at pumasok nang banyo.

(Call pala ang napindot ni J-Hope kaya natawagan niya si Necyval.)

(Necyval's POV)

Sabay kaming napatingin sa screen nang phone ko.

"Sinong J? At may emoji pa?," takang tanong naman niya sa akin kaya mabilis kong kinuha ang phone ko.

"Ah kaklase to ni Phoeve. Nakitext kasi siya sa akin at sinave ata niya ang number. Saglit lang at sasagutin ko," sabi ko saka agad tumayo at medyo lumayo sa kanya.

"Hello? J?," mahina kong sabi nang masagot ang tawag pero walang sumasagot sa akin. Naririnig ko lang ang ingay nang tubig.

"J? Hello?," ulit ko pero wala pa rin. Napatingin naman ako kay Daiki na nakatingin din pala sa akin kaya medyo nilakasan ko ang boses ko.

"Bakit ka napatawag J?"

"Ah nasa studio kasi ako, nasa bahay si Phoeve."

"Ok sige. I will tell her pag uwi ko," sabi ko at nakatingin pa din kay Daiki. Wala pa ring sumasagot sa kabilang linya. Ano bang ginagawa niya?

"Sige bye."

Lumapit naman ulit ako kay Daiki.

"Bakit kailangan mo pang lumayo sa akin? Bakit di mo siya kinausap dito?," takang tanong naman ni Daiki. Nanlaki naman ang mata ko. First time ko ngang ginawa yun sa kanya.

"Ahm sorry. Nahawa kasi ako kay Phoeve. Ganun kasi siya sumagot nang phone dahil maingay kami."

"Nga pala bakit ka pala nakalabas nang BHDS? Pwede na ba kayong lumabas ngayon?," tanong ko naman para makaiwas sa itatanong niya pa.

"Pinayagan kami dahil maganda yung performance namin last week pero ngayong araw lang na to. Alam mo ba Val, three consecutive rank 1 na ako."

"Wow! Galing mo talaga bestfriend," sabi ko naman at niyakap siya.

"Ah tama may ipapakita pala ako sayo. Ijudge mo ko ha," sabi ko naman nang kumalas sa yakap niya at nilinis ang pinagkainan namin. Pinakita ko naman sa kanya ang tinuro sa akin ni J. Pinalakpakan niya ako nang matapos ako.

"Nag iimprove ka na Val ah. Nagagawa mo na yung mga basic steps. Sino nagturo sayo niyan?"

"Huh? Ahhh napanuod ko lang sa youtube at ginaya ko. Sino namang magtuturo sa akin eh wala ka na."

"Talaga? Ginaya mo lang sa youtube?," tanong niya na di kumbinsido.

"Wow naman. Di ka talaga naniniwala? Oo nga," sabi ko naman.

"Galing mo na Val. Tiyak ko mapipili ka na sa susunod na audition. Iimprove mo lang nang konti pa yung gesture mo sa may bandang bewang parang ganito," sabi niya at sumayaw sa tabi ko. Ginaya ko naman siya at sabay kami sa pagsayaw. Namiss ko din to na lagi kaming sabay nagpapraktis. Nang matapos sa studio ay umuwi na din kami. Hinatid naman niya ako hanggang sa bahay kahit sinabihan ko siyang wag na.

"Alis na ako Val. Bisitahin mo ko next week ah. Magtatampo na talaga ako sayo," sabi niya nang huminto kami sa may gate namin.

"Teka. Di ka ba dadalaw kina tita?"

"Galing na ako sa kanila kanina bago ako nagpunta sayo. Kay tita ko nga nalaman na maaga ka palang nagpunta nang studio. Sige na, alis na ako. Ingat ka palagi," sabi niya at kumayaw lang bago mabilis na tumakbo. Sa may kanto pa din kasi makakasakay. Pumasok na din ako sa loob at dumiretso sa kwarto ko. Nilapag ko naman sa kama ang phone ko nang bigla itong tumunog.

Calling J😷...

Nagulat naman ako kaya di ko agad nasagot at namissed call na. Kinuha ko naman ang phone ko at tiningnan nang bigla ulit itong tumunog kaya nabitawan ko sa gulat. Mabuti na lang nasalo nang kama.

Calling J😷..

Di ko naman nasagot ulit kaya namissed call ulit nang tumunog ito at this time text na.

"Why are you not answering my calls?"

Book 5: Can I Have This DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon