Episode 29: Waiting For Him

3 0 0
                                    


(Necyval's POV)

After a month...

"Congratulations Necy and Daiki for being the Best Dance Couple for this month," bati sa amin ni Coach Dylan and Coach Mina nang matapos ang event and awarding.

"Thank you po coach," sabay namang sabi namin ni Daiki.
Yes tumuloy ako sa pangarap ko. Kasama ko na ngayon sa BHDS si Daiki at gaya nang napag usapan namin naging magpartner nga kami at nagkaaward pa. Nang makabalik sa dorm namin ay may biglang humila nang buhok ko.

"Mang aagaw ka. Dapat ako ang nasa pwesto mo at hindi ikaw. Nakapasok ka lang naman dito nang dahil kay J-Hope at dahil din sayo kaya hindi na siya nagtuturo ngayon. Hindi ka ba nahihiya ha at talagang tumuloy ka pa dito sa BHDS," sabi niya habang sinisimulan na akong sabunutan.

"Ano ba, bitawan mo ang buhok ko Sam. Nasasaktan ako," agad ko namang sabi habang pinipilit tanggalin ang kamy niyang nakahawak sa buhok ko.

"Dapat lang sayo to dahil mang aagaw ka," sabi lang niya at sinabunutan na talaga ako kaya wala na din akong nagawa kundi sabunutan din siya.

"Tumigil na kayo," rinig naming sabi kaya huminto ako sa pagsabunot sa kanya pero di siya tumigil at tinulak ako kaya napahiga ako. Mabilis naman niya akong nilapitan at sinabunutan ulit habang nakahiga. Di naman ako makalaban dahil nakadagan siya sa akin.

"Sabing tumigil ka na," rinig kong sigaw ni Coach Mina at pinigilan si Sam. Inalalayan naman niya ako para makatayo.

"Ano bang problema niyong dalawa?," tanong naman ni Coach Mina.

"Mang aagaw po siya Coach at siya din po ang dahilan kung bakit hindi na nagtuturo si Coach J-Hope dito," agad namang sagot ni Sam at di na lang ako sumagot.

"Ayaw ko nang nakikitang nag aaway kayong dalawa. Bumalik na kayo sa mga kwarto niyo, now," pagalit naman niyang sabi kaya mabilis kaming naglakad. Nakita ko pa si Sam na masama ang tingin sa akin bago ako pumasok nang kwarto. Habang nakahiga sa kama ko ay naalala ko ang sinabi ni Sam.

"Dahil sayo hindi na siya nagtuturo ngayon."

Bigla ko namang naalala yung mga araw na nakasama ko siya. Ang mukhang niyang sobrang strict habang tinuturuan ako. Alam kong ganun din siya sa mga trainees dito kaya alam kong passion niya talaga ang magturo pero nang dahil sa akin hindi na niya magagawa yun. Pinikit ko na lang ang mga mata ko at pinilit ang sarili kong makatulog.

Kinabukasan...

Pinayagan kami ni Daiki na lumabas ng BHDS. Prize din ito sa award na nakuha namin. Agad kong binisita sina Mama at Phoeve ganun din si Daiki sa family niya. Dumiretso naman ako sa studio. Binuksan ko ito at pumasok. Tiningnan ko ang buong paligid. Gaya pa rin siya nang dati. Tumayo ako sa gitna at nilibot ang paningin ko. Bigla ko namang naalala yung unang pagkikita namin ni J-Hope dito mula sa pagpasok niya sa  pinto, sa pagpapakilala niya, sa unang steps na tinuro niya sa akin. Sa pagsasayaw namin nang sabay kahit nahuhuli ako sa kanya. Sa mga panahon na sabay kami kumakain, sa mga kwentuhan at sa mga tawanan.  Sa pag aalaga niya sa akin nung nagkasakit ako at sa huling beses na tumapak at lumabas siya nang studiong to. Lahat yun naalala ko pa at aaminin ko sobrang namimiss ko na ang presence niya, ang pagtawag niya sa pangalan ko at ang mga tingin niya tuwing nagtatagpo ang mga mata namin. Mabilis ko namang pinahid ang mga pumatak na luha sa pisngi ko nang mapansin si Daiki na pumasok mula sa salamin.

"Sabi ko na nga ba nandito ka," agad niyang sabi at lumapit sa akin saka umupo sa tabi ko.

"Wala pa ring nagbago sa lugar na to," dagdag naman niya habang tinitingnan din ang paligid.

"Natupad na din ang pangarap natin Val. Magkasama na tayo ngayon sa BHDS at nagkaaward pa tayo," sabi naman niya nang nakangiti.

"Sinabi ko dati sa sarili ko na kapag nakapasok ka na sa BHDS aaminin ko na ang totoong nararamdaman ko para sayo at liligawan na kita pero nung umamin na ako at sinabi mong di mo masusuklian ang pagmamahal ko nasaktan ako nang sobra kasi dun ko narealize na dapat hindi ako nauna, na dapat nanatili ako sa tabi mo, na dapat hindi kita iniwan, siguro kung yun ang ginawa ko hindi mo siya makikilala at hindi mo siya mamahalin," sabi niya habang di nakatingin sa akin pero kitang kita ko mula sa salamin na naiiyak na siya.

"Sorry Daiki kung nasaktan kita. Sinubukan ko namang pigilan tong nararamdaman ko para sa kanya eh, opportunity na nga yung nangyari para kalimutan siya at ipamukha sa puso ko na maling tao ang tinitibok nito. Hindi rin ako nagpakita sayo dahil baka di ko mapigilang hanapin siya sayo, tanungin kung kumusta siya at kung anong ginagawa niya. Sinubukan kong sabihin sa sarili ko na wag na siyang isipin, wag na siyang hanapin pero hindi eh, hindi ko magawa. Tuwing nasa BHDS tayo, umaasa ako na sa tuwing pumapasok yung coach natin iniisip ko na baka dumating yung araw na siya ang makita ko. Hindi ko yun pinapahalata sayo dahil ayaw kong saktan ka. Mahalaga ka sa akin Daiki dahil bestfriend kita at ayokong nasasaktan ka dahil hindi mo deserve yun," sabi ko sa kanya habang umiiyak na.

"I know Val. Ganun ka din sa akin kaya gusto ko na maging masaya ka. Ayokong nakikita kang umiiyak dahil nasasaktan din ako," sabi naman niya at mas umiyak ako kaya niyakap niya na lang ako.

"I know babalik siya Val. Babalikan ka niya," sabi niya habang yakap yakap pa din ako. Sana nga bumalik ka na J-Hope.

Book 5: Can I Have This DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon