Episode 14: Knowing Her Dream

7 0 0
                                    


(J-Hope's POV)

Maaga akong umalis nang dorm dahil schedule ko ngayon na magturo.

"Good morning sir," bati nila sa akin nang makapasok ako sa training room.

"Good morning din. Lets start."
Makalipas ang apat na oras ay dinismiss ko na din sila.

"See you later," sabi ko at nagsilabasan na sila para maglunch. Huling lumabas naman si Daiki kaya sinabayan ko siya.

"Pwede ba akong sumabay sayong maglunch?," tanong ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin.

"Oo naman po sir."

Sa food court lang nang building kami kumain.

"Congrats nga pala sa 3 consecutive rank 1 mo," sabi ko sa kanya habang kumakain kami.

"Thank you sir. The best din po kasi kayong lahat magturo lalo na po kayo," sagot naman niya kaya napatawa ako.

"Sorry and thank you for the compliment."

"Nga pala, Samantha and you can be a good pair in the future. May chemistry kayo pagdating sa pagsasayaw," sabi ko sa kanya at bigla naman siyang tumigil sa pagkain.

"Actually sir, may hinihintay po ako na makapasok sa BHDS. Siya po yung gusto kong makasayaw at maging partner in the future," sagot naman niya.

"Owww.. She must be the girl you like?," tanong ko naman sa kanya.

"Yes sir," sagot naman niya at kumain ulit.

Nang matapos kumain ay bumalik na din kami sa training room at after 15 minutes ay nagdance lesson ulit kami hanggang matapos nang 4. Mabilis ko silang dinismiss at kinuha ang gamit ko at lumabas na para pumunta sa studio ni Necy. Wala namang traffic kaya nakarating ako nang quarter to 5. Kumatok ako bago pumasok. Di ko siya nakita sa loob.

"Necy?," tawag ko sa kanya pero walang sumasagot. Nasaan ba siya? Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok siya.

"OMG! Nakakagulat ka naman," agad niyang sabi nang makita ako at napahawak sa dibdib niya. Ano ako multo?

"Bakit ang aga mo ata?," tanong naman niya at nilapag ang binili niya sa maliit na mesa sa gilid.

"Hindi kasi matraffic. San ka nagpunta?"

"Bumili ako nang pagkain in case na-," sagot niya pero di tinuloy.

"In case na di na naman ako sumipot," dugtong ko sa sentence niya.

"Just in case lang naman."

Nilapag ko naman sa gilid ang bag ko. Ginamit ko namang pamaypay ang kamay ko. Medyo naiinitan ako. Nakita ko naman siyang lumapit sa aircon at nilakasan ito.

"Sched mo ba ngayon? Pawis na pawis ka pa," tanong naman niya at doon ko lang napansin na di pala ako nakapagbihis.

"Nasaan ang cr?," agad kong tanong sa kanya at nang ituro niya ay mabilis akong nagtungo.

Hinubad ko ang mask ko at cap. Grabe ang init. Pinunasan ko ang mukha ko at nagbihis nang damit. Sinuot ko naman ulit ang mask at cap ko saka lumabas. Nakita ko namang nagwawarm up na siya.

"Ok just what I said last meeting natin, kapag di mo nakuha nang tama ang tinuro ko sayo, i will consider it over between us. Di na kita tuturuan."

"Yes. I remember it."

"Ok. Lets see your moves."

Bumuga muna siya nang hangin bago nagsimulang sumayaw. She perfect the head, shoulder, hand and feet moves yet kulang talaga sa waist moves.

"Try mo ulit yung waist moves," utos ko sa kanya at ginawa naman niya.

"Try to move it like this," sabi ko sa kanya at pinagalaw ang waist ko. (Parang sa spagetti song na dance move pero di pababa at di rin pataas. Steady lang hahaha.)

Ginaya naman niya. Mas malambot nga ang katawan ko kesa sa kanya.

"You need to focus on that move. Fix it, ok. Do it everytime."

"Ok."

"Then lets start with another moves," sabi ko naman at gulat siyang napatingin sa akin.

"Why?," naitanong ko na lang.

"Meaning ba nito, nakapasa ako? Tuturuan mo na talaga ako?," seryoso niyang tanong. Tumango naman ako bilang sagot at bigla na lang siyang nagtatalon.

"Yes! Yes! Thank you J."

"Stop celebrating. Lets start," sabi ko naman kaya tumigil siya sa pagtatalon pero nakangiti pa din. Napangiti naman ako behind my mask.

"May gusto ka bang dance steps na matutunan?," tanong ko naman sa kanya.

"Hmmm gusto ko sana yung dance steps nang GoGo ng BTS. Ang cute kasi nun eh," nakangiti niya pa ding sagot.

"Ok ituturo ko sayo," sabi ko naman at nagsimula na kami.

After an hour....

Nahirapan talaga akong turuan siya, grabe. Marunong siyang sumayaw at mabilis niyang nakakabisado ang steps pero kulang lang nang buhay at feelings yung sayaw niya. Para kang nanunuod nang zombie na sumasayaw. Mabuti pa yung mga zombie sa Train to Busan marunong pa maggymnastic. First 4 steps pa lang inabot na kami nang halos isang oras bago niya maperfect. Napaupo naman ako sa sahig dahil sa pagod.

"Uminom ka muna," sabi naman niya at inabutan ako nang tubig.

"Sorry kung mahirap akong turuan. Kahit nga din si Daiki alam ko nahihirapan siyang turuan ako kahit di niya pinapakita," sabi niya at umupo sa tabi ko.

"Tinuturuan ka niya?," tanong ko naman sa kanya matapos makainom.

"Oo. Pangarap naming sabay makapasok nang BHDS kaso magaling kasi siya habang ako eto nagpupumilit matuto."

"Wala namang masama na gustuhin mong matuto kesa susuko ka na lang nang di mo sinusubukan kung hanggang saan ang kaya mo. Oo di ka ganun kagaling pero marunong kang sumayaw at lahat nang bagay natututunan bastat determinado ka lang," sabi ko naman sa kanya.

"Malaking check. Kaya thank you talaga J at nandito ka para turuan ako," sagot niya at nginitian ako. Nagtama ang mga mata namin habang nakangiti lang siya. I can feel that she is really happy right now. Is it because of me?

Book 5: Can I Have This DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon