Episode 30: Missing Him

3 0 0
                                    

(The Finale) Part 1

(Necyval's POV)

After six months......

Nandito kami ngayon sa MBC, back up dancers kami para sa solo performance ni RM. Eto ang first stage ko aside sa stage nang BHDS. Kinakabahan nga ako eh. Makikita din ako sa tv nina Mama at Phoeve.

"Val ready ka na ba? Tayo na susunod," sabi naman sa akin ni Daiki at tumango ako saka ngumiti.

"Tara sa backstage na tayo," sabi naman niya at sinundan ko na siya.
Nang matapos ang nagperform ay nagready na kami sa stage hanggang innanounce na ang pangalan ni RM at umilaw na ang stage. Narinig ko ang hiyawan nang mga tao nang magsimulang magrap si RM hanggang sumayaw na kami. Nakangiti lang ako all the time habang sumasayaw. Ganito pala ang feeling na nakikita nang mga tao ang talent mo. Sobrang saya ko. Dalawang beses kami nagperform nina Daiki dahil dalawa din ang performance ni RM. Nakakapagod man at nakakahingal ay masaya ako at sa wakas natupad na din ang pangarap ko na makaperform sa lahat nang tao. Nang matapos ay napasigaw ako nang makabalik kami sa backstage.

"Thank you Lord," nasabi ko na lang.

"Thank you sa inyo guys. You have done a great job. Sa susunod ulit," sabi naman sa amin ni RM saka umalis.

"Wow! Finally Daiki I made it," nasabi ko kay Daiki nang makalapit siya sa akin.

"Congrats Val," sabi naman niya at dahil sa tuwa ko ay niyakap ko siya.

After a week...

Almost sampung beses kaming nagperform sa loob ng isang week para sa comeback ni RM. Nakakapagod man yet I really enjoyed it. Parang dati iniimagine ko lang pero ngayon totoo na talaga. Hindi na rin kami kasali sa mga trainees, bale kasama na kami sa mga senior dancers. Iba ang training room namin at kami na rin minsan ang gumagawa nang choreo. Sampu kaming  member ngayon para sa mga magbaback up. Apat kaming babae at anim silang lalaki. Kung tinatanong niyo si Sam, matagal na siyang pinaalis dahil hindi niya talaga ako tinantanan at kapag may bagong magaling din ay binubully niya rin kaya kinick out na siya ng management dahil sa attitude niya. Habang nagpapahinga kami sa training room namin ay pumasok si Coach Dylan.

"Guys nagpapasabi si RM na itetreat niya daw kayo ng dinner mamaya so wag na kayong mag isip kung saan kayo kakain mamaya."

Nagsigawan naman kami lahat. Syempre libre na yan eh.
Nang almost dinner na ay sabay sabay kaming nagpunta sa lugar na kakainan namin. Nang makarating doon ay nandoon na din si RM.

"Guys, come here," tawag niya sa amin at nagsilapitan naman kami sa table niya saka nagsiupo. Nagtaka naman ako at mahaba ang table na parang good for 20 people. Sabagay doon lang naman talaga kami kasya dahil 11 din kami.

"Order na tayo," sabi naman niya kaya tumingin na din ako sa menu.

"Wag kayong mahihiya. Whatever you like orderin niyo."

Nang masabi namin ang order namin ay tinanong kami nang waiter if ilan kami lahat para sa plate at nagulat na lang ako nang sabihin ni RM na 18 daw kami lahat. Huh? May darating pa ba? Unti unti na ding sinerve ang pagkain namin.

"Kumain na kayo. Hinihintay ko lang silang dumating," sabi naman ni RM. Sila? Sinong sila? Don't tell me mga kagrupo niya?

"Val kumain ka na," sabi naman sa akin ni Daiki pero parang nawalan ako nang gana dahil sa kaba. Darating ba si J-Hope? Bumalik na ba siya? Makikita ko na ba siya ulit? Ano na kayang itsura niya ngayon? Puro tanong lang ang nasa isip ko.

"Hyung," rinig ko namang sabi kaya agad akong napatingin sa mga bagong dating. Sina Jimin, V, Suga, Jin at Kookie. Nagsiupo naman sila at tumabi sa akin si Jimin.

"Hi Necyval," bati naman niya sa akin at nginitian ko lang siya bilang tugon. Nasaan si J-Hope?

"Nasaan si J-Hope at Manager?," tanong naman sa kanila ni RM. Parang narinig yata ni RM na tinatanong ko rin yun sa isip ko ah.

"Dumaan sila nang BHDS. Pinapatawag sila ni President pero hahabol daw sila," sagot naman ni Jin.

"Ganun ba. Ok kumain na tayo," sabi naman ni RM at kumain na nga sila. Nagsimula na din akong kumain.

"Ok ka lang Val?," tanong naman sa akin ni Daiki. Napansin niya siguro na hindi ko masyadong ginagalaw ang pagkain ko.

"Oo naman. Ok lang ako," sagot ko naman at kumain ulit.

"Hi Necy noona. Kumusta?," bati naman sa akin ni V.

"Ok lang ako V," sagot ko naman.

"Lagi kang tinatanong ni J-Hope hyung kay Jimin," sabi naman niya kaya nagulat ako.

"Oo. Halos araw araw tinatanong niya ako kung galing daw ba ako nang BHDS," sabi naman ni Jimin.

"Miss na miss ka na niya Necy noona," sabi naman ni Kookie.

May bigla namang umupo sa gitna namin ni Jimin at nang tingnan ko siya ay nagulat ako.

"Pinag uusupan niyo ba ako?," tanong naman niya sa kanila.

"Talagang jan ka uupo hyung? Nakisingit ka talaga eh may pwesto ka naman dito," agad na sabi ni V habang tinuturo ang bakanteng upuan sa tabi niya.

"Lumipat ka don Jimin. Bakit mo tinatabihan ang babaeng mahal ko? Baka gusto mong isumbong kita kay Eshe," sabi naman niya kaya tumayo si Jimin at lumipat. Babaeng mahal niya? Di ko pa rin inaalis ang tingin ko sa kanya. Hindi rin kasi ako makapaniwala na nandito na siya. Hindi na siya si J na nakacap at nakamask. Ngayon siya na talaga si J-Hope, ang lalaking matagal ko nang hinihintay. Napatingin naman siya sa akin at nakita ko ang kislap sa mga mata niya na matagal ko nang gustong makita ulit. Bigla na lang akong umiyak kay tumayo ako.

"Sorry, lalabas muna ako," paalam ko at mabilis na lumabas.

Book 5: Can I Have This DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon