(Necyval's POV)Sobrang saya ko dahil tinanggap ni Jimin ang regalo ko sa kanya. Kakatext lang kasi sa akin ni Daiki na naibigay na niya. Gusto niyong malaman kung ano ang binigay ko sa kanya? Isa siyang personalize na pouch na pwedeng lagyan nang cellphone, earphones o charger. Syempre ako gumawa nun at talagang binurdahan ko pa nang pangalan niya para maganda. Hmmm ano kaya ang susunod na ibibigay ko sa kanya. Napasigaw naman ako sa sobrang saya.
Next nga pala pwedeng bisitahin si Daiki sa BHDS. Once a week lang kasi ang sched nila for visitors. Di muna siguro ako magbibigay nang gift kay Jimin baka di na niya tanggapin pag palagi ko siyang bibigyan.(J-Hope's POV)
Schedule ko nga pala ngayon kaya kailangan kong pumunta nang BHDS dahil ako ang magtuturo sa kanila ngayon. Nag ayos naman ako at umalis na patungong BHDS.
"Good morning sir," bati nilang lahat sa akin nang makapasok nang rehearsal studio.
"Good morning din. Ok let's start para maaga tayong matapos. Di ba visiting day niyo ngayon?"
"Yes sir," excited naman nilang sabi kaya napangiti ako.
"Ok let's start."
Tinuruan ko nga sila nang mga steps. May performance din kasi silang gagawin every week para malaman if may improvement sila and nirarank din namin if sino sino ang deserving sa advance training at kung sino yung medyo nahihirapan o wala pang improvement just to make sure na namomonitor namin sila.
"Ok thats all for today. Terrence, Lyka, Janeth and Edward you need to practice more, araseo?"
"Yes sir," sabay na sabi nilang apat.
"Ok see you again. Enjou your day," sabi ko at lumabas na nang rehearsal studio at nagtungo sa rehearsal room namin. Bawal pumunta ang sinuman sa room na to o kahit sa area na papunta dito maliban sa aming pito at kay manager. Di rin kasi makakapasok without our fingerprints. May ibang way din papasok dito na di ka dadaan sa main entrance pero kami lang nakakaalam nun. Nadatnan ko naman dun si Jimin.
"Min bakit ka nandito?"
"Ah nagpapractice lang ako hyung para sa ituturo ko bukas."
"Kailangan mo pa ba? Naku magaling ka na," sabi ko naman sa kanya.
"Di naman ako katulad mo hyung na fast learner. Idol nga kita eh," sabi naman niya at nagthumbs up pa sa akin.
"Sige bolahin mo pa ako," sabi ko naman at nilapag ang bag ko sa side table.
"Sabayan mo ko hyung para malaman ko if tama lahat nang steps ko," sabi naman niya sa akin.
"Kaya mo na yan."
"Sige na hyung, isang beses lang," sabi naman niya at nagpacute pa.
"Keurae. Isusumbong talaga kita kay Eshe. Ang panget mo magpacute," sabi ko naman sa kanya at nilapitan ang audio player.
"Hmmm ok lang basta sa kanya cute ako."
"Aish," nasabi ko na lang at plinay na ang tugtog. Sinabayan ko naman siya sa pagsasayaw.
(Necyval's POV)
Nandito ako ngayon sa BHDS habang hinihintay lumabas si Daiki. Dinalhan ko siya nang paborito niyang dumplings.
"Val," tawag naman sa akin kaya napaangat ako nang ulo.
"Best," sabi ko naman at lumapit siya sa akin.
"Kumusta? Anong balita? Nasa loob ba si Jimin?," agad ko namang tanong nang maupo kami.
"Nakakatampo ka na ha. Sino bang pinunta mo dito? Ako o si Jimin?," tanong naman niya nang di tumitingin sa akin habang nakapout.
"Sorry na. Ikaw naman talaga pinunta ko dito. Dinalhan pa nga kita nang paborito mo eh," sabi ko naman sa kanya at pinakita ang dala ko. Napangiti naman siya at agad kumain.
"Kumusta ka nga pala dito?"
"Ayos naman. May performance ulit kami ngayong sunday," sagot naman niya habang kumakain pa din.
"Talaga? Naku alam ko na resulta niyan. Ikaw na naman ang rank 1," sabi ko at nakangiting tumingin sa kanya.
"Syempre magaling kaya tong bestfriend mo at gwapo pa."
"Naku humahangin ka na. Tsk tsk nilalamig tuloy ako," sabi ko naman at nagkunwaring nilalamig.
"Gusto mo nang yakap?," sabi naman niya at binuka ang mga kamay niya para yakapin ako.
"Wag na. Uminit na. Nga pala dumaan na ba sila tita dito?"
"Oo kanina. Akala ko nga di ka na pupunta eh. Namiss pa naman kita," sabi niya habang nililigpit ang pinagkainan niya.
"Pero di nga best. Nasa loob ba si Jimin?," tanong ko naman at di pinansin ang sinabi niya.
"Wala!," pagalit naman niyang sabi.
"Wow galit ka?"
"Hindi. Meron lang ako," sabi naman niya kaya pinalo ko siya sa braso.
"Baliw ka talaga Daiki."
"Sige papasok na ko. May pupuntahan ka pa ba?."
"Dadaan pa ko sa studio ni Joanna para magpractice then uuwi na ako after."
"Ok. Wag ka masyadong magpagod sa kakapractice ha."
"Opo sir. Bye. Ikumusta mo ko kay Jimin ha," sabi ko pero pumasok na siya agad.

BINABASA MO ANG
Book 5: Can I Have This Dance
Fiksi PenggemarPlot: J-Hope witness a girl who loves to dance yet dancing doesn't loves her but because of her determination and eagerness to pursue what she loves, J-Hope decided to train her without telling her who he really is. What will be their journey togeth...