Episode 26: Truth Hurts

3 0 0
                                    


(Necyval's POV)

Hindi. Hindi pwedeng maging si J-Hope si J. Makikilala ko siya kung siya si J-Hope. May alam din naman ako tungkol kay J-Hope pero malayong maging siya si J.

"Naniniwala ka na ba sa akin ngayon?," tanong naman niya sa akin.

"Hindi. Hindi siya pwedeng maging si J."

"You're still confused. Alam mo ba Neva na isa sa main rules ng BHDS ay bawal magturo ang kahit sinong trainor sa labas without the permission of the president."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Dahil lumabag sa rule si J-Hope, he was suspended to teach in BHDS for a month and he was trapped in their training room alone. He was not allowed to see you nor to teach you and that is just the punishment of his Manager only dahil hindi pa alam nang president na lumabag siya and when the president knows that this was happened maybe mas malala pa dun ang magiging punishment niya and not only him, it will affect also his other members."

Naalala ko naman yung one month na hindi siya nagpakita sa akin. He said magiging busy siya sa pagtuturo but actually he was suspended and banned to teach me. Kaya rin ba madalang na lang siyang pumunta nang studio at hindi na niya nirereplayan ang mga messages ko. Kaya ba umiiwas na siyang makita ako?

"Number 36 get ready, ikaw na susunod," sabi naman sa akin nang coordinator.

"I just told you the truth para makilala mo na siya. Goodluck sa performance mo," sabi niya at umalis na.

"Next number 36, Necyval "Neva" Puerto."

Nang matawag ang pangalan ko ay umakyat na ako nang stage. Pinilit kong ngumiti at agad tiningnan si J-Hope. Ikaw ba talaga si J?

(J-Hope's POV)

Nang tawagin ang pangalan niya ay medyo kinabahan ako. Makikilala niya kaya ako? Sinuot ko yung cap na lagi kong ginagamit tuwing nagkikita kami. Sana maging hint to sa kanya. Nang nasa stage na siya ay ngumiti siya at tumingin sa akin. Nakita ko sa mukha niya na hindi siya ok. Anong nangyari Necy? Tumunog na ang kantang sasayawin niya at nagsimula na din siya. Napangiti ako nang makitang sumasayaw na siya. Nagpalakpakan naman ang lahat.  Magaling na nga siyang sumayaw ngayon.

"Go Val," rinig ko namang sigaw ni Daiki.

"Hyung, ang galing ni Necyval sumayaw ah," rinig kong bulong sa akin ni Jimin.

"She is good," sabi naman naman sa akin ni President Kim. Napangiti naman ako sa mga compliments nila para kay Necy. Nang malapit nang matapos ang kanta at nagulat na lang ako nang makitang huminto siya sa pagsasayaw. Tumingin siya sa akin at nakita kong umiiyak siya. Bigla naman siyang umalis nang stage.

"Anong nangyari? Bakit siya umalis? Di pa tapos ang music niya ah?," rinig kong tanong sa paligid. Anong problema Necy? Bakit ka umalis?

(Necyval's POV)

Umiiyak pa din ako habang kinukuha ang gamit ko sa backstage. Mabilis akong naglakad paalis.

"Val, saglit lang!," rinig kong sigaw ni Daiki pero hindi ako tumigil sa paglalakad at mas binilisan ko pa hanggang maabutan niya ako.

"Val, anong problema," agad niyang tanong at pinaharap ako sa kanya.

"Bakit ka umiiyak? Ano bang nangyari?"

"Please let go of me Daiki," sabi ko lang sa kanya at pilit tinatanggal ang pagkakahawak niya sa akin.

"Sabihin mo sa akin kung anong problema. Bakit ka ba umiiyak?"

"Sabihin mo sa akin Daiki, kailan mo balak sabihin sa akin na si J at J-Hope ay iisa?"

Nakita ko naman sa kanya ang pagkagulat.

"Alam mo na?"

"Oo alam ko na. Bakit kailangan ko pang malaman mula sa iba Daiki? Bakit di mo agad sinabi sa akin? Akala ko ba magbestfriends tayo, walang lihiman pero bakit mo to tinago sa akin?"

"Hindi ko intensyong ilihim sayo to. Gusto ni J-Hope na siya mismo magsabi sayo."

"Ginawa niya akong tanga Daiki. Ginawa niyo akong tanga. All those times wala akong alam na pinaglalaruan niyo lang pala ako."

"Hindi totoo yan Val. Alam mong hindi totoo yan. Kailanman hindi ko gustong lokohin ka. Hindi ko yun magagawa sayo dahil mahal kita Val."

Nagulat ako sa sinabi niya. Nararamdaman ko na dati pa na may gusto si Daiki sa akin pero nagulat pa rin ako sa pagtatapat niya.

"Mahal kita Val matagal na kaya sorry kung naglihim ako sayo. Patawarin mo ko," pagmamakaawa niya sa akin.

"Matagal ko nang alam na higit pa sa kaibigan ang turing mo sa akin Daiki pero hindi ko kayang suklian ang pagmamahal mo at sorry din kung hindi ko pa kayang magpatawad ngayon. Hayaan mo muna ako," sagot ko lang habang tinatanggal ang kamay niyang nakahawak sa akin at mabilis na umalis.

Book 5: Can I Have This DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon