Episode 17: Awkward Moment

4 0 0
                                    


(Necyval's POV)

Nandito na ako ngayon sa location nang event. Ang dami pala naming kasali. Kinakabahan ako sobra. Parang sasabog ang dibdib ko. Kaya ko ba talaga to? Tumunog naman ang phone ko.

"Kumusta Val? Nagsisimula na ba? Ongoing pa ang performance namin pero pagkatapos nito, magpapaalam ako para makapunta jan. Wag kang kabahan ok. Kaya mo yan," basa ko naman sa text ni Daiki.

"Thanks bestftiend. Goodluck din sa yo," reply ko naman sa kanya.
Napatingin naman ako sa phone ko at hinihintay na magtext siya pero hanggang ngayon wala pa. Kaya mo to Necyval. Hindi ito ang first time mo kaya wag kang masyadong kabahan.

"Next. Number 15 Daisy Mitso," announce nang mc. Tatlong contestants na lang at ako na ang susunod.

"Unnie," rinig ko namang tawag sa akin kaya napalingon ako at nakita si Phoeve.

"Unnie, malapit ka na ba? Ikaw na ba ang susunod?," agad niyang tanong.

"Hindi pa. Three more to go pa bago ako," sagot ko naman sa kanya.

"Kaya mo yan unnie. Doon lang kami sa harap pupuwesto para makita mo kami ni mama. Fighting!," sabi niya at niyakap ako bago umalis. Napatingin ulit ako sa phone ko. Wala pa rin siyang text. Pumikit na lang ako at nagdasal saka inalala ang mga steps habang hinihintay na tawagin ako.

"Number 18, ikaw na next. Punta ka na sa backstage," sabi sa akin nang organizer kaya nagtungo na ako sa backstage. Nagdasal naman ulit ako.

"Next. Number 18 Necyval Puerto a.k.a Neva," tawag sa akin nang MC at aakyat na sana ako nang tumunog ang phone ko. Mabilis ko namang binasa ang text.

"Kaya mo yan Necy. I believe in you," basa ko sa text na galing kay J at bigla na lang akong napangiti habang iniabot sa organizer ang phone at umakyat nang stage. Narinig at nakita ko naman sina mama at Phoeve na nagchecheer sa akin. Nagsimula na ang music ko at nagsimula na din akong sumayaw. Nakangiti lang ako habang sumasayaw hanggang sa malapit na akong matapos at mas napangiti ako nang makita ko siya mula sa likod. Siya pa din si J na nakamask at nakacap. Nagbow ako nang matapos at nakita ko din siyang pumalakpak para sa akin.

(J-Hope's POV)

Ngayon na pala ang contest ni Necy. Sigurado akong kinakabahan siya ngayon.

"J-Hope, magsisimula na tayo," sabi naman sa akin ni Manager kaya sumunod na ako sa kanya sa performance hall.

"Lets start trainees," announce naman ng MC.

Nagsimula namang nagperform ang mga trainees. Habang nanunuod sa kanila ay panay din ang tingin ko sa oras. Nagsimula na kaya? Sumayaw na ba siya? Nanalo ba siya?

"Hyung," tawag naman sa akin ni Jimin kaya napabalik ako sa sarili.

"Huh?," gulat ko namang tanong.

"Tapos na sila. Ano daw masasabi mo sa performance nila," sabi naman ni Jimin kaya napaayos ako nang upo at kunwari may tinitingnan sa papel ko kahit wala naman akong naisulat. Hindi ko rin masyadong napanuod nang maayos ang performance nila.

"Your performance is good. Yeah its good, " sabi ko at binitawan na ang mic.

"Thank you Group A," sabi naman nang MC.

"Hyung may problema ba? Bakit parang kanina ka pa di mapakali at mukhang di mo ata napanuod nang maayos ang performance nang Group A. Ok ka lang ba?," alalang tanong naman sa akin ni Jimin.

"Oo naman. I am fine."

"Group B proceed to the stage," announce naman nang MC.
Nagsimula naman silang sumayaw. Nanuod ako pero agad ding napatingin sa relo ko. Tiyak kong nagsisimula na sila. Paano kung wala siyang kasama? Paano kung walang sumuporta sa kanya? Paano kung magback out siya? Ang dami nang tanong sa isip ko. Hindi na din ako nakapagconcentrate sa performance na pinapanuod ko.

Book 5: Can I Have This DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon