Episode 10: Text

5 0 0
                                    


(Necyval's POV)

Palabas na sana ako nang bigla siyang pumasok. Hinihingal siya at agad napatingin sa akin. Nagulat naman ako nang biglang tumulo ang luha ko kaya agad akong tumalikod at pinunasan ito.

"Bakit nandito ka pa? Sana umuwi ka na lang," sabi niya kaya lumingon na din ako sa kanya.

"Pauwi na ako. Bakit ka pa nagpunta dito?," sagot ko lang at lumabas na. Sumunod naman siya sa akin. Nilock ko naman ang studio at naglakad na palabas.

"Sige, alis na ako," paalam ko nang di tumitingin sa kanya at aalis na sana nang magsalita siya.

"Kumain ka na ba?," tanong niya kaya napahinto ako.

"Ok lang ako," sagot ko lang at aalis na talaga nang hawakan niya ang braso ko at pinigilan ako. Napatingin naman ako sa kanya. Nagulat na lang ako nang hinila niya ako at nakarating kami sa isang maliit na food stall malapit sa studio. Pinaupo niya ako at nagpunta siya sa babaeng nasa cashier at nag order. Bumalik siya sa mesa namin at umupo din. Hindi kami nag imikan hanggang dumating ang pagkain.

"Kumain ka na," sabi niya sa akin kaya napatingin ako sa kanya.

"Hindi ka ba kakain?," tanong ko naman sa kanya.

"Hindi. Busog ako. Sige na kumain ka na," sagot lang niya. Nahiya mang kumain mag isa ay kumain pa din ako. Gutom na talaga ako pero nagdahan dahan lang ako para di niya mahalatang gutom na talaga ako kakahintay sa kanya.

(J-Hope's POV)

Napahawak naman ako sa tiyan ko nang medyo kumalam ito. Steady ka lang jan. Kakain din tayo mamaya. Napangiti naman ako nang makitang ang gana niyang kumain. Bigla namang kumalam ulit ang tiyan ko kaya kumuha lang ako nang tubig at tumalikod pa sa kanya bago uminom.

"Ok ka lang ba?," tanong naman niya sa akin nang makaharap.

"Oo naman," pagsisinungaling ko naman.

"Sabayan mo na lang akong kumain. Madami din naman kasi tong inorder mo. Di ko naman to mauubos mag isa," sabi naman niya. Gustuhin ko mang kumain, di pwede. Ayokong makilala niya ako. Kaya ko pa namang tiisin to kung bibilisan mo lang ang pagkain jan.

"Don't worry. I am ok."

Makalipas ang 15 years, natapos na din siyang kumain. Ah 15 minutes pala. Nakipaglaban pa siya sa akin sa pagbabayad pero mabilis kong binigay sa cashier ang card ko. Lumabas na kami at naglakad pabalik nang studio.

"Thank you sa pagkain. Sige alis na ako," sabi naman niya at tumalikod na.

"Saglit lang," sabi ko at nilabas ang phone ko. Inabot ko naman ito sa kanya at napatingin naman siya sa akin na nagtataka.

"Put your number here para matext kita if ever di ako makakapunta para di ka maghintay nang matagal."

(Necyval's POV)

Nagulat naman ako nang iabot niya sa akin ang phone niya. Para saan yan? Tiningnan ko naman siya na may pagtataka.

"Put your number here para matext kita if ever di ako makakapunta para di ka maghintay nang matagal," agad niyang sabi nang mabasa ang mukha ko at hinintay na kunin ko ang phone niya. Kinuha ko na lang ito at tinype na ang number ko at binalik sa kanya. Tumunog naman ang phone ko at nang kunin ko ay tumigil na rin ito sa pagring.

"Number ko yan. Sige alis na ako. See you tomorrow at 5," sabi lang niya at naglakad na paalis. Naiwan naman ako habang tinitingnan siya. Napatingin naman ako sa phone ko. 1 missed call from *******. Napatingin ulit ako sa kanya at tumalikod na rin. Habang naglalakad pauwi ay tinitingnan ko pa din ang number niya. Hindi ko pa nasisave. Nag iisip naman ako nang pangalan niya at tinype ko na nga at sinave. Nang makarating nang bahay ay diretso agad ako sa kwarto at nagbihis nang pantulog. Sinayaw ko muna yung tinuro niya bago ako nahiga. Parang ginawa ko na siyang strerching bago matulog. Bigla namang tumunog ang phone ko at tiningnan ang nagtext.

"Nakauwi ka na ba?," text ni Daiki at nireplayan ko naman siya. Tumunog naman ulit ang phone at binasa ko.

"Ok good. Visit me on thursday ok. I miss you Val. Goodnight," basa ko sa text niya. Naku kung di ko lang to bestfriend si Daiki, kikiligin na ako.

"Ok po. Miss you too and goodnight bestfriend," reply ko naman sa kanya at nilapag na sa side table ko ang phone.

Nahiga na ako at pinatay na ang lampshade ko nang biglang tumunog ulit ang phone ko. Daiki naman, magpatulog ka naman. Pagod ako at inaantok na ako. Kinuha ko naman ang phone at tiningnan ang nagtext. Napabangon na lang ako nang makita ang pangalan niya. 1 message from J😷.

"I am sorry kung pinaghintay kita. Goodnight Necy," basa ko sa text niya. Di ko alam pero bigla akong napangiti.

Book 5: Can I Have This DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon