(Necyval's POV)5AM...
Unti-unti akong napadilat at naramdamang may basang tela sa noo ko kaya hinawakan ko ito. Nakita ko namang may jacket na nakakumot sa akin. Tiningnan ko naman ang isang jacket. Kanino to? Dahan dahan naman akong bumangon at nakita ang gamot at tubig ko sa sahig. Lumingon naman ako sa likod ko at nakita siyang nakasandal habang natutulog.
"J?," nasambit ko lang nang mahina.
Naalala ko naman ang nangyari. Uuwi na sana ako after namin mag usap ni Daiki pero may inaayos pala ako kaya tinapos ko muna. Nang aalis na sana ako ay biglang dumilim ang paningin ko at natumba na lang ako. Di ko na maalala ang mga sumunod na nangyari. Siya pala ang tumulong sa akin kagabi pero paano niya nalaman na nandito ako?
Tumayo naman ako at kinuha ang jacket niya saka dahan dahang nilapitan siya. Kinumot ko naman sa kanya ang jacket. Umupo ako sa harap niya at pinagmasdan siya. Hanggang ngayon nakamask pa din siya at natatakpan din nang buhok niya ang mga mata niya."Ayaw mo ba talagang makita ko ang mukha mo?," tanong ko sa mahinang boses.
Dahan dahan ko namang nilapit ang kamay ko sa buhok niya para hawiin ito nang bigla siyang dumilat kaya nagtama ang mga mata namin. Di naman agad ako nakakilos at tumitig lang sa kanya. Hinawakan naman niya ang kamay ko at binaba saka nilapit ang isa pang kamay niya sa pisngi ko at hinawakan ito. Nilipat naman niya ang kamay niya sa noo ko.
"Mabuti naman bumaba na ang lagnat mo," sabi niya at kahit nakamask siya ay alam kong nakangiti siya. Binitawan naman niya ang kamay ko at tumayo saka sinuot ang jacket niya.
"Saan ka pupunta?," agad kong tanong sa kanya.
"Kailangan ko nang umalis."
Mabilis ko namang hinawakan ang jacket niya para pigilan siya."Hindi ka ba pwedeng magstay muna. Ahmm maaga pa naman saka matagal tagal din tayong di nagkita," nasabi ko lang at lumingon siya sa akin.
Magkatabi kami ngayon habang nakasandal sa pader pero 1 meter ang layo namin sa isat isa.
"Kumusta?," basag ko naman sa katahimikan.
"Ok lang. Ikaw?," sagot at tanong naman niya nang di nakatingin sa akin.
"Ok lang din. Lagi akong nagpapraktis everyday. Memorize ko na nga ang steps nang GoGo eh," nakangiti ko namang sabi sa kanya.
"Talaga? Mabuti naman pala at kaya mo na ngayon na matuto nang walang nagtuturo sayo," sabi naman niya kaya napatingin ako sa kanya.
"Siguro nga pero iba pa rin kung may magtuturo sa akin lalo na kung ikaw yun," sagot ko naman kaya napatingin din siya sa akin.
"Syempre, ikaw ang best trainor nang BHDS eh," agad ko namang sabi at tumawa pa. Napansin ko namang tumawa din siya.
"Thank you nga pala sa pag alaga sa akin kagabi. Pero paano mo nga pala nalaman na nandito ako?," tanong ko naman sa kanya.
"Narinig ko kay Daiki habang kausap ka niya kagabi sa phone. Nalaman ko din na may sakit ka. Napadaan lang talaga ako pero nakita kong hindi nakalock kaya alam kong nasa loob ka pa. Bakit ka pa nagpunta dito kung may sakit ka pala? Sana nagpahinga ka na lang sa bahay niyo."
"May inaayos lang ako saka nagpapraktis ako para sa audition nang BHDS three weeks from now," sagot ko na lang.
"Sasali ka don?," takang tanong naman niya.
"Oo. Bakit?"
"Wala lang. Magpraktis ka lang kapag ok ka na. Wag mong pagurin ang sarili mo," sagot lang niya.
"Teka J, isa ka din ba sa magiging judge sa audition day?," tanong ko naman sa kanya.
"Oo."
"Talaga? Wow. So it means makikita ko na yung buong mukha mo?," excited ko namang tanong kaya napatingin siya sa akin.
"Oo."
"Wow. Mas lalo tuloy akong naexcite," sabi ko at sumayaw sayaw pa.
"Wag ka muna masyadong gumalaw galaw. Kakagaling mo lang," sabi naman niya.
"Wag ka mag alala. Magaling na ako. Di ka lang pala best trainor eh, the best nurse ka din," sabi ko sa kanya at nagthumbs up pa. Natawa naman siya.
"Kailangan ko nang umalis," bigla naman niyang sabi nang tingnan ang relo niya saka tumayo.
"Umuwi ka na din para mas makapagpahinga ka," sabi niya at sinuot ang bag niya.
"Sabay na tayong lumabas. Ililigpit ko lang to," sagot ko naman at mabilis na niligpit ang comforter. Nagulat na lang ako nang kunin niya sa akin at binalik sa stock room. Nilagay ko naman sa bag ko ang gamot at tubig ko. Sabay kaming lumabas at pumara siya nang taxi. Binuksan niya ang pinto at pinasakay ako. Tumabi naman siya sa akin at sinabi ang address ko sa driver. Tahimik lang kami sa byahe at dahil malapit lang yung bahay namin ay agad din kaming nakarating. Bumaba naman agad ako.
"Thank you sa paghatid at sa pag alaga sa akin. Ingat ka pauwi J."
(J-Hope's POV)
"You're welcome. Pumasok ka na," sagot ko naman.
"Alis na po tayo manong," sabi ko naman sa driver.
Napasandal ako sa headrest nang paalis na kami.
"Iho mukhang hinahabol ata tayo nung kasama mo," bigla namang sabi ni manong kaya napatingin ako sa likod at nakitang tumatakbo nga si Necy. Pinahinto ko naman siya at lumabas saka patakbong sinalubong si Necy.
"Bakit ka ba tumatakbo? Hindi ka pa totally magaling ah," pagalit kong sabi sa kanya nang mag abot kami. Hinihingal naman siya pero agad tumayo nang maayos.
"May dalawang tanong lang ako sa yo," sabi naman niya.
"Tanong? Ano yun?"
"Una, nagpalit ka ba nang number?" Nagulat man sa tanong niya ay sinagot ko pa din siya.
"Oo."
"Kaya pala hindi ka na nagrereply sa mga text ko at di na kita matawagan."
"Sorry about that. Ano pala yung 2nd question mo?"
"Pwede ko bang hingin ang bago mong number?," agad niyang sabi kaya nagulat ako.
Nang makabalik sa taxi ay nagpahatid na ako sa dorm. Tumunog naman nang dalawang beses ang phone ko.
"Thank you ulit J. Ingat ka. / Ah si Necy nga pala ito."
Napangiti naman ako nang mabasa ang text niya. Alam kong ikaw si Necy. Nakasave pa rin ang number mo sa akin kahit nagpalit na ako nang bago.
"Girlfriend mo ba yung hinatid natin iho?," bigla namang tanong sa akin ni manong. Teka parang pangalawang beses ko na tong narinig ah. Bigla ko namang naalala ang sinagot ko sa unang nagtanong sa akin.
("Ah hindi po. Kaibigan ko lang po siya.")
"Ah hindi po, magiging girlfriend pa lang po," sagot ko naman sa pangalawang nagtanong sa akin.
BINABASA MO ANG
Book 5: Can I Have This Dance
FanfictionPlot: J-Hope witness a girl who loves to dance yet dancing doesn't loves her but because of her determination and eagerness to pursue what she loves, J-Hope decided to train her without telling her who he really is. What will be their journey togeth...