Episode 15: Taking Her Home

8 0 0
                                    


(Necyval's POV)

Maaga akong nagising para tulungan si mama sa mga gawaing bahay. Nagwawalis ako nang tumunog ang phone ko. Binasa ko naman ang text mula kay J.

"Pwede ba tayong magpraktis ngayong 1pm?," tanong niya.

"Hmmm bakit kaya ang aga?," naitanong ko na lang sa sarili ko.

"Ok. Sa studio na lang tayo magmeet."

Binilisan ko naman ang paglilinis at nagpaalam kay mama na aalis ako. Matapos kumain ay naghanda na ako nang sarili at umalis na. Habang naglalakad papuntang studio ay may napapansin akong mga flyers na nakadikit sa mga poste kaya nilapalitan ko ito at binasa.

"Dance contest?," sambit ko naman at kinuha ang isang flyer.

"Wow. Gusto kong sumali dito."
Excited naman akong tumakbo papuntang studio. Binuksan ko ito at pumasok.

"Parating na ako," basa ko sa bagong dating na text. Makalipas nga ang limang minuto ay dumating na siya. Hanggang ngayon di ko pa din nakikita ang mukha niya. Di ko ba talaga pwedeng makita? Siguro naman hindi siya nagmamask pag nasa BHDS siya di ba?

"Lets start," agad niyang sabi nang mailapag niya ang bag niya. Tumango naman ako bilang sagot. Pinagpatuloy niya ang pagtuturo sa akin sa steps nang GoGo. Strict pa din siya sa pagtuturo. Pag nagkakamali ako ay balik sa simula. Trainor nga talaga siya.

"Ok break muna," sabi naman niya kaya kinuha ko sa bag ang tubig ko.

"Ano yan?," bigla niyang tanong at nakatingin sa flyer na nasa tabi nang bag ko.

"Ah nakita ko lang sa labas. Dance contest  siya next saturday," sagot ko naman.

"Ah ok," sabi naman niya at uminom nang tubig habang nakatalikod sa akin.

"Ahm J pwede mo ba akong turuan nang pwede kong isayaw sa contest na to?," naitanong ko naman sa kanya kaya napalingon siya sa akin. Nakita ko namang kumunot ang noo niya.

"I know na hindi ako mananalo yet I want to try it. Gusto kong malaman kung may improvement ba ang pagsasayaw ko through this contest. Kung may pag asa na ba akong makapasok sa BHDS."

Nawala naman ang pagkakunot nang noo niya at tinalikuran ako. Napayuko naman ako. I think hindi siya papayag.

"Ano pang hinihintay mo jan? Akala ko ba gusto mong sumali? Magpapraktis ba tayo o hindi?," bigla naman niyang sabi kaya napaangat ako nang ulo at tumingin sa kanya. Talagang tuturuan niya ako? Mabilis naman akong lumapit sa kanya.

"Alam mo ba yung The Light ng The Ark?," tanong niya sa akin. Napaisip naman ako.

"Hmmm hindi ko alam. May mga alam akong tugtog pero di ko alam ang title."

Kinuha naman niya ang phone niya at nagsearch ata. May pinatugtog naman siya at bigla akong napalakpak.

"Ah oo alam ko yang kantang yan pero mukhang mahirap ata ang steps niyan?," sabi ko naman sa kanya.

"Walang mahirap kung kakayanin at susubukan mo. Ano gusto mo ba o hindi?," sagot naman niya.

"Ok. I will try."

Namangha naman ako sa kanya dahil isang beses lang niyang tiningnan ang video at ipapause ito pagkatapos ay ituturo sa akin ang steps. Napakafast learner niya at ang nakakatuwa pa, girl group dance ito.

"You need to practice more. I will send you the video and learned from it, ok?"

"Ok. Thank you nga pala sa pagtuturo sa akin. I promise na gagalingan ko and magpapraktis ako nang mabuti."

Habang nagliligpit kami nang gamit ay napapasulyap ako sa kanya. Di niya ba talaga huhubarin ang mask niya? Halata na kasing pawis na siya eh.

"Bakit mo ko tinitingnan?," tanong niya nang di nakatingin sa akin.

"Huh? Ah eh ano kasi. Pawis ka na kasi, bakit di mo tanggalin yung mask mo," nasabi ko na lang.

"Hindi na. Uuwi na din naman tayo," sagot lang niya at naglakad na palabas. Inoff ko naman ang ilaw at lumabas na din. Nilock ko ang studio at sinundan siya palabas. Nakapara naman agad siya nang taxi.

"Mauna na ako. Ingat ka pauwi," sabi lang niya at sumakay na nang taxi.

"Sige. Thank you. Ingat ka din," sagot ko naman at naglakad na. Konting steps ko pa lang ay nagulat ako nang huminto yung taxi niya sa tabi ko.

"Sumakay ka na. Ihahatid na lang kita."

"Huh? Wag na maglalakad na lang ako. 10 minutes lang naman ang walking distance nang bahay ko mula dito."

"Gabi na at mag isa ka lang. Sige na, sumakay ka na," sabi niya at binuksan ang pinto at umurong siya sa right side. Wala na rin naman akong nagawa kaya sumakay na din ako.

"Sige J. Thank you sa paghatid. Ingat ka," sabi ko nang makababa sa harap nang bahay namin.

"Ok. See you."

(J-Hope's POV)

Nagpadiretso na ako sa dorm nang makababa si Necy. Tinanggal ko naman ang mask ko at pinunasan ang mukha ko. Hooo nakahinga din.

"Girlfriend mo ba yung hinatid natin iho?," bigla namang tanong sa akin ni manong driver.

"Po? Ah hindi po. Kaibigan ko lang po siya."

"Ah akala ko girlfriend mo."

Bigla naman akong nahiya sa sinabi ni Manong kaya napatingin na lang ako sa labas. Bigla naman akong napangiti. Girlfriend? Hmmmm sounds good.😀

Book 5: Can I Have This DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon