(J-Hope's POV)"Get ready by 10 am guys. Pupunta tayo nang BHDS to welcome our new selected trainees."
"Talaga hyung? May mga bago na naman tayong trainees," excited namang sabi ni Jimin.
"Ah hyung may pupuntahan lang ako. Dederetso na lang ako dun," paalam ko naman at lumabas na agad nang pinto.
Nagsuot naman ako nang mask at nagcap habang naglalakad palabas nang village nang biglang may umakbay sa kin kaya napalingon ako.
"Yoon? San ka pupunta?," agad ko namang tanong nang makilala siya. Nagmask at nagcap din kasi siya gaya ko.
"San pa ba ako pupunta eh di sa girlfriend ko," sagot naman niya. Tama, madadaanan nga pala ang university kung saan nag aaral si Marj.
"Eh ikaw san ka pupunta at mukhang nagmamadali ka?," tanong din niya.
"May bibilhin lang ako."
"Bibilhin? Hmmm di kaya may -."
"Wala pa. Mahuhuli nga ata akong magkagirlfriend sa aming tatlong natitira eh," sabi ko naman at tumawa pa.
"Malay mo makikita mo na siya mamaya," sabi naman niya.
"Sana.""Ok. Dito na ako. Ingat ka. See you sa BHDS later," paalam naman niya sa akin nang nasa gate na kami ng university at agad na siyang pumasok. Nagpatuloy na lang din ako sa paglalakad.
(Necyval's POV)
Nag e-fb ako nang biglang magnotify sa akin galing sa page na nilike ko na bibisita daw ang BTS sa mga trainees nang BHDS. So maibibigay na nga ni Daiki yung regalo ko para kay Jimin at sa sobrang excited ko ay tinawagan ko si Daiki.
"Hello Val. I miss you," agad na sabi sa akin ni Daiki nang masagot ang tawag ko.
"Pupunta daw ang BTS ngayon jan sa inyo? Bibisita sila?," agad ko namang tanong sa kanya.
"Huh? Yata," sagot lang niya kaya napatili ako.
"Ibigay mo yung gift ko kay Jimin ha. Wag mong kakalimutan."
"Ah Val sorry, mukhang nakalimutan ko atang dalhin." Bigla naman akong napasigaw.
"Ano?! Bakit mo iniwan? San mo iniwan?," tuloy-tuloy ko namang tanong.
"Sa mesa ng kwarto ko. Nakalimutan kong ipasok sa bag ko."
"Daiki naman eh," sabi ko at medyo naiiyak na.
"Sorry Val. Sorry talaga pero sasabihin ko pa din kay Jimin na number 1 fan ka niya, promise."
"Ok lang Daiki. Sige ingat ka jan. Bye," malungkot ko namang sabi at inend call na. Hay bakit ba ang malas malas ko? Nagsisipa sipa na lang ako. Nakakainis. Dapat may gawin ako. Agad naman akong nagpunta sa bahay nila Daiki at kinuha gift ko sa kwarto niya. Nag ayos naman ako nang sarili ko nang makabalik sa kwarto ko. Kung ayaw nang universe na matanggap mo ang regalo ko, ako mismo ang magdadala sayo nito Jimin. Wait for me cause I am going to you.
BHDS building...
"Excuse me miss, san po kayo pupunta?," tanong sa akin nang guard.
"Ahm pupuntahan ko lang po yung kapatid ko. Trainee po siya sa BHDS," pagsisinungaling ko naman.
"Bawal po kasing bumisita sa kanila miss kung di kayo nakaschedule."
"Pero chief may allergy kasi yung kapatid ko. Allergy siya sa manok. Nakalimutan niya kasing dalhin yung gamot niya eh baka makakain siya," sabi ko naman at nagkunwaring nag aalala nang husto.
"Ah sige po. Mag iwan na lang po kayo nang I.D."
"Salamat po. Eto po," sabi ko naman at binigay sa kanya ang I.D ko.
"Eh chief, sang floor po ba yung BHDS?"
"Sa 15th floor po."
"Ah thank you."
Agad naman akong nagtungo sa elevator at nang makitang magsasara na ang door ay agad kong pinigilan. Bumukas naman ulit ito at nakita ko ang isang lalaki sa loob. Nagkatitigan naman kami.
"Sasakay ka ba?," tanong naman niya kaya agad akong pumasok.
"Sorry," sagot ko at pipindutin sana ang floor na bababaan ko pero nakapindot na ito. Hmm dun din pala siya pupunta. Napatingin naman ako sa kanya. Nakamask siya na halos tumakip na sa buong mukha niya. Mata niya lang ang makikita mo at nakacap pa siya. Bumukas naman ang pinto at lumabas agad siya. Napatingin naman ako sa floor. Dito na pala kaya agad din akong lumabas. Nakita ko naman siya na pumasok sa entrance nang BHDS. Baka trainee din siya. Nag ayos naman ako nang sarili ko bago ako pumasok nang BHDS. Ang laki pala nang studio nila. Nakita ko naman ang rehearsal studio nila at dahil salamin lang ito ay kita silang lahat sa loob. Agad ko namang nakita si Jimin kaya nagsisigaw ako sa saya.
(J-Hope's POV)
Agad akong lumabas nang elevator at mabilis na pumasok nang BHDS. Patay ako nito. Late na ako. Agad akong pumasok sa rehearsal studio kung nasaan silang lahat.
"Hyung," agad na tawag sa akin ni V.
"Nandito na pala si J-Hope," sabi naman ni manager at naghiyawan ang lahat. Habang tinatanggal ko ang mask at jacket ko ay nakarinig kami nang ingay mula sa labas at nakita namin ang isang babae na nagsisigaw.
"Sorry po. Kaibigan ko po siya. Ako na pong bahala. Sorry po talaga," sabi naman nung isang traineeng lalaki at agad lumabas. Nakita ko namang pinipilit niyang hilain yung babae palabas. Teka siya yung babaeng kasabay ko sa elevator kanina ah.
BINABASA MO ANG
Book 5: Can I Have This Dance
FanficPlot: J-Hope witness a girl who loves to dance yet dancing doesn't loves her but because of her determination and eagerness to pursue what she loves, J-Hope decided to train her without telling her who he really is. What will be their journey togeth...