Episode 23: Problem

3 0 0
                                    


(J-Hope's POV)

Sabay kaming tatlo na umalis nang studio at hinatid din namin si Necy sa bahay nila. Tinext ko na din si Leader na matatagalan ako sa pag uwi.

"Gusto mo bang uminom muna tayo Daiki?," tanong ko naman sa kanya nang kami na lang dalawa.

"Sure," sagot naman niya kaya nagpunta kami sa malapit na kainan. Umorder kami ng soju at pagkain.

"Nagtataka lang ako J-Hope, paano mo nakilala si Val?," tanong naman sa akin ni Daiki.

"I first saw her last audition yet hindi siya nakapasok and I saw her again sa BHDS when she was screaming outside our training room. The third time I saw her, umiiyak siya dahil nilalait nang iba ang pagsasayaw niya. That time naawa ako sa kanya and I discovered myself following her hanggang sa studio and there I found out that she really loves to dance and she want to pursue what she loves even if sometimes it is the reason why she is in pain so I stood up and told her na tuturuan ko siya without telling her who I really am."

"Pero alam mo namang pinagbabawal yung ginawa mong pagtuturo sa kanya J-Hope, bakit mo pa rin tinuloy?"

"I know pero that time all I want is to teach her. To help her improve herself and there it goes, slowly, shes improving."

"Tiyak kong magagalit si Val pag nalaman niya ang nangyari sayong suspension because of her."

"Alam ko and gusto ko makapasok muna siya sa BHDS bago niya malaman ang nangyari sa akin," sabi ko naman at uminom.

"Ipagpapaalam kita kay Manager na within this week, you're free to go out. Puntahan mo siya everynight. Sabayan mo siya sa pagpapractice para di siya kabahan sa audition. She really needs you and just told her na magiging busy ako hanggang audition day para hindi na siya macurious about sa akin. Help her to achieve her dream Daiki," sabi ko naman sa kanya.

"Of course. Gusto kong matupad niya ang pangarap niya, pangarap namin na sumayaw together habang nakikita nang lahat ang performance namin."

"You really like her a lot," nasabi ko na lang.

"Oo. Matagal na di lang niya napapansin pero sasabihin ko din sa kanya pagnakapasok na siya."

"I am sure makakapasok siya. She is Neva after all, Neva give up, Neva retreat," nasabi ko na lang.

"Sinabi mo pa," sang ayon naman niya at nagtoss kami.

(Necyval's POV)

Nagtaka naman ako dahil araw araw akong pinupuntahan ni Daiki sa studio. Ayaw naman niyang sabihin sa akin kung bakit. Three days na lang din at audition day na. Kinakabahan na din ako pero ayun kay Daiki, nakuha ko na daw ang lahat nang steps at nasasabayan ko na daw nang maayos ang tugtog. About naman kay J, hindi ko na siya nakita o nakausap man lang since nung araw na yun. Hindi na rin siya nagtetext. Sobrang busy niya ba talaga para hindi man lang ako kumustahin? May kumatok naman sa pinto at dahil siya ang iniisip ko ay akala ko siya din ang dumating kaya excited kong binuksan ang pinto.

"Hi Necy," nakangiti niyang bati sa akin kaya napangiti din ako. Dumating nga siya.

"Val? Hoy anong nangyari sayo?," nagising naman ako sa imagination ko nang may pumitik ng daliri malapit sa mukha ko. Awtomatiko namang nawala ang ngiti ko at napalitan nang lungkot nang makitang hindi pala siya ang nasa harap ko.

"May inaasahan ka bang dumating Val at nanghinayang kang ako ang nakita mo at hindi ang inaasahan mo?," bigla namang tanong ni Daiki kaya mabilis akong nagpalusot.

"Wala no. Sino namang inaasahan kong dumating dito maliban sayo," sagot ko naman at umalis sa harap niya.

"Kumain ka na ba?," tanong ko naman sa kanya para maiwasan ang topic na yun.

"Oo tapos na, eh ikaw?"

"Tapos na din. Bumili kasi ako nang extra in case hindi ka pa kumakain."

"Nga pala Daiki, bakit araw araw ka nang pumupunta dito? Ang akala ko ba once a week ka lang nagkakaroon nang free day?"

"Free day ko for one week. Pinayagan na ako and malapit na yung audition day kaya dapat nandito ako para suportahan ka."

"Nga pala Daiki, busy ba talaga si J sa BHDS?," naitanong ko naman sa kanya.

"Huh? Ah oo naghahanda din kasi sila."

"Talaga? Siguro nga busy siya," nasabi ko na lang.

(J-Hope's POV)

"Hyung may envelope ka nga pala jan. May nagdeliver kanina," sabi naman sa akin ni Jimin. Nagtaka naman ako. Sino namang magpapadala sa akin? Tiningnan ko naman ang sender pero walang nakalagay. Kanino naman galing to? Kinuha ko ang laman nang mabuksan. Mga pictures ang nakita ko, picture naming tatlo habang nasa studio at habang naglalakad kami para ihatid si Necy. Sinong kumuha ng mga pictures na to? Nakaipit naman sa picture ang maliit na papel.

"Nagulat ka ba J-Hope? You better stop her to participate in the audition day or else malalaman niya at nang lahat ang ginawa mong paglabag sa rule ng BHDS," basa ko sa nakasulat.

This will really affect my group especially Manager but this is also the dream of Necy. What should I do?

Book 5: Can I Have This DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon