Episode 30: Love Will Lead You Back

4 0 0
                                    

(The Finale) Part 2

(Necyval's POV)

"Necy relax. You need to calm down," sabi ko naman sa sarili ko.

"Necy," tawag niya sa pangalan ko. Bigla na lang pumatak ang luha sa mga mata ko. Sobrang namiss ko ang boses niya. Pumunta naman siya sa harap ko at dahil ayaw kong makita niyang umiiyak ako ay tinalikuran ko siya pero agad niya akong pinigilan at muling hinarap sa kanya saka niya ako niyakap. Bigla namang nag unahan ang mga luha sa pisngi ko.

"Sobrang namiss kita Necy. Sobra sobra," sabi niya habang nakayakap sa akin nang mahigpit. Hindi naman ako sumagot at umiyak lang. Kung alam mo lang kung gaano din kita namiss J-Hope.

"Kumusta ka na?," tanong niya sa akin nang makaupo kami sa bench malapit sa pinagkainan namin.

"Ok lang. Ikaw kumusta ka?"

"Mas ok na ako ngayon," sagot naman niya saka tumingin sa akin.

"Sorry nga pala ulit sa mga nangyari," sabi naman niya.

"Its ok. Tapos na yun and matagal na kitang napatawad. Sa totoo nga lang ako ang dapat magsorry sayo dahil ako ang dahilan kung bakit hindi ka na nakapagturo."

"Don't blame yourself. Wala kang kasalanan. Parte yun nang parusa sa ginawa ko at tinanggap ko yun kaya wala kang kasalanan don," sagot naman niya.

"J, I mean J-Hope anong ibig sabihin nung sinabi mo sa loob?," tanong ko naman sa kanya.

"Alin dun? Yung babaeng mahal ko?," tanong naman niya at tumango ako saka yumuko.

"Isa lang naman ibig sabihin nun. Ang babaeng mahal ko ay ikaw," sagot naman niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Mahal mo ako?," tanong ko naman sa kanya.

"Nung una, nakikita ko lang ang sarili ko sa yo kaya tinuruan kita para makatulong ako pero mula nung malaman na nila at pinagbawalan na akong puntahan ka o turuan man lang doon ko ata naramdaman na hindi lang yun ang dahilan kung bakit gusto kitang turuan kundi gusto kong lagi kitang kasama, gusto kong laging nakikita ang mga ngiti mo, marinig ang tawa mo. Mas naconfirm ko pa na mahal na talaga kita nung nagkasakit ka dahil halos mabaliw ako sa pag aalala sayo. Matigas din kasi ang ulo mo," sabi niya at nagtawanan kami.
"Nung araw na nalaman mo ang pagsisinungaling ko natakot ako na baka tuluyan kang mawala sa akin, na baka bitawan mo ang pangarap mo nang dahil sa akin kaya natuwa na din ako at di na ako makakapagturo at least hindi mo ko makikita at hindi mo maalala ang ginawa ko."

"Sorry kung nagalit ako sayo. Nasaktan lang din ako at sinisi ko din ang sarili ko sa nangyari sayo. Kung hindi mo sana ako tinuruan hindi ka maaalis bilang trainor."

"Wag na nating pag usapan ang nakaraan Necy ang mahalaga ay bumalik na ako at natupad na ang pangarap mo," sabi naman niya at hinawakan ang kamay ko.

"Thank you J-Hope," nasabi ko naman sa kanya.

"Para saan?," tanong namab niya.

"Thank you dahil bumalik ka, dahil binalikan mo ko."

"Ako ang dapat magthank you sayo," sabi naman niya.

"Bakit?"

"Dahil hinintay mo ko. Akala ko nga wala na akong babalikan eh. Alam mo bang kahit ban akong umalis nang dorm ay tumatakas ako para puntahan ka everytime pinapalabas ka nang BHDS at makikita ko lang na lagi kayong magkasama ni Daiki. Inaakbayan ka pa niya. Gusto ko na nga kayong lapitan eh at baliin ang kamay nang BESTFRIEND mo."

Natawa naman ako dahil talagang nanggigil siya. Bigla ko na lang kinurot ang pisngi niya at napasigaw naman siya.

"Aray. Bakit mo naman kinurot ang pisngi ko?"

"Ang cute mo kasing magselos."

Lumayo naman siya nang konti sa akin at hinawakan ang pisnging kinurot ko. Masakit ba talaga yun? Lumingon lingon naman ako sa paligid at nang walang makitang tao ay agad kong hinalikan ang pisngi niyang kinurot ko. Mabilis naman akong umupo ulit at napatingin sa kanya. Tumingin din siya sa akin at pinandilatan ako nang mata kaya pinandilatan ko din siya.

"Bakit?" tanong ko naman.

"Kurutin mo din yung kabila kong pisngi," sabi naman niya kaya napatawa ako nang malakas. Bigla naman niyang nilagay ang kamay niya sa bewang ko at hinila ako palapit sa kanya.

"Kukurutin mo o ako kukurot sa pisngi mo?," tanong naman niya kaya hinawakan ko ang dalawang pisngi ko para di niya makurot pero bigla niyang nilapit ang mukha niya sa akin at hinalikan ako. Nanlaki naman ang mata ko sa ginawa niya.

"Nakaganti din," sabi naman niya kaya hinampas ko siya. Niyakap naman niya ako at niyakap ko din siya.

"I really miss you Necy and I really love you."

"Me too. I miss you soo much and I love you soo much."

"Necy," tawag naman niya sa akin.

"Hmmmm?"

"Gusto ko ulit nang kiss."

Nagulat naman ako sa sinabi niya kaya nahampas ko ulit siya.

"Sadista ka na ngayon ah. Sige na nga yakap na lang," sabi niya at niyakap ulit ako pero hinalikan niya din ako sa pisngi. Hinampas ko lang siya nang mahina.

(May epilogue pa...)

Book 5: Can I Have This DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon