(Necyval's POV)This is it. This is really is it. D-day na. Audition day na talaga. Sa park ng BHDS ang audition venue. Kinakabahan na talaga ako.
"Val," rinig ko namang tawag sa akin ni Daiki.
"Thank God nandito ka na. Sobrang kinakabahan na ako Daiki. Tingnan mo, nanginginig na ako sa kaba," sabi ko sa kanya at pinakita ang kamay kong medyo nanginginig na nga.
"Relax ka lang Val saka hindi naman ito ang unang beses mong sumali nang audition. Kalma ka lang," sabi naman niya sa akin at hinawakan ang kamay ko.
"Nga pala Val, may sasabihin ako sayo mamaya pagkatapos nang audition mo," sabi naman niya.
"Ano naman yun? Tungkol saan?"
"Mamaya ko na sasabihin. Goodluck sa performance mo. Kaya mo yan, ikaw pa."
"Nga pala Daiki, judge mamaya si J di ba?"
"Huh? Ah oo."
"Talaga? Excited na akong makita siya."
"Sige Val, pupuntahan na lang kita mamaya. Papanuorin ko yung performance mo," sabi naman niya at umalis na. May performance din kasi sila then after nun kami na susunod. Hoooo, kalma ka lang Necyval. Kaya mo to. Tama si Daiki. Hindi mo to first time kaya relax ka lang.
After two hours.....
"All participants pumunta na kayo sa backstage and within 10 minutes magsisimula na tayo," announce nang coordinator kaya nagpunta na kami backstage.
Nagkakabisado pa rin ako sa isip ko habang naghihintay na magstart. Nagdadasal din ako.
"Participants number 1 to 10, stand by na kayo."
Number 36 ako kaya sa last round ako sasalang. 40 participants kami lahat at hindi ko alam kung ilan sa amin ang makakapasa.
"Good morning everyone. Welcome to our quarterly audition for the best dancers who have the opportunity to be trained in BHDS. First, I will introduced our five judges starting with our first judge, the president of BHDS no other than Mr. Kim Jee Hun."
Nakarinig naman ako nang palakpakan. Ano kayang itsura ni J?
"Siya pala yung presideng ng BHDS," rinig ko namang sabi nang iba habang sumisilip sa nangyayari sa frontstage.
"Our second and third judge are a member of BTS and also a trainor for our trainees, let us welcome Jimin and J-Hope."
Mas lumakas naman ang palakpakan at hiyawan. At dahil narinig ko ang pangalan ni Jimin ay nakisilip na din ako. Ang gwapo niya talaga. Napansin ko naman ang katabi niya. Si J-Hope, gwapo din siya pero teka bakit parang pamilyar sa akin ang cap niya. Ganyang cap din ang sinusuot ni J.
"Girls, bumalik kayo sa pwesto niyo," rinig naming sabi sa amin ng coordinator kaya mabilis kaming bumalik sa pwesto namin at umupo.
"And our last judges, these two are both trainors of BHDS. They are the one who also trained the boys of BTS and they are well-knowed in dance industry. Let us welcome Coach Dylan and Coach Mina."
Teka nasaan si J? Akala ko ba kasama siya sa mga judges? Bakit di ko narinig ang pangalan niya?
"Lets start the audition," rinig kong announce at nagsimula na nga. Pero nasaan si J?
After an hour...
Third batch na ang sumasalang ngayon and susunod na ang batch namin. Kinakalma ko naman ang sarili ko hanggang batch na nga namin ang sasalang. Nauna nang tawagin ang 31. Nagsimula naman akong magdasal.
"Hi there Neva," rinig kong tawag sa akin kaya napamulat ako at nakita sa harap ko si Sam.
"I heard magaling ka na daw sumayaw ngayon at malaki ang chance mo na makapasok. That is good to hear lalo na at isa sa mga trainor ng BHDS ang nagtuturo sayo," sabi niya habang nakatayo sa harap ko. Hindi naman siya maririnig nang mga kasama ko sa last batch dahil busy na sila at malayo sila sa akin.
"How did you know that?," takang tanong ko naman sa kanya.
"Of course, I know it cause I saw it with my own eyes and I am sure na makakapasa ka talaga cause he will definitely give you a high score dahil isa siya sa mga judges ngayon."
"No he is not. Hindi siya kasali sa mga judges. Hindi ko narinig ang pangalan niya."
"Oh exactly cause you know him as J only, right? You didn't know what he looks like and you didn't know what his real name is dahil di naman siya nagpakilala nang maayos sayo."
"Ano bang sinasabi mo Sam?" Nalilito na talaga ako sa mga pinagsasabi niya.
"I will introduced to you the real J who teaches you," sabi niya at hinila ako para sumilip sa mga judges na nasa frontstage.
"Did you see him now Neva?," tanong niya sa akin. Paano ko siya makikita eh wala naman sa kanila si J. Bigla ko naman siyang hinarap.
"Alam mo Sam kung wala kang magawa sa buhay mo can you just leave me alone. May audition ako ngayon and wala akong panahon para pakinggan ang mga kasinungalingan mo," sabi ko sa kanya at iniwan siya pero napatigil ako sinabi niya.
"The J who teaches you is no other than J-Hope."
Napalingon naman ako sa kanya. Naalala ko naman ang sinabi ni Daiki kanina.
("Nga pala Daiki, judge mamaya si J di ba?"
"Huh? Ah oo.")Totoo bang si J si J-Hope?
BINABASA MO ANG
Book 5: Can I Have This Dance
FanficPlot: J-Hope witness a girl who loves to dance yet dancing doesn't loves her but because of her determination and eagerness to pursue what she loves, J-Hope decided to train her without telling her who he really is. What will be their journey togeth...