(J-Hope's POV)Nasa studio kami ngayon nang MBC para magperform. Habang nasa dressing room namin at naghihintay sa turn namin ay panay ang tingin ko sa relo ko.
"Hyung, kanina ka pa tingin nang tingin sa relo mo ah. May lakad ka ba?," bigla namang tanong sa akin ni Kookie.
"Teka may nililigawan ka na ba hyung?," tanong naman ni V.
"Nagpapatawa ka ba V?," naisagot ko na lang.
"Ganyan ako nung magkikita kami ni Marj eh," sabi naman ni Suga.
"Ako din, ganyan din ako," singit naman ni Jimin kaya pinagtinginan nila ako lahat.
"Anong masama kung tinitingnan ko ang relo ko? Di ba pwedeng tinitingnan ko lang kung anong oras na?," naisagot ko na lang at naghanap nang gagawin para mawala ang atensyon nila sa akin.
"Excuse me. Kailangan na po kayo sa backstage," sabi nang floor director nang makapasok sa room namin."Ok, thank you," sagot naman ni Leader.
Napabuga naman ako nang hangin. Mabuti na lang may sumagip sa akin.
Nang matapos ang performance namin ay bumalik na kami sa dressing room at nagbihis na din ako. Napatingin ulit ako sa relo ko. Kailangan ko nang umalis.
"Guys alis muna ako, may bibilhin lang ako sa mall," paalam ko naman para di sila magtaka.
"Samahan na kita," sabi naman ni Suga.
"Mabilis lang ako Yong," agad ko namang sabi.
"Sasamahan kita palabas. Pupuntahan ko din si Marj."
"Mauna na kami," paalam sa kanila ni Suga at lumabas na kami. Bigla naman niya akong inakbayan.
"Pupunta ka ba talaga nang mall?," tanong niya naman sa akin.
"Oo nga. Bibili ako nang..... bagong sapatos," sagot ko naman.
"Sapatos? Ang dami namang sapatos sa dorm ah. May di ka pa nga nagagamit dun eh."
"May nakita kasi akong sapatos nung nakaraan, babalikan ko lang para bilhin."
"Ah. Ok sige. Una na ako," paalam naman niya sa akin nang makalabas na kami nang building. Mabilis ko namang sinuot ang cap at facemask ko. Pumara ako nang taxi at nagpahatid sa studio ni Necy.
(Necyval's POV)
Naglinis ako nang buong studio. Madami din kasing gamit si Joanna na galing sa shop nila. Nang matapos ay nagpraktis na din ako. Medyo confident na ako dahil kabisadong kabisado na nang katawan ko ang steps. Paulit ulit ba namang sinayaw. Napatingin naman ako sa relo ko. Malapit nang mag5, papunta na kaya siya? Napatingin din ako sa phone ko. Di naman siya nagtext. Binalik ko sa table ang phone nang tumunog ito kaya binasa ko.
"I'm on my way," basa ko sa text niya. Bigla naman akong naexcite at kinabahan. Napapainhale exhale ako habang hinihintay siya. Ano kayang masasabi niya sa sayaw ko? Nagulat naman ako nang may kumatok at bumukas ang pinto. Nanlaki naman ang mata ko sa pumasok.
"O Val bakit parang nakakita ka nang multo sa reaksyon mo," sabi sa akin ni Daiki at lumapit sa akin.
"Anong ginagawa mo dito?," naitanong ko na lang sa kanya.
"Binibisita ka. Di mo na kasi ako pinupuntahan sa BHDS. Lagi ka na lang busy kakapraktis dito kaya ako na bumisita sayo," sagot naman niya na may pagtatampo.
"Ah eh ano kasi. Ahmm.. Lalabas muna ako. Bibili ako nang pagkain. Dito ka lang. Hintayin mo ko. Mabilis lang ako," agad kong sabi at mabilis na lumabas. Palabas na ako nang eskinita nang makasalubong ko si J kaya agad ko siyang hinila.
"Ah J umalis ka muna. May problema tayo," agad kong sabi sa kanya.
"Ano? Anong problema?"
"Nandito si Daiki. Di ka niya pwedeng makita."
"Ano?," nasabi na lang niya.
"Val, sino siya?," rinig naming sabi kaya tumalikod siya sa akin at hinarap ko naman si Daiki.
"Ahh ehhh nagtatanong lang nang daan," sagot ko naman kay Daiki.
"Diretso lang po kayo at lumiko po kayo sa kanan," sabi ko naman kay J.
"Ah thank you," sagot naman niya at naglakad na paalis. Agad ko namang nilapitan si Daiki na nakatingin pa din sa naglalakad na si J.
"Bakit ka lumabas? Sabi ko sayo hintayin mo na ako sa loob."
"Sasamahan na kita. Teka bakit parang pamilyar sa akin yung lalaki?," bigla naman niyang sabi.
"Hindi ko siya kilala kaya malamang di mo rin siya kilala. Tara na, bumili na tayo. Medyo nagugutom na din ako," sabi ko at agad siyang hinila. Napahawak naman ako sa dibdib ko. Muntik na yun ah. Nang makabalik sa studio ay mabilis kong tinext si J.
"I am sorry. Di kasi sinabi ni Daiki na pupuntahan niya ako ngayon."
"Val kumain ka na dito," tawag naman sa akin ni Daiki.
"Ok. Saglit lang."
Binasa ko naman ang reply niya sa akin.
"Its okay. Nakalimutan ko din na ngayon pala yung free day nila. I will just see you tomorrow."
"Ok. Thank you."
Mabilis naman akong lumapit kay Daiki nang maisend ang reply ko. Habang kumakain ay bigla namang tumunog ang phone ko at sabay kaming napatingin sa screen ng phone.
"Sinong J? At may emoji pa?," agad na tanong ni Daiki.
BINABASA MO ANG
Book 5: Can I Have This Dance
FanfictionPlot: J-Hope witness a girl who loves to dance yet dancing doesn't loves her but because of her determination and eagerness to pursue what she loves, J-Hope decided to train her without telling her who he really is. What will be their journey togeth...