Episode 6: Meeting Her Again

8 0 0
                                    


(Necyval's POV)

One month na si Daiki sa BHDS at every visiting day ay pinupuntahan ko siya. Everyday din ako nagpapractice sa studio ni Joanna. Kaibigan namin siya ni Daiki at libre niya kaming pinapagamit sa studio niya. Medyo nakakalungkot din mag isang magpractice di katulad dati na sabay kami ni Daiki at tinuturuan niya pa ako. Ngayon mag isa na lang ako. Napahinto naman ako sa pagsasayaw at napaupo. Uminom ako nang tubig at humiga sa sahig.

Visiting day....

Hapon na ako bumisita kay Daiki kasi alam ko madaming tao kapag umaga. Nasa entrance na ako nang BHDS pero naiihi ako kaya nagcr muna ako at nang makalabas ay nakasalubong ko sa pathway si Samantha at Lorraine.

"Look who's here? The trying hard dancer of all times," sabi ni Sam at tumawa pa.

"Excuse me," sabi ko na lang at dumaan sa gitna nila.

"I give you some advice Neva," sabi ni Sam kaya napatigil ako.

"Wag ka nang magpagod pa kasi gaya nang pangalan mo, Nevar kang makakapasok dito kaya ako sayo titigil na akong mangarap dahil kahit anong gawin mo ayaw ng sayaw sayo."

"Pareho kasing kaliwa ang paa mo Neva," sabi naman ni Lorraine at nagtawanan sila. Mabilis naman akong naglakad palayo sa kanila kahit di ko alam kung saan ako papunta.

(J-Hope's POV)

Naglalakad ako papuntang cr nang makarinig ako nang usapan. Boses nang mga babae. Naghintay naman akong matapos sila bago ako lumabas. Di ko naman intensyong makinig pero narinig ko ang tungkol sa sayaw kaya sumilip ako at nakitang papunta sa gawi ko yung tinawag nilang Neva kaya agad akong nagtago. Dumiretso naman ako nang cr nang makaalis sila. Habang naglalakad pabalik ay napansin ko siyang nakaupo sa may hagdanan nang fire exit. Walang masyadong pumupunta dito. Di ko na lang siya pinansin at dumiretso sa pinto papuntang studio namin nang marinig ko siyang umiiyak kaya napatingin ako sa kanya. Humahagulgol siya habang nakatago ang mukha sa mga tuhod niya. Tumunog naman ang phone niya kaya nag angat siya nang ulo at mabilis naman akong nagtago sa gawi na di niya makikita.

"Hello Daiki?"

"Hindi muna ako makakapunta nang BHDS ngayon kasi may ginagawa ako. Sa susunod na lang kita bibisitahin."

"Hindi. Medyo sinisipon din kasi ako."

"Sige kailangan ko pang tapusin to. Bye."

Umiyak naman ulit siya matapos ang tawag. Sinilip ko na lang siya at pumasok na nang studio.

"Natagalan ka ata hyung," tanong naman sa akin ni V pero di ko siya pinansin. Iniisip ko pa din yung babaeng umiiyak. Daiki?

"Min di ba si Daiki nagbigay sayo nung box sa orientation natin?," agad ko namang tanong kay Jimin.

"Oo hyung bakit?"

"Ano nga ulit pangalan nung bestfriend niya?"

"Saglit lang. Nandito pa yung last gift niya eh," sabi naman niya at may kinuha sa bag niya.

"Necyval hyung. Bakit mo ba natanong?"

"Wala lang," sagot ko naman.

"Last practice na," sabi naman ni Nam Joon kaya nagform na kami.

"May pupuntahan lang ako guys. Mauna na ako sa inyo," agad kong sabi nang matapos ang practice namin at mabilis lumabas nang studio. Sa main entrance ako lumabas at nagsuot na din ako nang mask at cap. Wala nang tao sa entrance at  nasa loob na nang rehearsal studio ang trainees. Mabilis ko namang tinakbo ang elevator dahil sumara na ito at nang mahabol ko ay bumukas ulit ito. Nagulat naman ako nang siya ang makita ko sa loob. Nagkatitigan kami at halata sa mga mata niya na galing siya sa iyak.

Book 5: Can I Have This DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon