(Necyval's POV)"Anong ginagawa mo dito Val?," agad na tanong sa akin ni Daiki nang makalabas kami nang BHDS ngunit di ko siya pinansin at sumusulyap lang sa loob baka sakaling lumabas si Jimin.
"Necyval naman," sabi niyang buo sa pangalan ko at kapag yan na ang binanggit niya, alam kong galit na siya.
"Sorry Daiki. Hinatid ko lang naman tong regalo ko para kay Jimin. Kasalanan mo din kasi eh, bakit mo kasi iniwan," sabi ko at tumingin ulit sa loob.
"Ok fine, ibibigay ko yan," sabi naman niya kaya napatingin ako sa kanya.
"Talaga? The best ka talaga bestfriend," excited ko namang sabi at niyakap siya. Binigay ko naman yung box sa kanya.
"Wag kang magagalit Val pero kailangan ko na kasing bumalik sa loob at kailangan mo na ring umalis. Bawal kasi ang bisita dito kung walang schedule."
"Ok lang yun, basta ba ibigay mo yan ha."
"Oo naman. Sige na Val. Mag iingat ka pauwi ha," sabi naman niya at pumasok na. Kumaway pa siya bago tuluyang nawala sa paningin ko. Nakangiti akong sumakay nang elevator. Yes! Success ang pagpunta ko dito. Kailangan ko na talagang magpraktis nang mabuti para makapasok dito at makita si Jimin.
(J-Hope's POV)
Nag orientation kami para sa mga bagong trainees. Pinaalam namin sa kanila ang mga rules and regulations nang BHDS. Nakita ko namang pumasok na yung lalaking lumabas kanina at may dala siyang box. Girlfriend niya siguro ang babaeng yun. Umupo naman siya katabi nang iba at nakinig. After orientation ay nagpakilala ang mga bagong trainees.
"I am Samantha Perez. 21 years old."
"I am Stephen Silva. 23 years old and half-american."
"I am Daiki Niwa. 22 years old. Half-japanese ako."
Nang matapos magpakilala ay nagpakitang gilas naman sila sa pagsasayaw. Deserved talaga nilang makapasok dahil magagaling sila lalo na yung Daiki at Samantha. Konting train pa sa kanila at pwede na talaga silang maging idol.
"Good job every one. Daiki and Samantha , you two are really great. Keep it up," sabi ni manager sa kanila kaya nagpalakpakan ang buong team.
"Darating bukas ang trainors niyo who are also the trainors of BTS nung trainees pa sila and sometimes magiging trainor niyo rin sina Jimin, J-Hope and Jungkook."
Nagpalakpakan naman sila at ngumiti lang kaming tatlo. Nakipag usap pa kami sa mga trainees bago bumalik ng dorm. Nakita ko namang may inabot yung Daiki kay Jimin. Yun yung box na dala niya nang makabalik siya. Nagpaalam na kami at bumyahe na pabalik nang dorm.
"San galing yang box na dala mo hyung," rinig ko namang tanong ni Jungkook kay Jimin.
"Ah bigay to kanina ni Daiki. Galing daw sa bestfriend niya."
"Yun ba yung babaeng nagsisigaw kanina sa labas nang rehearsal studio?," tanong naman ni V sa kanya.
"Oo." Bestfriends pala sila akala ko girlfriend niya yun.
"Nag audition din daw yung bestfriend niya kaso di nakapasok."
"Talaga? Sayang naman."
"Oo nga eh pero may next pa naman, siguro makakapasok na siya."
"Eh anong pangalan daw niya hyung?"
"Necyval ba yun? Ah oo Necyval nga."
"Unique nang pangalan niya hyung. Necyval."
Pamilyar sa akin ang pangalan na yan ah. San ko ba yun nabasa?
Nang makarating sa dorm ay dumiretso ako nang kwarto at nahiga. Nakakapagod din ang araw na to. Naisipan ko namang buksan ang page namin. Lahat kami may access sa page na to, kumbaga admin kami lahat pero walang nakakaalam syempre (kayo lang daw mga readers). Nagbasa basa naman ako sa mga comments nang mga posts. Napapangiti na lang ako sa mga magagandang comments ng mga ARMYs lalo na kapag binabanggit ang pangalan ko.
Nabasa ko naman ang isang comment at napatigil ako nang mabasa ang pangalan niya. Necyval Puerto. Pamilyar talaga sa akin ang pangalan na to at dahil sa curiosity ay tiningnan ko ang account niya at nakita ang picture niya. Napabangon naman ako nang makilala siya. Siya yung babae sa audition na di nakapasok at siya din yung babae sa elevator."Daebak! (Wow!)," nasabi ko na lang.
Tiningnan ko naman ang latest post niya. Picture niya ito mula sa baba ng building nang BHDS at may caption na "After three months, makakapasok na din ako sa building na to as a trainee."
BINABASA MO ANG
Book 5: Can I Have This Dance
FanfictionPlot: J-Hope witness a girl who loves to dance yet dancing doesn't loves her but because of her determination and eagerness to pursue what she loves, J-Hope decided to train her without telling her who he really is. What will be their journey togeth...