(J-Hope's POV)Bumalik na ako sa pagtuturo. Namiss ko ang mga trainees at namimiss ko din ang pagtuturo. Kahit siya namiss ko ring turuan. One week na lang audition day na at one week na lang din makikita na niya kung anong itsura ni J. Habang nasa canteen at kumakain kasabay si Daiki ay nakarinig kami nang usapan mula sa likod ko.
"Alam niyo ba guys kung bakit hindi nagturo si Sir J-Hope ng isang buwan?"
"Hindi ba may event silang pinuntahan abroad kasama sina RM at V?"
"Hindi kaya. Hindi naman siya umalis eh. Nakita ko siya na nasa training room lang nila and guess what kaya siya hindi pinaturo dahil sinuspende daw siyang magturo."
"Huh? Bakit naman siya sinuspende?"
"Narinig kong may tinuturuan daw kasi siyang outsider at yun ang pinakabawal na gawin ng lahat nang trainor sa BHDS."
"Talaga?"
"Oo nga. Totoo ang sinasabi ko."
Bigla namang tumayo si Daiki."Alam niyo mga pare daig niyo pa ang mga babae sa tsismisan ah at hindi man lang kayo nakaramdam na ang pinag uusapan niyo nasa tabi niyo lang. Konting respeto naman mga tol."
"Tama na Daiki," nasabi ko lang at tumayo din. Bigla naman silang yumuko nang makita ako.
"Sorry po," sagot naman nung iba.
Wala naman akong masabi kaya umalis na lang ako. Hinabol naman ako ni Daiki."Wag mo na lang pansinin yung pinag usapan nila J-Hope," sabi lang niya kaya ngumiti na lang ako. Alam ko namang totoo yung pinag uusapan nila at ayaw kong palakihin pa yun. Nang makabalik sa training room ay dinismiss ko lang agad sila. Medyo hindi rin kasi ako makapagconcentrate sa pagtuturo. Pumunta naman ako nang training room namin.
"Hyung maaga ka atang natapos," tanong naman agad sa akin ni Kookie.
"Medyo sumakit ang ulo ko. Pwede mo bang sabihin kay Leader na mamauna na ako sa dorm."
"Ok hyung, sasabihin ko. Ingat ka."
Lumabas na nga ako at umalis.(Necyval's POV)
Since malapit na ang audition day ay todo practice na din ang ginagawa ko. Minsan nga dito na ako sa studio natutulog. Hindi na rin kami masyadong nagkikita ni J dahil sobrang busy na niya siguro. Hindi na nga siya nagrereply sa akin eh. Hindi naman siguro siya nagpalit nang bagong number no. Nagulat naman ako nang makarinig nang katok kaya pinause ko muna ang tugtog at nagtungo sa pinto para buksan.
"J?," gulat na tanong ko naman nang makita siya.
"Hi," sagot lang niya at ngumiti kaya ngumiti na din ako.
"Bakit ka nga pala naligaw dito? Akala ko pa naman nagpalit ka ulit nang number dahil di mo na ako nirereplayan," sabi ko naman sa kanya na may pagtatampo nang makaupo kami sa sahig.
"Sorry. Sobrang busy ko lang sa pagtuturo. Kumusta ka na nga pala?."
"Eto nagpapractice pa din. Excited na ako para sa audition and hopefully makapasa na ako this time."
"Don't worry ipapasa kita," sagot naman niya kaya hinampas ko siya sa braso niya.
"Nagpapatawa ka ba? Hindi porket magkakilala tayo at magkaibigan eh ibabias mo na ako. Sympre ijudge mo ako gaya nang iba para fair at ayoko namang makapasok lang dahil ipinasa mo ako. Gusto ko makita nila na worth it akong makapasok."
"Oo na. Ang sakit mo pala manghampas. Bigat nang kamay mo," sabi lang niya at nagkunwaring ngumingiwi sa sakit kaya hinampas ko ulit siya. Pinagtawanan ko naman siya dahil sa reaksiyon niya.
"Kumain ka na ba?," tanong naman niya sa akin.
"Oo naman. Ang dami niyo kayang magagalit pag nagkasakit ako," sagot ko naman.
"Hindi naman kami magagalit, nag aalala lang kami para sayo."
Napatingin naman ako sa kanya nang sabihin niya yun at tumingin din siya sa akin kaya nagkatitigan kami. Pareho naman kaming nagulat nang bumukas ang pinto.
"Val nasaan ka?," rinig namin pareho kaya napatayo kaming dalawa. Mabilis naman niyang inayos ang mask at cap niya.
"Val nandito ka lang pala. Teka sino siya?," agad namang tanong ni Daiki nang makita si J. Nakayuko naman si J.
"Ah si J nga pala Daiki. Siya yung sinasabi ko sayo na nagtuturo sa akin. Trainor siya sa BHDS."
"Trainor sa BHDS? Teka parang kilala kita ah. Yang damit mo, ganyan suot ni J-," di naman natapos ni Daiki ang sasabihin niya dahil mabilis siyang inakbayan ni J at lumayo silang dalawa sa akin. Ano naman kaya ang pinag uusapan nila?
(J-Hope's POV)
"Trainor sa BHDS? Teka parang kilala kita ah. Yang damit mo, ganyan suot ni J-," putol ko naman sa sasabihin ni Daiki at hinila siya palayo kay Necy.
"Wag mong babanggitin sa kanya ang pangalan ko Daiki. Hindi niya alam na ako to. J lang ang pagpapakilala ko sa kanya," agad ko namang sabi sa kanya.
"Ibig mong sabihin totoo yung sinasabi nina Jerome kanina about sa pagtuturo mo sa labas?," tanong naman niya.
"Oo, mamaya ko na ipapaliwanag sayo," sagot ko naman.
"Anong pinag uusapan niyo jan?," bigla namang tanong ni Necy na nasa likod na pala namin. Nagulat naman ako pati si Daiki. Narinig niya ba ang pinag usapan namin?
"Huh? Ah wala naman. Sinabihan ko lang siya na walang dapat makaalam na tinuturuan kita," sagot ko naman sa kanya.
"Oo Val," pagsang ayon naman ni Daiki.
"Oo naman. Mapagkakatiwalaan naman yang bestfriend ko J. Don't worry," sabi naman niya kaya ngumiti lang ako.
"I know," sagot ko naman at inakbayan si Daiki.
(Ang di nila alam may nakakita pala sa kanila na taga BHDS din at kumuha ito nang larawan nilang tatlo.)
BINABASA MO ANG
Book 5: Can I Have This Dance
FanfictionPlot: J-Hope witness a girl who loves to dance yet dancing doesn't loves her but because of her determination and eagerness to pursue what she loves, J-Hope decided to train her without telling her who he really is. What will be their journey togeth...