Episode 18: Denial Feeling

3 0 0
                                    


(J-Hope's POV)

"Hyung kanina ka pa hinahanap ni Manager. Mukhang galit sayo," salubong sa akin ni V nang makapasok ako. Dumiretso naman ako sa office ni Manager.

"Where have you been Hoseok?," tanong niya agad sa akin.

"Sorry hyung," nasabi ko na lang.

"Madalas kang wala dito sa dorm at umuuwi ka halos 11 na. Saan ka ba nagpupunta?," tanong niya ulit.

"May pinupuntahan lang ako hyung," maikli ko namang sagot habang nakayuko.

"Where exactly did you go Hoseok?," specific niyang tanong. Real name ko na ang binabanggit niya kaya alam kong galit na siya.

"Ok lang naman na umaalis kayo pero dapat nagpapaalam kayo sa akin. Ano pang purpose nang pagiging manager ko kung hindi ko man lang alam kung nasaan kayo. Oo si Suga umaalis din dati pero nagpapaalam siyang sa library lang siya pupunta pero ikaw, wala man lang pasabi. Agad agad aalis ka, magsisinungaling ka pang may sakit ka. I know you Hoseok, you're not going to lie unless it is about the rules of being an idol. Tell me who are you exactly meeting with?," tanong niyang nakapagpaangat nang ulo ko.

"What do you mean hyung?," takang tanong ko naman.

"Pinasundan kita kanina. You arrived in a place where dance contest are being held. What are you doing there?," seryoso niyang tanong. Wala naman akong nagawa kundi sabihin ang totoo.

"What? You break the ultimate rule Hoseok. I told you, hindi kayo dapat magturo sa labas without the permission of BHDS president. Paano na lang if may nakakita sa yong iba? Paano na lang kung may nakaalam na nagtuturo ka nang patago?," dere-deretso niyang sabi.

"Sorry hyung," nasabi ko na lang dahil kasalanan ko naman talaga.

"You can only teach in BHDS and you are not allowed to teach outside. From now on, you're being suspended to teach in BHDS and your practice room in BHDS building is the only place you can go aside in this dorm. Are we clear Hoseok?"

"Yes hyung," sagot ko na lang.

"You can go now," sabi naman niya kaya lumabas na ako nang office niya. Nakita ko naman silang lahat pagbukas ko nang pinto.

"Hyung what happened? Mukhang galit na galit sayo si Manager ah," tanong naman agad sa akin ni Jimin.

"All of you follow me," seryoso namang sabi ni Leader kaya sinundan namin siya at nakarating kami sa entertainment room.

"Magpaparty ba tayo hyung?," tanong naman agad ni Kookie kaya binatukan siya ni Jin.

"All of you sit down," utos naman niya sa amin at seryoso pa din siya. May kasalanan din pala ako sa kanya. Agad naman kaming umupo.

"Sino bang leader ng grupong to?," agad niyang tanong at sabay sabay naman namin siyang tinuro.

"Yes, ako nga pero bakit parang di ko nararamdamang nirerespeto niyo ako bilang leader lalo ka na J-Hope," sabi naman niya at tumingin sa akin. Nagsitinginan din naman silang lahat. Wow para akong nasa hot seat.

"Hindi lang kayo ang pinapagalitan everytime may nagagawa kayong mali pati ako napapagalitan dahil Leader niyo ko. Dapat ako ang unang makaalam kung anong mga ginagawa niyo, kung tama ba yan o mali at ako rin dapat ang magsasabi sa inyong mali yan kaya dapat di niyo gawin pero paano ko kayo mapipigilan kung pati sa akin nagtatago kayo. Guys we are already a family here. Ilang taon na ba tayong magkasama? Don't tell me hindi niyo ako pinagkakatiwalaan, ganun ba?"

"No Leader," sagot naman naming lahat.

"Then bakit may ganito J-Hope? What exactly did you do?," tanong niya kaya sinagot ko na din para malaman na din nila.

"Nagtuturo ako outside BHDS everytime umaalis ako."

Nagulat naman silang lahat.

"Kaya pala galit na galit sayo si Manager kanina hyung."

"Yes and I am suspended now to teach in BHDS trainees."

"What? Eh paano ka? Ano nang gagawin mo," tanong naman ni Suga.

"I'm ok and I will face the consequence of my action. Mali din naman talaga ang ginawa ko," sagot ko naman sa kanya.

"This is what I want guys. I hope sa susunod maging open kayo lalo na sa akin as leader niyo. You can trust me, right?," sabi naman ni Leader.

"Yes Leader," sagot naman naming lahat.

"Group hug," sabi naman ni Kookie at naggroup hug nga kami.

"Magpahinga na kayo," sabi ni Leader at naglabasan na sila.

"J-Hope lets talk," sabi naman niya sa akin at tumango lang ako.

"Sino bang tinuturuan mo?," tanong niya sa akin nang kami na lang ang naiwan.

"She is the bestfriend of Daiki Niwa, the one who give gifts to Jimin," sagot ko naman.

"You mean yung babaeng nagpunta sa BHDS na sumisigaw?"

"Yes siya nga."

"Bakit mo siya tinuturuan?"

"I don't know. Nakikita ko kasi sa kanya ang dating ako bago ako naging member ng grupong to. Yung determination and eagerness kong makita nang tao na may talent ako, na kaya ko at di ako susuko kahit anong sabihin nang iba, yun kasi ang nakita ko sa kanya hyung."

"I think you like her," bigla naman niyang sabi.

"What? You make me laugh Joon," sabi ko naman at tumawa.

"You will realize it soon. Magpahinga ka na," sabi naman niya at iniwan ako.

Napaisip naman ako sa sinabi niya. Malabong mangyari yun. I just find my old self to her, nothing else than that. Dumiretso naman ako nang kwarto at saktong tumunog ang phone ko.

"J, bakit ka nawala kanina? / J, 1st ako, hindi ako makapaniwala na nanalo ako. First time to. / Thank you, kung hindi dahil sayo di ako gagaling sa pagsasayaw. Ikaw ang best trainor ng BHDS. / Kailan ka free? Ililibre sana kita, pangthank you ko sayo. / J, narereceived mo ba mga text ko? Bakit di ka nagrereply? / J, I hope we see each other soon. May ibibigay sana ako sayo. / Goodnight J. I am really happy today, thanks to you," basa ko sa mga text niya.

"Congrats Necy. You deserved that. I'm sorry pero may world tour kasi ang BTS for one month kaya hindi muna kita matuturuan dahil magiging busy ako sa mga trainees. Magpractice ka lang nang magpractice and I know matutupad mo din ang pangarap mo. Fighting Necy," reply ko lang sa lahat nang text niya and I think this will be the last text. Napapikit na lang ako habang nasa dibdib ko ang phone ko.

Book 5: Can I Have This DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon