(J-Hope's POV)"Hyung saan ka nagpunta?," agad na tanong sa akin ni V nang makarating sa dorm. Nilapag ko naman sa sofa ang bag ko at umupo. Di ko naman sinagot si V at pumikit lang. Mabuti na lang at tumunog ang phone niya at umalis siya para sagutin ito. Mukhang nasa kanya kanya na silang kwarto. Kinuha ko naman ang bag ko at umakyat na sa kwarto ko. Agad akong napahiga sa kama dahil sa pagod. Nasapo ko na lang ang noo ko. Ano bang pinasok mo Hoseok? Nag iisip ka ba? Di ko na lang kaya siya siputin two days from now? Pero paano kung maghintay siya don? Nakapagbitiw pa naman ako nang salita na tuturuan ko talaga siya. Ano nang gagawin ko? Tiyak na magagalit si manager pag nalaman niya to.
(Necyval's POV)
Nakarating ako nang bahay na parang lutang. Di pa rin kasi ako makapaniwala sa nangyari kanina. Agad akong nagtungo sa kwarto ko at nahiga. Itext ko kaya si Daiki at tanungin sa kanya kung may J nga silang trainor. Mabilis ko namang kinuha ang phone ko at nagtype na. Pero paano kung magtaka si Daiki kung bakit kilala ko ang trainor nila. Naalala ko naman bigla ang mga condition niya. Mabilis kong binura ang tinype ko at nilapag ang phone sa tabi ko. Kailangan kong makuha ang mga steps na tinuro niya para mas maturuan niya pa ako at makapasok na ako sa BHDS. Kaya mo to Necyval. Don't give up. Fighting!!!
Two days after....
Alas sais pa lang nang umaga ay umalis na ako sa amin para dumiretso dito sa studio at magpractice. Hindi pa rin kasi ako confident na kuha ko na. Oo memorize ko na siya pero bakit parang hindi ako satisfied sa pagsayaw ko? Buong umaga akong nagpractice. Kumain lang ako nang konti at nagpractice ulit. Hanggang mag alas singko na. Anong oras kaya siya darating? Nagbihis naman ako at medyo nagwarm up warm up pa habang hinihintay siya. Medyo nagugutom na rin ako pero mamaya na ako kakain after. Nag alas sais na lang pero wala pa rin siya. Saan na kaya siya? Wala pa naman akong contact niya. Nagpractice na lang ulit ako hanggang mag alas syete na. Napahawak na ako sa tiyan ko. Tumutunog na rin ito. Uminom na lang ako nang tubig. Naghintay pa ako hanggang mag alas otso na. Di na ata siya darating. Siguro narealized niyang di ako karapat dapat turuan dahil di ako magaling. Kasalanan ko din kung bakit ako umasa. Pinatay ko na lang ang audio player at kinuha ang bag ko para umalis.
(J-Hope's POV)
Naging busy kami dahil may guesting kami at may photoshoot pa. Di ko rin kasi natingnan ang schedule namin. Magtuturo pa ko mamaya sa BHDS at may practice pa kami.
"Ok. Done. Thank you boys," sabi nang photographer kaya nagpack up na kami.
"Hyung di muna ako sasabay papuntang BHDS, pupuntahan ko pa si Marj," paalam ni Suga.
"Ako din hyung. Susunduin ko si Viennice sa airport," sabi naman ni V.
"Ako din hyung. May date kami ni Scarlet ko," singit naman ni Leader.
"Oh ikaw Jimin, di ka rin sasabay dahil kay Eshe?," tanong naman ni Jin kay Jimin.
"Natamaan mo hyung. See you later," sagot naman ni Jimin at kanya kanya na silang lakad. Eh di kayo na may lovelife. Ipamukha niyo pa.
"Bumalik kayo agad sa BHDS within 5:30 pm para sa practice," habol ni Manager sa kanila at sumigaw lang sila nang yes sir.
"Lets go mga zero ang lovelife," bigla namang sabi ni Kookie kaya nagtawanan kaming pumasok nang van at dumiresto sa BHDS.
Agad akong pumasok nang rehearsal studio at nagturo sa kanila. Tinuro ko sa kanila ang steppings nang Danger since ito ang ipeperform nila this saturday para sa weekly ranking nila. After ay dinismiss ko na din sila at iniwan. Dumiretso naman ako sa practice room namin at nakitang nandoon na sila lahat. Nagstart na rin kaming magpractice. Almost one hour and a half din bago kami natapos. Nagugutom na ako. Napatingin ako sa relo ko. 7:10 na."Kumain na tayo. Nagugutom na ako," sabi naman ni V.
"Nagpadeliver na ako. Hintay hintayin na lang natin," sagot naman ni Manager. Lumabas naman ako para magcr.
"Kumusta Val?," rinig kong sabi mula sa labas.
"Nasa studio ka pa din? Mukhang nagpapractice ka nang mabuti ah. Wag ka lang masyadong magpakapagod at kumain ka."
Bigla ko namang naalala si Necyval. Oo nga pala ngayong araw kami magkikita ulit. Napatingin naman ako sa relo ko. 7:25 na. Nasa studio pa din siya. Ako ba ang hinihintay niya? Nakonsensya naman ako kaya mabilis akong tumakbo pabalik nang practice room at kinuha ang bag ko.
"Aalis muna ako hyung," sabi ko lang at mabilis na lumabas ulit. Nang makalabas nang building ay agad akong pumara nang taxi at nagpahatid sa studio niya. 7:40 na. Nandoon pa kaya siya? Sinuot ko naman ang mask at cap ko. Mabilis akong bumaba at tumakbo nang makarating. Binuksan ko agad ang pinto at hingal na pumasok.
"J?," rinig kong sambit niya kaya napatingin ako sa kanya at nakita ang luha sa mga mata niya.
BINABASA MO ANG
Book 5: Can I Have This Dance
FanfictionPlot: J-Hope witness a girl who loves to dance yet dancing doesn't loves her but because of her determination and eagerness to pursue what she loves, J-Hope decided to train her without telling her who he really is. What will be their journey togeth...