Episode 19: Taking care of Her

5 0 0
                                    


(Necyval's POV)

Its been a month since natanggap ko yung text ni J. Nireplayan ko siya yet wala na akong natanggap na text mula sa kanya. Tinawagan ko din siya pero laging off ang phone niya. One month na lang din at opening na nang auditon sa BHDS. Sa 4 weeks na wala si J ay nagpapractice lang ako. Kahit di niya natapos ituro sa akin ang steps ng GoGo ay natapos ko itong praktisin through dance toturial sa youtube. Pinanuod ko din yung dance video mismo nang BTS at sobrang cute nilang lahat dun lalo na si J-Hope. Ngayon ko lang nalaman na ang cute niya pala. Lagi na lang kasing si Jimin nakikita ko. Gusto kong ipakita kay J na kabisado ko na ang steps pag nagkita ulit kami. Dinadalaw naman ako ni Daiki kapag may free day siya. Minsan nagsasabay kaming magpraktis. Nakakamiss din yung dati na halos araw araw kaming magkasama. Bumalik na din ako sa paggawa nang bracelet. Nagulat nga si Daiki at gumagawa na ulit ako dahil halos sampung taon din ata akong tumigil. Binigyan ko siya nang isa bilang sign nang pagkakaibigan namin. Gusto ko rin sanang itanong sa kanya si J pero baka maghinala siya kung bakit kilala ko si J. Minsan nga kapag binibisita ko siya sa BHDS napapatingin ako sa loob dahil baka makita ko siya pero narealize ko din na baka di ko rin siya makilala dahil di ko naman alam ang mukha niya. Natatawa na lang din ako sa sarili ko dahil imbes si Jimin ang hanapin ko, siya na tuloy ang hinahanap nang mata ko. Kailan kaya kita ulit makikita J?

(J-Hope's POV)

One month akong suspended sa pagtuturo kaya nasa training room lang ako lagi. Practice nang practice at gumagawa nang bagong cheoro sa bagong kanta namin. Kapag tapos na ako at nagpapahinga ay napapaisip ako kung kumusta na siya. Kung anong ginagawa niya ngayon? Kung nagpapractice din ba siya kagaya ko? Kung kumakain ba siya on time? Kahit gusto ko siyang itanong kay Daiki hindi pwede dahil ban din akong puntahan ang mga trainees. Next week pa ako makakabalik sa pagtuturo.

"Hyung, ok ka lang ba?," agad na tanong sa akin ni Jimin nang makapasok siya sa training room.

"Oo naman. Kakatapos ko lang magpractice. Cr muna ako," paalam ko naman at lumabas. Nang matapos ay lalabas na sana ako sa cubicle nang marinig ko ang boses ni Daiki na may kausap sa phone.

"Val naman, sabi ni tita may sakit ka. Bakit ka nasa studio? Dapat nagpapahinga ka." May sakit si Necy?

"Ang tigas talaga nang ulo mo. Kung di ka uuwi, pupuntahan talaga kita jan."

"Wag ka muna magpractice ok. Magpahinga ka muna para gumaling ka at pwede ka na ulit magpraktis. Wag na matigas ang ulo Val. Please."

"Uminom ka nang gamot at matulog ka pagkauwi mo."
Nang makaalis siya ay saka lang ako lumabas at bumalik agad sa training room. Sana nakinig siya kay Daiki at umuwi na kung talagang may sakit siya.
Nang matapos sa training room ay nagpaalam ako kay Manager at kay Leader.

"Hyung pwede ba akong dumaan muna nang bookstore. May bibilhin lang akong libro para kay Mama."

"Ok. Bumalik ka ulit nang dorm pagkatapos mo."

Lumabas na ako nang building at pumara nang taxi. Nagpunta talaga ako nang bookstore para bumili nang libro. Dadalawin ko din kasi sila mama within this week.  
Babalik na sana ako nang dorm pero sa ibang way ako dinadala nang mga paa ko hanggang makarating ako sa studio ni Necy. Tinanggal ko naman ang mask ko at nilagay sa bag. Napatingin ako mula sa labas. Namiss ko din tong lugar na to. Pumasok naman ako sa eskinita at nakitang hindi nakalock ang studio. Ibig sabihin may tao sa loob. Hindi ako pwedeng makita ni Necy. Hinawakan ko lang ang doorknob at tumalikod na din nang bigla kong maalalang may sakit pala si Necy kaya napahinto ako at lumingon. Lumapit ulit ako sa pinto at pinihit ang doorknob. Sumilip ako pero di ko siya nakita. Baka lumabas siya. Isasarado ko na sana ang pinto nang may mahagip ang mata ko sa may gilid na di mo agad makikita mula sa pinto kaya pumasok ako at nakita siyang nakahiga sa sahig. Mabilis ko siyang pinuntahan at ginising.

"Necy. Necy, wake up," gising ko sa kanya at napadilat naman siya pero halata sa kanya na nanghihina siya.

"J? I-kaw ba yan?," tanong niya sa akin sa mahinang boses.

"Oo ako to," sagot ko naman sa kanya at hinawakan ang noo niya.

"Nilalagnat ka Necy. Bakit di ka pa umuwi?," agad kong sabi sa kanya.

"Saglit lang," sabi ko at nilapag siya bago nagpunta nang stock room at kumuha nang comforter. Binuhat ko naman siya at doon hiniga. Kumuha din ako nang bimpo at binasa saka nilagay sa noo niya. Mabilis naman akong nagpunta sa mini kitchen para tingnan kung meron man lang bang noodles at may nakita nga ako. Agad akong nagpakulo nang tubig at niluto ang noodles. Nang matapos ay dinala ko sa kanya. Hinalungkat ko naman ang bag niya at nakita ko ang dala niyang gamot.

"Necy kumain ka muna para makainom ka na nang gamot," gising ko sa kanya at isinandal siya sa balikat ko. Sinusubuan ko siya habang nakapikit pa din siya. Kailangan niya pa ding kumain kahit konti. Pinainom ko naman sa kanya ang gamot at inihiga ulit siya. Nakita ko namang dumilat siya.

"Necy, anong nararamdaman mo? May masakit ba sayo?," agad kong tanong sa kanya. Di naman siya sumagot at nakatingin lang sa akin. Doon ko lang narealize na hindi ko pala suot ang mask ko kaya agad ko itong kinuha sa bag saka sinuot. Nakita ko namang pumikit ulit siya. Kinuha ko naman ang jacket niya at kinumot sa kanya. Pati ang jacket ko ay kinumot ko na din sa kanya para mainitan siya. Kailangang bumaba nang lagnat niya. Tumunog naman ang phone ko. Si Nam Joon pala ang tumatawag. Tinanggal ko naman ang mask ko.

"Leader?," sabi ko nang masagot ang tawag.

"Nasaan ka J-Hope?," tanong naman niya sa akin.

"Nandito ako sa studio ni Necy. She's sick. Pwede mo ba akong pagtakpan kay Manager Joon, kahit ngayon lang?," sabi ko naman sa kanya habang kay Necy nakatingin.

"Araseo, basta bumalik ka agad bukas nang umaga," sabi naman niya.

"Thanks Joon," sabi ko lang din at binaba na ang tawag. Sinuot ko ulit ang mask ko. Binantayan ko lang siya at binabasa ulit ang bimpo para ilagay sa noo niya. Tiningnan ko naman ulit siya. Payapa na din ang paghinga niya. Sumandal naman ako sa pader saka pumikit.

Book 5: Can I Have This DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon