(Necyval's POV)Almost 5 days na akong pinagtiyagaang turuan ni J. Halos paulit ulit kami hanggat di ko nakakabisado at natatama ang mga steps. Two days from now dance contest na and I think nasa 70% pa lang ata ang nakukuha ko. Kapag wala naman siya ay nagpapractice pa din ako. Sinasabayan naman niya ako kapag nanjan siya at minsan napapangiti na lang ako. Ang lambot kasi nang katawan niya hindi tulad ko. Parang babae pa nga siya sumayaw kesa sa akin at kabisadong kabisado na niya ang steps. Bibisitahin ko nga pala bukas si Daiki, baka magtampo na naman sa akin yun. Tama, vivideohan ko ang sarili ko para makita niya ang improvement ko.
Kinabukasan......
"Mabuti naman at binisita mo ko, kasi kung hindi tatakas talaga ako dito para puntahan ka at batukan. Nakakalimutan mo na atang may bestfriend ka dito eh," salubong niya sa akin nang makita ako sa waiting area. Parang kulungan eh no.
"Alam mo Daiki habang tumatagal ka dito, iniisip kong para kang nasa kulungan. Bawal kasi kayong lumabas."
"So ayaw mo nang sundan ako dito, ganun ba? Kaya di mo na rin ako binibisita?," pagtatampo naman niyang tanong.
"Hindi no. Kahit habang buhay pa akong makulong dito basta makasama ko si Jimin my loves, hinding hindi ako tatakas o aalis."
"Yan tayo eh."
"Nga pala bestfriend may ipapakita ako sayo," sabi ko at nilabas ang flyer nung sasalihan kong contest.
"Dance contest? Sasali ka dito?" gulat naman niyang tanong.
"Wow gulat na gulat ka talaga ha."
"Kaya mo ba Val? Di pa naman kita masasamahan dito dahil weekly ranking performance namin to. Kahit pilitin ko silang payagan ako hindi nila ako pagbibigyan."
"Ok lang. Kaya ko bestfriend saka ipapakita ko sayo ang sasayawin ko jan sa contest na yan," sabi ko at nilabas ang phone ko. Pinanuod naman niya ang sayaw ko.
"Wow. Totoo ba to Val? Ikaw ba talaga to? Di nga? Ang galing mo na ah," gulat naman niyang tanong at talagang zinoom ang video kung ako ba talaga.
"Nag improve ba talaga ako? Ilang percent sa tingin mo?," excited ko namang tanong.
"90% Val. Konting push na lang Val makakapasok ka na talaga dito. Makakasama mo na din ako," sagot naman niya.
"Talaga? Wow...!!," nasabi ko na lang at niyakap siya.
"Pero teka, paano ka nag improve? Wag mong sabihing pinanuod mo lang sa youtube at ginaya mo," agad niyang tanong at kumalas sa yakap ko.
"Bakit hindi ka ba naniniwala?," balik ko namang tanong.
"Hindi naman kasi kapanipaniwala Val. Kilala kita eh. So sinong ngang nagtuturo sayo?," agad niyang sabi. Bigla ko namang naalala ang kondisyon ni J pero kaibigan ko naman si Daiki at mapagkakatiwalaan ko siya.
"Ok may nagtuturo sa akin pero di ko pwedeng sabihin sayo kung sino."
"Bakit hindi pwede? Bestfriend mo ko."
"Basta Daiki. Sasabihin ko din sayo pero hindi pa ngayon."
"Ok fine."
"Thank you bestfriend."
"Pero talagang nag improve ka Val. Magaling yang trainor mo kung sino man siya. Pero teka babae naman siguro yan di ba?," bigla niyang tanong at di naman agad ako nakasagot.
"Don't tell me lalaki yan?," gulat naman niyang tanong.
"Oo."
"What? Paano kung masamang tao yan Val? Paano kung may gawin siya sayo? Paano kung-," pigil ko naman sa sasabihin niya dahil tinakpan ko ang bibig niya.
"Sorry po," agad kong sabi sa mga taong napatingin sa amin dahil sa lakas nang boses niya.
"Ang OA mo Daiki. Mabait siya ok at mapagkakatiwalaan siya. Wag ka nang mag aalala sa akin saka kaya ko naman ang sarili ko."
"Basta Val kung may mangyari, tawagan mo ako. Kahit bawal akong lumabas talagang pupuntahan kita, ok."
"Oo na," sagot ko na lang para matigil na siya.
(J-Hope's POV)
Last practice na namin ngayon dahil bukas contest na. Nakita ko naman sa kanya ang determination na matuto at makabisado ang lahat nang steps. Masasabi ko din na may pag asa siyang manalo dahil almost kabisado na niya at nasasabayan niya ang music.
"Ok last practice na," sabi ko naman sa kanya.
"Ahm J pwede mo ba akong sabayan?," bigla naman niyang sabi habang nakangiti.
"Ok," sagot ko lang at tumabi sa kanya. Sumayaw kami nang sabay nang tumugtog na. Nakangiti lang siya the whole time habang sumasayaw kami hanggang matapos. Nagulat na lang ako nang hawakan niya ang kamay ko at nagbow kami. Napatingin naman ako sa kanya at ganun din siya. Ang pagkakaiba lang, nakangiti siya sa akin habang ako nanlaki ang mga mata at ang bilis nang tibok nang puso ko.
BINABASA MO ANG
Book 5: Can I Have This Dance
FanficPlot: J-Hope witness a girl who loves to dance yet dancing doesn't loves her but because of her determination and eagerness to pursue what she loves, J-Hope decided to train her without telling her who he really is. What will be their journey togeth...